Diretso akong tumingin sa malaking pangalan ng school na papasukan ko ngayon. Shete. Kinakabahan ako..
"Ano? Handa ka na ba? Ito yung section mo oh. Hanapin mo na. Masyadong malaki ang school na 'to kaya for sure mahihirapan kang mahanap. Sige, mauna na 'ko. Ingat 'tol!" Ngiting-ngiting sabi ni Kuya sakin.
"Ohlala~ Sige! Byers!" Ipinakita ko sa kanya na hindi ako kinakabahan. Baka mang-asar pa kapag nagkataon eh.
Pumasok ako sa loob, malinis at may apat na benches magkaka-harap. Ang cool, color green yung benches. Halatang bago pa. Inilibot ko pa ang tingin ko at bigla kong nahagip 'yong mga babae sa isang bench. Ang saya nila, nagtatawanan na akala mo wala silang problema na dinadala.
Diretso akong umakyat sa taas, tiningnan ko 'yong papel na binigay ni Kuya.
Room 321. Ano 'to? Third floor? Shete. Wala bang elevator or escalator dito? Nakakapagod kayang umakyat sa hagdan! Pero masaya kapag pababa, yung mabilis na para bang hasler na hasler ka na. Haha! Nung elementary time~ Haha. Umakyat ako sa taas, First floor 'to. Ground floor sa baba eh. Pffts. Tiningnan ko 'yong Room number. 100+ palang dito, Third floor nga ang bagsak ko nito. Psh.
After 12345678910 years, nakarating rin sa wakas! Lumiko ako sa kaliwa. Ang linis talaga ng bawat Room. Glass Wall pa yung gamit nila, ano 'to? Sound proof? May mga nagkaklase na, teka. Late ba ako?!
Halos pa-takbo na yung lakad ko ng makita ko 'yung Room number sa taas.
Napatingin ako sa loob ng Room, Shete. Nagkaklase na sila. Ayokong mapahiya. >.<
*knocks*Kinatok ko ang pinto, sana hindi terror teacher 'to!
"Yes?" Malambing niyang tanong.
Buti naman..
"Uhm. Ako po 'yung transferee ma'am. Semestria po." Sabi ko.
"Ah! Great. You're here, Akala ko di ka makakapasok eh. Come in." Ang lambing niya shete. Kung lalaki lang talaga ako.
Pumasok ako sa loob, tahimik sila. Nagulat ako ng makita ko yung mga babae kanina, Ang bilis nila ah. Ba't parang di ko sila napansin kanina na umakyat sa hagdan? Ako lang nga ata yung umakyat doon dahil nasa klase na lahat ng estudyante eh.
"I'm Vanessa Carpio. I'm your Math teacher. And you?" Tanong niya. MATH?! First subject ko Math? How great. Yung brain ko! Nooooooo!
"Uhm.. Good morning." Shete. Walang lumalabas na boses sa bibig ko, Inaantay nila yung susunod kong sasabihin. Lahat ng attention nila nasa akin. Pinagpapawisan ako kahit aircon na! Shit.
"I'm.."
-
A/N: Shocks! XD Nakalimutan ko kase yung last name ni Estria eh. Next Chapter nalang gals! Haha. Sorry~ Lovelots!
BINABASA MO ANG
MOVE ON
Teen Fiction"Move on? Ah! 'yan ba yung lagi nilang sinasabi kapag may broken hearted? 'Yang anim na letra lang pero di nila magawa? Ang lakas pala niyan! I believe!"