"Tol, kakain na." Kinatok ng kinatok ni Kuya yung pintuan ko. Ang kulit talaga nito.
Binuksan ko 'yon at nagsalita.
"Sige, susunod ako." Isasara ko na sana yung pinto pero napansin ko yung suot niya.
"Bihis na bihis ka ah? San lakad?" Tanong ko.
"Aba eh! Ako lang naman ang mage-enroll sa napaka-ganda ko ng kapatid." Seriously? Akala ko ba si Mama? Napakunot ang noo ko.
"Pagod si Mama, Semestria. Wag ka ng umangal." DID HE JUST CALLED ME SEMESTRIA?!
*blag*"The fudge, Semestrio! What's wrong with you?!" Galit na galit kong wika.
"Aray! Haha. Joke lang naman, 'tol! Sakit nun ah." Sabay hawak niya sa ulo niya. Kinutusan ko lang naman siya.
"That's not a joke to me, Kuya." Napairap ako sa ere. Di man lang siya nasanay sakin.
"I know, I know. Masyado ka lang seryoso. Kaya ka nasasaktan eh. Halika na, kakain na." Tuluyan na siyang bumaba.
Wait, natamaan ako huh.
Napailing nalang ako.
Sumunod na ako kay Kuya para kumain.
"Pa, kinuha ko po pala 'yung pintura sa Empty Room. Kina-elangan ko po kase eh. Pininturahan ko ng bagong kulay yung wall." Sabay sabay kaming kumain, medyo gutom rin ako dahil napagod ako ng sobra.
"Ayos lang 'yon. Mukang maganda ang kinalabasan ng pag-aayos mo sa kwarto mo ah." Nakangiting sabi ni Papa.
"Ah, Opo pa. Kaso lang, di ako tinulugan ni Kuya." Nakasimangot kong sabi.
"Aba! Asdfghjkl.." May idudugtong pa sana si Kuya sa sasabihin niya pero naunahan na siya ni Mama. Sinalpakan ni Mama ng kanin yung bibig ni Kuya.
"Hahahahahahaha!" Tawanan namin.
Ganito kami kasaya. Akala mo magkakabarkada lang ang turingan.
-
"Osiya, umalis ka na Estrio at baka gabihin ka." Sabi ni Mama kay kuya habang nag-aayos ng buhok.
"Pa, diba nakaka-kalbo ang Gel? Pagalitan mo nga po 'tong si Kuya, pa! Ang hilig mag-Gel eh." Paakyat na ako ng hagdan ng maamoy ko yung mabangong Gel ni kuya.
"Hay nako, bayaan mo siya. Matanda na 'yan." Pumasok sa CR si Papa.
"Pa! Ano ka ba! Baby face 'to no!" Muntik na akong malaglag sa hagdan ng marinig ko 'yon.
"WHAT THE FREAK KUYA! UMALIS KA NA NGA! NAKAKASUKA KA!"
"HAHAHAHAHAHAHA! BYE MA!" Kuya ko ba talaga 'yan? -___-
Napailing nalang ako habang natatawa at dumiretso na sa kwarto.
Pagod ako ngayon, mas mabuting matulog muna ako para makabawi ng lakas.
Hindi pa ako handa para bukas, pero kelangan kong mag-handa.
Umikot ako ng higa, Di ayos yung pwesto ko kanina eh. Pffts.
Ipinikit ko ang mga mata ko..
Sana naman. Makamove on na ako. Shete lang. Ang sakit pa rin kase eh.
-
A/N:
Bitin ba? XD Wala eh. Inaantok ako. Pffts. Babawi nalang ako bukas, kung makabawi. May pasok na kase bukas eh. Thanks for the Votes and Comments guys! Saranghaeyo~ 😘😘😍
BINABASA MO ANG
MOVE ON
Teen Fiction"Move on? Ah! 'yan ba yung lagi nilang sinasabi kapag may broken hearted? 'Yang anim na letra lang pero di nila magawa? Ang lakas pala niyan! I believe!"