Chapter Two

56 3 3
                                    

Nagising ako ng maaga, tumunog yung alarm clock ko eh. Panong hindi magigising? Napatingin ako sa frame na nasa gilid ng kama ko.

Si Jeck, yung walang hiyang lalaki na 'yon?! Haha. Sheet.

"Nak! Gising na! Magsisisimba tayo. Maligo ka na!" sigaw ni Mama sa likod ng pinto.

"Ah. Opo ma! Gising na ako." Ayoko ng tawaging Mudra ang nanay ko. Pano ako makaka-move on? Mudra ang tawag ni Jeck kay Mama. Tss. Oo, legal kami.

Nagexercise muna ako saglit at nagpahinga bago tuluyang pumasok sa CR. Naligo at nagbihis ako pagkatapos non. Nakapantalon at t-shirt lang ako, siyempre. Gamit ko na ang rubber na binili ni Pud-- este Papa. Mabuti nalang talaga at bagay na bagay sakin ang mga pantalon. Di sila KJ.

"Ma, anong almusal?" Naging bilog ang mga mata nila ng marinig nila ang sinabi ko.

"What? Wala namang mali sa sinabi ko ah?" Tumikim ako ng hot dog.

"HIndi na Mudra ang tawag mo sakin?" Tanong ni Mama.

"Yep, pano naman ako makakamove on, Ma. Kung yung iniwan ni Jeck sakin ay ginagawa at ginagamit ko pa?" Napailing nalang si Papa sa sinabi ko.

"Wews. Buhay pa nga ang picture niyo na nasa picture frame eh." Tumawa si Kuya.

"Wag ka ngang ano 'tol! Susunugin ko rin 'yon mamaya, kasama ka." Kumain na kami ng sabay-sabay ay nagkwentuhan tungkol sa paglipat ko ng School.

Simula ng mag-break kami ni Jeck at malaman ang dahilan kung bakit niya ako niligawan. Nagiba na ako, Trouble maker na ako. Marunong makipagsuntukan, at naging boyish ako. Higit sa lahat, Man hater na ako. Galit ako sa mga lalaking pinaglalaruan ang feelings ng mga babae. Halos lahat naman ay galit eh. Pero iba yung sakin, Ayoko na talaga sa mga lalaki bukod kay Kuya at Papa. At ngayon, lilipat na ako ng School. Siguro naman ay makakamove on na ako. Wala na akong makikita na Jeck na laging nakikipaglandian. Mabuti nalang talaga at di ko binigay sa kanya ang first kiss ko. Ulol siya ten times! -_-

"So, handa ka na ba Estria bukas?" Tanong sakin ni Papa. Ngumiti ako at nagsalita.

"Oo naman pa, basta ba eh. Dagdag baon. Hahahaha!" Biro ko.

"Oh sige ba! Basta ba eh, titino ka na. Naku ka talagang bata ka." Nangliliit ang mga mata ni Mama. Kahit talaga ganyan yung itsura ni Mama, Ang ganda ganda niya.

"Ano ba yan Ma! Ako rin dapat. Babantayan ko si Estria eh." Nagtaas-baba ang kilay ni kuya. Napataas naman ako ng kilay.

"Kahit kelan ka talaga, Kuya!" Asar akong tumingin kay kuya. Tumawa lang naman sila. At nagtawanan lang kami.

Pagkatapos nun ay pumunta na kaming simbahan.

Kalagitnaan ng misa, ay may kumalabit sakin. Si kuya.

"Huh? Bakit?" Mahina kong tanong.

"Si Jeck oh, may bago nanamang babae. Haha."

"Nangaasar ka ba?" Muntikan ko ng batukan si Kuya. Psh.

Tumingin ako sa pwesto nila Jeck, Yung totoo? Nakikinig ba 'to oh ano? Masyado silang walang respeto. Nasa harap si ng Pari at mas matindi. Sa harap ni Papa God. Wala talagang modo. Tsk. Tsk.
Ay! Ano ba Semestria! Nagseselos ka ba? Hindi diba? Hindi! Wala lang 'to! Bwiset.

-

"Ma? Ie-enroll mo na po ba ako mamaya?" Mahina kong tanong habang pauwi kami. Naglalakad lang kami dahil malapit lang naman yung simbahan dito samin.

"Oo, paguwi. Magpapahinga muna ako tapos go-gora na." Nakangiting sabi ni Mama.

"Isasama mo pa ba ako, ma?" tanong ko. Sana hindi, marami akong gagawin mamaya eh.

"Ikaw, kung gusto mo. Pero sa tingin ko, Marami kang babaguhin sa kwarto mo." Nakangisi naman ngayon. Problema ni Mama? Haha.

"Sige ma."

Diretso ako sa kwarto ko pagdating sa bahay. Nilock ko ang pintuan at nagsimula ng magtanggal ng old pictures. Kumuha ako ng box at inilagay lahat don. Lahat ng mga ala-ala ni Jeck sakin ay pinagpupunit ko at inilalagay sa box.

Lumabas ako at pumunta sa likod ng bahay at nagsindi ng apoy.

Binuhos ko lahat ng 'yon sa apoy. At tuluyan na akong umiyak.

"Last tears. Huling iyak ko sayo, Jeck. Kakalimutan na kita. Ilalagay ka ni Joy sa Dream Land. Dahil nainis sayo si Angry. Nandiri sayo si Disgust, Natakot sayo si Fear. At mas lalong nalungkot sayo si Sadness. Bye, Jeck." Iyon na ang huling banggit ko sa pangalan na 'yon.

Bumalik ako sa bahay, pumunta ako sa "empty room" at kumuha ng pintura. Grey, Red, white and Black.

Nakwento ko ba sa inyo na magaling akong magdrawing? Haha.

Bumalik ako sa kwarto ko at sinimulang magpintura. May mga bakbak kase ang dingding dahil sa pagpunit ko ng mga litrato na nakadikit. Sa tingin ko, kelangan ko ng idikit ang mga pictures ko dito. Napangiti ako sa ideya ko...

-

A/N: May binago ako sa Prologue. ;) XD HOHO. Ice lang ba guys? Oh masyadong mabilis? Bukas naman ang isa pang chapter. Ang sakit na ng mga daliri ko eh. Haha. Saranghaeyo~ 😙😙

MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon