Dedicated to RoSeLoVeHeArt :)
Lily's POV
"Naging tao sya?!" sigaw ko ng makita ko ang bampirang hinahanap ko, pero bakit ganon? bakit tao sya?
"Sigurado ka bang si Rhaey yan Lily?" tanong sakin Char, anong tingin nya sakin? hindi ko maalala ang mukha, at nung amoy ng dugo nya nung mga taon na yon?
"Oo siya yun Char! ano tingin mo sakin? ha?!" galit kong sabi, ano ginagawa nya dito? bakit nasa VC sya!?
"Eh bakit tao sya?" singit naman ni Eliza, "Ewan ko!" hindi ko mapaliwanag kung bakit naging tao siya, wala pa in the history of vampires na ang isang bampira ay naging tao!
Baka may alam si Jade?
"Si Jade" sabi ko, nagtaka yung dalawa na sinabi ko "Anong kinalaman ni Jade dito?" takang tanong ni Char nakatingin sakin biglang tingin naman kay Eliza.
"Ewan ko! Hindi ko alam kung ano pinag-iisip dyan ni Lily, ikaw dyan may telepathy Aruta, basahin mo isip nya!" sunggab ni Eliza, "Maka-alis na nga!" sabay lakad palayo samin dalawa ni Charlotte.
"Oo nga no? bakit hindi ko naisip basahin isipan mo Lily?" tanong nya sakin, tiningnan nya ako mabuti pero tinaas ko na ang depensa ko bago pa nya mabasa isipan ko, lokang bampira!
"Tsk! tinaas na ang depensa!"
"Huli kana!" sabi ko sa kanya, maka-usap na nga si Jade. Paalis na sana ako pero pinigilan ako ni Char. "Lily, hindi sya si Rhaey! dahil kung siya si Rhaey e di nakita ko na ang nakaraan nya?!" ang tanga ko! bakit hindi ko naisip na basahin ni Charlotte ang isipan ng taong yon? nakikita nya rin ang mga ala-ala nito. Bobo ko!
"Sure ka dyan?" tumabi ako kay Char, tapos siya nakatingin dun kay Rhaey, ung si Rhaey nga yun. "Oo Lily, wala akong makita sa ala-ala nya na isa s'yang bampira" seryosong sabi sakin ni Char, pero bakit ganon? parehas ang amoy ng dugo nya?
"Kahawig nya pero hindi s'ya si Rhaey" isang boses na sumingit, napalingon kami sa likodan namin, at si Jade nga, nasa likodan ng bar counter, may hawak na champagne glass pero wine ang nakalagay.
"At pano mo naman nasabi yon?" mataray kong tanong, minsan nakaka-asar ito'ng si Jade! lagi nalang puro sikreto!!!
"I just know" sabay inom ng wine, wala naman lasa! bakit ko nasabi yon? dahil ang isang bampira kahit nakakakain kami ng pag-kain ng mga tao, pero hindi namin nalalasahan ang pinakalasa nito, ang saklap lang.
"Baka second chance beloved mo? I heard na once makakita ka ng kaparehas ng beloved mo it only means na the first one is dead" kibit-balikat nito, napa-nganga ako sa sinabi nya, hindi pwedeng dead na si Rhaey! no! "Malapit na sumikat ang araw, matutulog ba kayo?" tanong samin ni Jade, "Oo matutulog ako! pero aalis rin kami ni Rose siguro kinagabihan" usap ni Char sabay alis, siguro pupuntahan na n'on si Rose.
Naiwan nalang kaming dalawa ni Jade at nakatingin lang siya dun sa kamukha ni Rhaey, "Wag mo akong ginagago, Jade!" sigaw ko sa mukha nya, hindi sya nagulat or nag flinch man lang, bwiset talaga ang bampira ito!
"Nope I'm not, tanongin mo pa si Blair tungkol dyan" si Blair! ang ka-coven namin na isang Vampire Council member, tama s'ya maraming alam si Blair tungkol dyan... Pero paano ko sya makokontak?
"Lily, Lily, Lily" pang-aasar sakin ni Jade, ano ang ginawa ko?! "Dahil sa sobrang tagal mong nawala, nakalimutan mo na ang kakayahan ng mga sisters mo" sarkastikong panunumbat sakin, "Huh?" eto naman ako napa-huh nalang.
"Huminge ka ng favor kay Charlotte, telepath s'ya, pwede s'ya kumonek sa isipan ni Blair, sige mag-sasarado na tayo" bigla s'yang nawa;a at narinig ko nalang "It's closing time!"
"Ano ba ito'ng nangyayari sakin" maka-usap nga si Char bago sila umalis ni Rose.
~
Third's Person POV
"Okay, thank you guys! bukas ulit ng gabi" paalam ni Jade sa mga human employees nya, it's four in the morning na konting kembot nalang sisikat na ang araw, kahit gustuhin n'ya lumabas ayaw nya, hindi kasi alam ng mga ka-coven n'ya na isa s'yang Daybringer, mahirap na pag madiskubre siya.
Lumanghap s'ya ng sariwang hangin at isang matamis na amoy ang nalanghap n'ya, ang dugo ng second beloved n'ya. Napa-iling nalang sya at bumalik na sa loob ng club.
Nakapatay na ang ilaw, malinis na ang paligid, dahan dahan s'yang naglakad pababa at papunta sa coffin room nila.
Nakasarado na ang mga coffin ng apat, at tatlo naman ang nakabukas pa, ang kanya coffin, kay Shay at kay Blair. Pumunta sya sa kanya at pumasok na sa loob, sinarado n'ya ito, dahan-dahan n'ya pinikit ang mga mata. "Harold" ang huli n'yang sinabi at tuluyan na s'yang natulog.
Habang tulog na ang apat, may parating naman isa.
"Malayo pa ba tayo?" naiinip na tanong ni Rence kay Shay habang lumilipad sila sa himpapawid, konting oras nalang sisikat na ang araw, kailangan nilang maka-hanap ng masisilungan.
"Malayo pa, magtiis ka nalang nakasabit" naiiritang sagot ni Shay kay Rence, Shayenne Harford isa sa ka-coven ni Jade Ward, isang level four vampire her Aruta is Wind, yung lalaking kasama n'ya ay ang kanyang beloved si Lawrence Nixon, nagkakilala sila sa taon 1960's ginawa n'ya itong bampira sa taon 1970's at hanggang ngayon magkasama parin sila.
Ang problema nga lang kay Lawrence ay, isa s'yang playboy! Pero kay Shay parin s'ya bumabalik.
"Okay, babe" pag-lalambing nito kay Shay, ngumiti nalang si Shay at tinatago ang kilig. Nakita kita sila ng isang abandonadong bahay sa lugar na kasalukuyan nilang tinatawid ang Wayward Village, malayo-layo pa ang destinasyon nila.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Short Chapter :/ oh well :D
Thank you sa mga mumu readers na nag-babasa ng kwento ko !!! :D :D :D
~Jaye
BINABASA MO ANG
Vampires : Your not so ordinary
Vampire(TAGLISH) Vampires Club where humans and vampires co-exist. Gusto mo ba maka-pasok at mag party-party kasama ang mga bampira na ubod ng gwapo at ganda? Here are the requirements: Be a SLAVE. Be a DONOR. Be a BELOVED. Choose...