Tutal napaguusapan na rin lang yan. PBB teens lang? Pag-usapan natin kung anong klaseng malandi ka ba. Kung hindi ka lumandi ni minsan sa buhay mo, wag mo nalang to basahin. Loljk.
Malanding-sulutera- Yung mga taong alam naman nilang may karelasyon yung tao, todo parin sa panlalandi. Pilit gagawin ang lahat makuha lang yung taong gusto nila kahit alam nilang committed na.
Malanding-joke- Yung nanlalandi, pero hindi seryoso na as in nilalandi niya dahil gusto niyang maging sila. Kumbaga parang trip lang ba, yung panlalandi. Parang katuwaan lang niya.
Malanding-friends with benefits - Yung mga taong nakikipagpaibigan lang dahil may hidden agenda. Tigang siguro. smile emoticon
Malanding- sweet - Yung sobrang sweet mo lang pero di mo namamalayan napapaasa mo na pala yung tao, therefore belong ka sa malanding type. Chot.
Malanding-seryoso- Malandi talaga ang peg, yung gagawin ang lahat para mapansin siya ng taong nagugustuhan niya.
Sa tingin mo? Isa ka jan? smile emoticon
Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang perception sa MALANDI. Di natin to dapat basta basta ibibitaw sa isang tao dahil di mo alam ang nararamdaman nila. At hindi mo alam kung anong klaseng malandi sila. Kung ako sayo, enjoyin mo na lang ang buhay. Kasi YOLO. Basta alam mo sa sarili mong wala kang nasasaktang tao at naapektuhang tao sa panlalandi mo, bow.
