IBAT IBANG KLASE NG BABAE:

667 9 2
                                    



1. Pa-conyo - sila yung super vain na kala mo everyday is "foundation day." Magaling mag-ingles, hindi umiinom ng house water sa fastfood at kung magbihis e kala mo parating may party. Sila rin yung aakitin ka, pero hindi bibigay....agad. Kailangan ng matinding humor kung talagang trip na trip mo sya iuwi.

- Siguro ito na yung category na pinaka-uso ngayon. Haha. Kaso minsan parang gusto mo sabihin sa iba na "BINABAGAYAN DIN ANG PAGIINARTE TEH" Hehe. Ang mean lang :P


2. Top-of-the-line sosyalera - Sila yung mga pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Lumaki sa aircon, straight English kung magsalita pero mahilig din silang magmarunong na magaling silang mag-Tagalog pero ang sama talaga pakinggan. Di nakakarelate sa mga kanto jokes, nagtatawanan na ang mga tao di pa din nila nagegets yung joke. Lumaki raw sila sa kalye playing street games. Pero alam nyo kung ano yun? Street hockey, soccer, baseball, etc. Pffft! Batang kalye nga. Mahirap abutin. Pero kung masusungkit, pwede rin!

- Artistahin ang peg ng mga to. Mukang wala akong kaibigang ganyan. Mayaman oo, pero hindi maarte ;)

3. Feeling or Illusionaries - mga mahilig mag-ilusyon na magaganda sila at may sinasabi sa buhay. Pinsan si ganito, kilala si ganyan, may lupain sa hibok-hibok para ma-impress lang ang kausap. Sila ata ang tinutukoy ng Parokya sa kanta nilang, "Silvertoes." Madaling kausap at minsan, isang sabi lang, gora na yan... walang paliguy-ligoy pa. 10/11 ang drama, sa sampung sinabi labing-isa mali. Dagdag-bawas magkwento kaya ingat lang lalo na kung kiss and tell sila.

- Marami ako kilalang ganito kaya ito ang pinaka-nakakatawa. Yung tipong minsan nabubuking na sila pero may palusot pa din, never natatalo sa usapan. Haha. Ang hilig pa mag-yabang. Pero love ko din sila kahit papano, hindi kasi sila nauubusan ng kwento. Haha.

4. One-of-the-boys - Sila yung "ideal bestfriend." Cowboy ba... Pwedeng biru-biruin, masarap kasama sa inuman, naiintindihan ang kalokohan at kaberdehan ng kalalakihan, madalas gumamit ng "tsong" at "pare" pag kausap mo. Pero sila rin yung hindi nagsasalita sa totoong nararamdaman nila. Ingat din ang mga boys sa mga ganitong girls- lalo na pag nahuhulog na pala sa inyo. Kawawa sila pag nasaktan. Hmmmm...

- Ayan, ganito naman ako. ;) Mas madali naman kasi talaga paki-samahan ang lalaki (lalo na kung uto-uto CHOS! :P) Kaya may ibang taong chismosa akala nila malandi ka pero friendly ka lang talaga :D Pero mas marami naman yung kaibigan kong babae. =) Hindi lang ako agree sa last statement na "kawawa" dahil hindi ako papayag. :P

5. Girlfriend-material - Sila yung sa unang tingin pa lang ng boys, abot-langit na ang respeto. Sila yung mga simpleng babaeng matipid ngumiti, makikipag-kwentuhan pero hindi may mystique pa rin. Na-c-curious ang mga lalaki kung anong meron sa kanila that they keep on looking for more of that person. Minsan ang hirap kausap dahil pabago bago ng isip. Usually, sila ang naliligawan, sinusuyo hanggang mapa-oooohh... OO.

- Atleast meron pa din nabubuhay na Maria Clara sa mundo. Minsan nga lang naapektuhan na sila ng kagaslawan ng kaibigan kaya medyo masagwa tignan. Hindi ka kasi sanay na mag-jjump shot siya kasama mo lalo na kung slow motion ang pagtalon niya Haha.

6. Man-hater - Sa una, mapagkakamalan mo silang tibo dahil sobra silang "boyish." Defense mechanism nila yun dahil galit sila sa past experience nila with an EX. Takot na daw sila masaktan. Mahirap din silang getlakin dahil matatakot ka sa kasungitan nila. Ang hindi mo alam, kulit lang ang katapat. Bibigay din yan. Pero syempre, sa mga lalaki, dapat armed ka with sympathy, timing and humor. Kahit hindi ka masyadong pogi, basta meron ka nito- malaki na ang chance mo.

- Noon hindi ako ganito, pero ngayon OO Hehe. Pero hindi naman masyado, nag-iingat na lang. Nadala na din siguro ako sa past almost 6 years relationship ko. Happy pa din naman kahit ganun. Family na muna siguro for this year. May mga kilala din akong ganito. At dahil sa sobrang choosy nila, ayun wala pa din asawa.

FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon