THE STRICTS - Mga teacher na sobrang higpit. Kahit kasing galing mo na si Manny Pacquiao sa English eh sisitahin at sisitahin ka pa rin nito. Populasyon ng mga gantong teacher sa School namin: 9 sa bawat 10 teacher.
THE MERCHANTS - mga teacher na maasahan sa oras ng pangangailan, mga material na pangangailangan tulad ng ballpen, papel at iba pang school supplies. Meron ding mga pagkain. Ibig sabihin, sideline nila ang pagtitinda, gustong tapatan ang Canteen. Karaniwan nyang sinasabi ay "oh bumili kayo, may plus 10 sa quiz pag bumili nang di bababa sa lima", sabay susundan ng "basta wag lang kayong maingay baka marinig ng principal!". Populasyon: 2 sa bawat 10 teacher.
MEGAPHONE - mga teacher na may built-in megaphone sa lalamunan. Ang lakas magdiscuss ng "PARTS OF SPEECH". Parang laging puputok ang bulkang Mayon pag nagsalita. Nakakabingi! Sa sobrang lakas nga nito eh magsisisi ka kung bakit nilagyan ka pa ng tenga. Populasyon: 7 sa bawat 20.
ADIK - mga teacher na di ko mawari kung may inaatenang pot session gabi-gabi o napupuyat lang sa kapapanood ng Bandila o Saksi! Ang lalim ng mga mata! Mataas ang dugo! At naaapektuhan pa ang kanyang pagtuturo. Populasyon: 1 sa bawat 10.
STORYTELLERS - mga teacher na inuubos ang 45 minutes sa mga kwento nya. Iba-ibang kwento, merong kwentong pwedeng isali sa banana split. Merong nakakaiyak, nakakapikon, nakakainis, at yung iba eh yung bang mga kwentong hindi pwedeng sabihin sa mga edad 7 pababa. Populasyon: 4 sa bawat 15.
PARI - kung yung "storytellers" inuubos ang oras sa kwento, eto naman inuubos ang oras sa kasesermon sa'yo. Parang pari. Lahat ng mali mo pupunahin at sasabihin sa buong klase. Populasyon: 1 sa bawat 10.
MAGPAPASTOL NG HAYOP (ESTUDYANTE) - ang teacher na nagpapastol ng hayop (estudyante). Sila yung mga namamalo ng estudyante para tumino. Parang talagang nagpapastol ng hayop. Kadalasan walis at ruler ang weapon nila. Pero mga lumang pamamaraan na yan, ang bago ay yung pagpapahubad sa harap ng klase, pagsuntok at aking personal favorite: ang pagpapakain ng tasa ng lapis! Populasyon: 7.5 bawat 20.
DOM - ang teacher na maginoo pero medyo bastos! Habulin ng chicks! Minsan di ko alam kung maiinggit ba ko o masusuka. Populasyon: 1 sa bawat 20
PET LOVERS - mga teacher na may favorite. Kadalasan isa o dalawa lang ang etudyante (sa paningin) nya. Palaging sya lang ang tinatawag sa recitation. Hindi buo ang school pag walang ganitong teacher. At wala ring mga "pet lovers" pag walang mga sipsip na estudyante. Populasyon: 11 sa bawat 10
EL PRESIDENTES - meron itong dalawang uri: UNA. Mga teacher na nagaastang hari sa school, walang sinasantong Principal. Pumapasok kung kailan nya gusto. Populasyon: 1 sa 15. PANGALAWA. Mga teacher na ang boring magturo! Parang laging nagsosona! Nakakaantok! Minsan mas pipiliin ko na lang panoorin yung mga-pelikulang-di-ko-mawari tulad ng mga pelikula ni JOHN LLOYD AT SARAH!!!! Di ko maarok kung malalim ba ang meaning ng istorya o sadya lang talagang... titigil na ko, baka mabawasan na ang populasyon ng visitors dito (pagbigyan nyo ulit ako, isipin nyo na lang na may nagvivisit dito, parang Christmas gift nyo sakin). Basta boring sila magturo! Tapos! Populasyon: 10 sa bawat 10
GLOC 9 - kabaligtaran ng "EL PRESIDENTES". Kung yon nakakaboring, eto kailangan buhay ang dugo mo kasi para kang pagong na naghahabol sa cheetah, kailangan mabilis. Di ka talaga aantokin! Kasi pag napapikit ka nang konti, patay ka! Kailangan mo nang maglaslas ng pulso sa sobrang hirap! Populasyon: 2 sa bawat 7
NERDS - kala nyo estudyante lang yan noh? Meron ding mga teacher na ganyan. Sila yung mga sabik magturo! Kahit tinigil na ang klase dahil sa kung ano man ang dumating, magtuturo at magtuturo pa rin to. Kahit isang araw na lang bago ang Graduation, ituturo nya pa rin ang "PARTS OF CELL". Populasyon: 8 sa bawat 10
DRAMATIC ACTORS - mga teacher na di ko alam kung tatakbo ba sa 2010 o trip lang talagang mag senti mode! Ang drama! Mahilig syang magkumpara sa panahon nya at sa ngayon, kadalasang bira nya ang "swerte kayo at hi-tech na ngayon, di tulad noon kailangan pang mag obladi-oblada blah blah blah!!!! Ewan! Basta para silang nagawa ng campaign ad ni Mar Roxas. Anak itabi mo! Populasyon: 6.9 sa bawat 15
UNKNOWN SPECIES - mga teacher na di pa alam ang uri! Masyadong misteryoso! Sa ngayon ay pinagaaralan pa ng magagaling na siyentipiko kung sino talaga sila! Populasyon: 1 sa bawat 20
THE ANGELS - ang teacher na kabaliktaran nang lahat ng nabanggit. Populasyon: 0