This time

61 0 0
                                    

Hindi lahat ng playboy, manloloko na habambuhay. Dadating yung araw na magmamahal sila at masasaktan.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Hi readers! I just want to share my story to you. Hindi ko naman kayo pinipilit na basahin kaya ngayon pa lang, thank you na sa mga magbibigay ng time para basahin 'to. So, umpisahan na natin ang kwentuhan?

I'm Mark. 24 years old. Lalaki ako syempre, Mark nga diba? Com. Arts graduate sa isa sa mga sikat na University sa bansa. I'm working sa isang broadcasting company. Matangkad, maputi, Chinito, Makinis, Pink lips, (oo na, para bang babae?) Nagggym ako para maganda din tong katawan ko. And last, I'm a certified playboy.

But....

that was before I met HER.

*1 message received.. *

Oops, may nagtext kay pinsan, naghahanap kasi ako ng babaeng mauuto dito eh. Tinignan ko kung sino yung nagtext.

Angela? Whew, nice name huh.. I read the message..

/Ui Krisssss!!!!!! Kamusta ka na? IMY!/

Suddenly, parang tinubuan ako ng sungay at naisipan kong replyan tong babaeng to.

/imissyou too/

issend ko na sana kaso, nakunsensya ako. dinelete ko.

/uhm, hi Angie baby./

Argh, masyadong sweet? delete delete.

/Hindi to si Kris./ at na-press ko yung send.

"f*ck! " nakakainis naman kasi parang ang taray nung sagot ko?

"oy kuya bakit?! anyare anyare?" OA na naman tong pinsan ko pssh (-.-)

"wala, eh kasi nareplyan ko yung Angela. " Nagpaliwanag na lang ako.

"ay anak ka naman ng pating na nakapustiso kuya oh! pakealamero ka!"

"sorry na.."

aalis na sana ako kaso hindi talaga ako mapakali, pssshh.. Epal yung Angela na yun ah.

"Uhm? insan.. Ano, pwede ba.. ano? " Hayst, di ko masabi.

"Ano?! Ano na naman?! " highblood talaga tong pinsan ko.

"Kukunin ko yung number ni Angela! Please please. Magsosorry lang ako promise! " Oh, gusto ko lang talaga magsorry, wala akong balak manggulo.

"Siguraduhin mo! Babalatan kita ng buhay, papagulungin sa asin, ilalaglag sa 99th floor pag ginaho mo tong babae na to." Aw, brutal ng pinsan ko.

"Oo promise." Hanggang sa nakuha ko na nga yung number niya. Hay naku, wala naman talaga akong balak dito sa babae na to, di lang talaga ako mapakali kasi nareplyan ko siya gamit yung number ni kris. And, may girlfriend ako, actually madami sila. Pero may isa dun na sa tingin ko eh mahal ko naman. Anong magagwa ko? Eh babae ang lumalapit sakin. Girlfriend ko pa nga yung isa sa mga ka-schoolmate ni Kris eh. Gusto naman niya daw maging kami kahit alam niya na TAKEN ako.

So eto ako, hawak yung CP ko habang nakaupo sa sofa at nanonood ng basketball. Itext ko na kaya si Angela? Nagtype ako sa cellphone, kaso nung binasa ko, delete. Ganun yung nangyari, type delete type delete type delete. Medyo nakakaloko huh, masyado akong napapaisip dahil sa babaeng to. so dapat ba perpekto yung text ko sa kanya? Tsaka di ko kasalanan kung nareplyan ko siya. Hay ewan! Kahit ano na nga lang masabi. !

/Hi. Pinsan to ni Kris. Sorry kanina/ *send*

Okay na sana na natext ko na siya kaso biglang...

*1 mesage received.* ok. *Angela*

/Ah, Kuya Mark? Yung pogi? Okay lang! Hahahahahaha/

Eh? Kilala na niya ako? Hay, baka nakwento na ako ni Kris sa kanya.

/Ako nga. Pogi? Thank you huh./

Tuloy tuloy kaming nagtext then may bigla siyang tinanong...

/May GF ka ba kuya pogi?/

Ewan ko, tumakbo ako sa harap ng laptop at nisearch sa facebook si Angela then nakita ko...

"Ang ganda" (0.0)

Sinapian na naman ata ako ng kabaliwan ko kaya nagreply ako na WALA.

5 minutes na, antagal niya magtext. :(

10 minutes..

30 minutes,

*1 message received* ok *Angela*

/Lokoloko ka ba?! Walang girlfriend ! ? eh anong tawag mo sa schoolmate ko ha?! Hindi mo girlfriend yun?! Napakalaki mo talagang gago eh no? Wag kang magpapakita sa kin! Sasakalin talaga kita!/ -Angela

Hala grabe, alam niya yung about sa amin ni Cassy? Badtrip. Wrong move dude. Ano na gagwin ko. Argh.

/Sorry Angela. Sorry. /

Hindi na siya nagreply after nun. Halos 2 weeks ko din iniisip yung wrong move na nagawa ko. Kaasar. Nakipagbreak ako kay Cassy. Masyadong affected yung isip ko sa Angela na yun. Pssh!

This time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon