"Calling all the passenger of Supercat going to Batangas holding 4:30 ticket please proceed to Gate A for proper boarding..."
Ayan na, sa wakas, sasakay na kami ng barko. Makakatulog na ulit ako. Isipin mo naman, alas kwatro pa lang ng umaga andito na kami sa pier. Kamusta naman yun di ba.
"Ma, let's go. Boarding na."
"Mamaya na tayo Nic, andami pang nasa pila o. May seat number naman eh." sagot sa kin ni Mama.
"Eh, gusto ko na matulog ulit Ma.."
Hindi na pinansin ni Mama yung reklamo ko at naghintay na lang kami na makasakay na yung iba. Bakit ang aga-aga, andito kami? Well, my medical examination is scheduled today. Diretso registration na din pala. Saan? I'm going to college na! Weeee.
Sikreto na lang kung anong course at saang university ako papasok .
Nagsoundtrip na lang ako para hindi ko na masyadong maramdaman yung antok ko.
Hindi din nagtagal, at sumakay na kami ng barko. Ayun, pagkaupo, nakatulog agad ako. When we reached Batangas, sumakay naman kami ng bus.
Kala nyo after that andun na kami sa campus? Hindi. Sumakay pa kami ng jeepney. And another jeepney bago kami nakarating sa campus. So tiring. Grabe.
Ewan ko ba naman kasi kay Mama kung bakit nagcommute pa kami eh kung tutuusin pwede naman kaming magdala ng car. Tss.
My mother manages our Academy back in our place. While my father is a businessman. We're slightly above-average class--just slightly.
I have a sister and a brother na may sari-sariling family na and, yes, I am the youngest. I am the princess of the family. But I'm not a brat. kahit naman medyo maluwag kami sa buhay eh hindi naman kami lumaki na mga spoiled though most of the time, I can get anything I want.
Who am I? Keisha Nicole Enriquez is the name.
My phone rang that made me realize I'm already spacing out.
"hello?"
"Hi.." sabi nung nasa kabilang line.
"O? Bakit?"
"Sungit agad? Para napatawag lang eh."
"Eh bakit ka nga napatawag?"
"Mangungumusta lang sana.. bawal na ba?"
"Hindi naman.. Well, I'm fine.."
"Tss. Sige na nga. Bye na lang."
"Bye."
then I hung up.
Sino sya? Ang magaling kong ex-boyfriend. Tristan Ivan Montenegro.
Anyway, let's not talk about him muna.
Nasa campus na kami. Dumiretso kami sa Health Service kasi nga may Medical pa.
Andaming tao. Buti na lang madali kaming natapos.
After that, pumunta na din kami ni Mama sa Registrar para makapag-enrol na ko.
BINABASA MO ANG
Does a broken heart ever really mend?
Teen Fiction"Maging masaya sana ako? Hmmm, ewan. Someone took my happiness away. Malayong-malayo..hindi ko na maabot. Kaya ngayon, ang kaya ko na lang ay mag-exist at hintaying may magbalik sa kin ng happiness na yun. Aware ako na sa kin nakasalalay ang happin...