"Ano na naman bang problema ha? Ok naman tayo ah?"
"Nothing.. Sa tingin ko lang kasi, you're better off without me."
"Tse! And showbiz mo sumagot ha? Ano nga kasi?"
"Totoo. Nicole, mas mabuti pang kalimutan na natin ang isa't isa."
"Anla. Bahala ka na nga. BYE!"
I hung up. Sino yun? Eh di yung magaling kong............ano nga ba? ano ko nga ba sya? special friend? lover? ah basta si Ivan!
Ayan. Ang init na naman tuloy ng ulo ko. And now that I think about it, bakit nga pala ang sabi ko, EX-BOYFRIEND ko yang si Ivan? Erase. Erase. Oo, matagal ko na sya gusto maging boyfriend pero hindi nangyayari eh. Magiging ok kami, tapos maya-maya, mawawala na naman sya. Kaya siguro parang EX na ang tingin ko sa kanya.
I need to relieve my stress..
GM.. GM.. GM..
<<< Girls, let's go out.. I'm bored na dito sa bahay. Robinsons tayo ;D
Nag-GM ako sa barkada ko. We're 7 in the gang --- ako, si Bes named Kris, si Chloe, Jeian, Reese , Erin and Mari. Pano kami naging friends? Wag nyo na itanong dahil hindi ko na din maalala. Hihi. Lahat kami bright child kaya sa iisang university pa din kami magccollege. Bright child, syempre, kasi mahirap ang entrance exam dun noh?
1 message received
>>> Game ako dyan bes! Now na ba? I'll meet you sa mall na lang.
At ayun nga, si Kris lang naman ang nagreply sa kin. Siguro busy yung iba. O baka today yung scheduled registration nila.
Since, walang ibang nagreply, kami na nga lang ni Kris ang nagkita.
"Bessss!!! I missed you!", bungad sa kin ni Kris
"Hala? Agad-agad? Eh parang nung isang araw lang magkakasama tayo kina Mike."
"Eh, syempre ganon talaga. Hihi. So ano, san tayo?"
"I don't have any plans actually. Shopping na lang tayo?" ;D
"I love your idea girl! Tingin tayo sa pinkbox!"
Yea. My best friend loves pink. While I love blue naman.
Ayun, nagshopping na nga kami ng bongga. Na tamang-tama naman kasi wala kaming uniform sa school so magagamit talaga namin to.
Habang namimili, napag-usapan namin ni Bes si Ivan.
"O ano, bes, kamusta na kayo ni Ivan?"
"Ay naku! Kaya nga ako nasstress kanina eh. Dahil sa kanya."
"Ano na naman ba ginawa nya?"
"Ayun, nagddrama na naman. I'm better off without him daw."
"Seriously? Cliché masyado ha? Wala na ba syang maisip na ibang excuse?"
"Wala na siguro bes.. Haaay. Nakakabadtrip lang sya. Kala naman nya hahabulin ko sya? No way!"
"Tama yan girl! Hindi dapat hinahabol ang mga lalaking ganyan!"
"Asows. At nagsalita.. Eh ano ba dapat? Yung ikaw dapat ang maunang makipagbreak?" then I gave her a teasing look.
BINABASA MO ANG
Does a broken heart ever really mend?
Fiksi Remaja"Maging masaya sana ako? Hmmm, ewan. Someone took my happiness away. Malayong-malayo..hindi ko na maabot. Kaya ngayon, ang kaya ko na lang ay mag-exist at hintaying may magbalik sa kin ng happiness na yun. Aware ako na sa kin nakasalalay ang happin...