Kris' POV
Nabore na naman kami ni Bes kaya eto..tumambay na naman kami sa mall.
Natutuwa akong nakikitang masaya ang best friend ko.
Masayahin naman talaga syang tao but recently, mapapansin mo yung glow sa mga mata nya. Katulad ng sinasabi ng marami eh blooming sya kumbaga.
Ayun nga at ngayon, tinatanaw ko sya papalayo kasama si Ivan.
Nagpaiwan ako dito sa mall kasi magkikita kami ni Vince. Ipapakilala nya daw ako sa pinsan nya.
And guess what?
Kami na ni Vince. Well, matagal naman na kaming special sa isa't isa so bat pa patatagalin di ba? Hindi na uso ang pakipot ngayon.. Totoo naman di ba? Kung gusto mo, eh di sunggaban mo na. Most of the times, opportunity knocks only once.
"Hey koko, kanina ka pa ba naghihintay? Sorry ha, natraffic kasi kami ni Froi."
"Hindi naman po. Kaaalis lang din naman nina Shin."
"Ah. Mabuti naman. Tara na. Naghihintay si Froi sa may mall atrium."
Umalis na nga kami ni Vince sa kinauupuan ko. Nagmamadali kaming pumunta sa pinsan nya, nakakahiya naman kasi kung paghihintayin namin di ba.
"Bro, I want you to meet my girlfriend, Kris. Koko, si Froi, pinsan ko."
"Uh. Ikaw pala yan. Akala ko naman kapangalan lang. Krunch, magkakilala na kami ni Froi."
Astig ng tawagan namin noh? Koko at Krunch. Sarap kasi. hehe
Si Froi ay boyfriend ng barkada ko nung highschool- si Ree at hindi ko alam kung sila pa rin hanggang ngayon.
Ang alam ko nagkahiwalay sila nun dahil nagpuntang Canada sina Froi. Wala naman masyadong nababalita sa min si Ree kaya wala akong idea sa relationship status nila.
"Oh, really? Daya mo naman tol. Bakit di mo agad pinakilala to sa kin eh nauna pa pala kayong magkakilala eh di sana nun pa ko masaya."
"Cheesy ka na din pala ngayon Vince. Haha. Girlfriend ko kasi yung barkada ni Kris nung highschool kaya kami nagkakilala."
"Speaking of, kamusta kayo ni Ree? Kayo pa ba?"
"Oo naman. Sumunod din sa Canada si Ree for a vacation. Hindi nyo ba nabalitaan yun? Saglit lang naman sya dun. Nakapag-usap naman kami ng maayos kaya ok na kami ulit ngayon. AT sa university nyo na din ako mag-aaral para magkasama kami."
"That's great. Dagdag sa barkada. Though, puro busy naman mga yon. Si Shin na lang yung madalas ko nakakasama ngayon eh. Remember her?"
"Oo naman. Tanda ko pa kayo lahat. Sino ba namang makakalimot sa mga nantrip sa kin nun? Anyway, that's another story. San nyo gusto kumain? Nagugutom na ko eh."
At dahil malapit lang yung favorite restaurant namin ni Vince, dun na kami kumain. Mabuti naman at nagustuhan nya din.
Actually, close kami dati ni Froi before sila umalis. Naging close kami dahil na din nga sa kalokohang ginawa ng barkada namin sa kanya. Madalas kami magkatext nun. Minsan pa nga nagseselos si Ree sa kin pero hindi naman kami nag-aaway.
After maglunch, hinatid na namin si Froi sa hotel na tinutuluyan nya which is pag-aari ng pamilya nina Vince.
Unexpectedly, pagdating sa lobby ng hotel, nakita ko si Shin. Kasama si Kenji. Yung nameet namin sa restau. Ngayon ko lang napansin na kahawig nya si Ivan. Nagpaalam ako kay Vince habang may inaayos pa sila sa reception.
BINABASA MO ANG
Does a broken heart ever really mend?
Teen Fiction"Maging masaya sana ako? Hmmm, ewan. Someone took my happiness away. Malayong-malayo..hindi ko na maabot. Kaya ngayon, ang kaya ko na lang ay mag-exist at hintaying may magbalik sa kin ng happiness na yun. Aware ako na sa kin nakasalalay ang happin...