Chapter 6

13 0 2
                                    

A couple of weeks passed at steady naman kami ni Ivan. We always go out at mukhang nahimasmasan na sya mula sa drama nya na pag-iwan sa kin.

For us na palaging nag-aaway o kung sa magsyota ay on and off ang relationship, yung ilang linggo na hindi kami nag-away seems like forever already.

Exag siguro kung iisipin pero totoo eh…

Hindi sa nagrereklamo ako ha. Naninibago lang. But I'm really thankful na at last mukhang pumapayag na ang destiny na maging maayos kami.

This week nga lang hindi na nya ko nahahatid sundo kase pareho kaming busy.

About Kenji naman.. Ayun, narecruit pa ko ng loko sa org nya. Pati nga si Chloe at Jeian nahila ko din sa pagsali.

Hindi kami masyado nakakapag-usap recently dahil busy kami parehas tapos medyo awkward siguro pag sobrang close kami eh dumadaan nga ako sa recruitment process.

Anyway, start na ng pag-organize namin ng isang event. That's part of the process para matanggap kami as members. Yung organization kasi na sinalihan ko ay naglaunch ng isang contest. Simula first sem pa sya. And yung mga applicants ang mag-oorganize ng parang awarding nya. Closing/Finale kumbaga. Basta. Ang hirap i-explain. Haha.

11 kaming applicants. So kung sakali. 10 yung batchmates ko. Mabuti naman kasi mas madali mag-organize ng event pag madami.

Sa technicals ako naassign. Kami mag-aasikaso ng mga equipments na kelangan. Projectors, microphones, laptops, etc..

May Executive Committee din na maghehead sa min. At buti sa Technicals ako naassign kase si Kenji pala ang Committee head nito.

Robi, Reggie, Jeian, Chloe, Maj, Angel, Ali, Macy, Ann, Erin, ako. Kami ang magkakabatch. I mean, kami ang sabay-sabay na nag-apply at ngayon ay organizers ng event na to.

Kasama ko si Maj at at Ali ngayon. Syempre, nag-aayos pa din kami ng mga kailangan para sa event. Nabanggit ko sa kanila na crush ko si Kenji.

"Hala. Ikaw din?" - they said in unison.

"So, crush nyo din sya?"

"Oo eh. Haha.", sabi ni Maj.

"Ang gwapo nya kaya.", pahabol naman ni Ali

"Oo nga eh. Pagkatapos ng event na to, lalo akong makikipagclose sa kanya, haha" sabi ko naman sa kanila.

Buong week, puro yun lang ang inasikaso ko. I mean yung event ha. Hindi yung paglandi.

Every night, tinatawagan ako ni Ivan. Sobrang namimiss na daw nya ako eh. Ako din naman pero syempre hindi ko pinapahalata.

Sabi pa nya baka daw next week maging busy pa din sya. Haaay. Nakakalungkot naman yun.

August 21 yung event. It turned out well naman. Nakakatuwa na yung 1 week namin na pinaghirapan ay maganda nag kinalabasan.

It paid off. It really paid off. So happy.

Nagkaron ng dinner ang members of the ogranization. Parang welcome na din sa mga bagong members.

Katabi ko nga si Kenji eh. Nakakatuwa. Nakakakilig. Hahaha. Ang tahimik ko tuloy. Nakakahiya pa kasi makipag-usap at makipagkwentuhan sa kanila. Syempre bago pa lang kami eh. Kahit naman nagkausap na kami ni Kenji dati, iba pa rin ngayon kase naputol yung binubuo naming closeness dati.

"Hey Shin. Bakit naman ang tahimik mo?"

Waaah. Kinausap ako ni Kenji. OMG!

Nasa dulo kasi sya ng table tapos nasa right nya ko. At nakatingin sya sa kin. Mayghad!

Does a broken heart ever really mend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon