"So, we want to get the probability that a life aged 40 survives up to age 50 but not beyond age 53.. To compute for that, we need.. blah blah blah."
Astig pinag-aaralan namin noh? HAHA. Yes, we study about mortality and sht like that. Uso na sa min yang mga "pagpatay".
Anyway, last subject ko na to at excited na kong matapos to. SUPER! Hindi lang dahil susunduin ako ni Ivan but because, nahihirapan na kong magpanggap na lahat ng sinasabi nung Professor namin eh naiintindihan ko. Effort masyado!
I glanced at my watch.. 10 minutes na lang dismissal time naaaa..
At syempre, longest 10 minutes of my life naman ang naging drama ko. Ajujuju
5 minutes left..
5 minutes paaaa..
1 message received
---------------
I'm on my way na. Tapos na class mo? :)
From: Ivan <3
GOSH! Lalo tuloy ako nainip na matapos na tong class...
To: Ivan <3
Hmm. 5 minutes left. See yah! :D
HIHI. Naeexcite ako. And just to clarify things, hindi po kami ni Ivan. No...Not yet. :)
After class, nakasalubong ko sa building si Kris. Kasama nya si Vince, one of her new super close friends..friends din naman kami but not as close as them.
"Hi Bes! Hi Vince!", bati ko sa kanila.
"Hi bes! Namiss kita!"
"Ay? Parang hindi kita classmate sa ibang subject natin ah? Saka, duh?Yang isang yan kaya ang palagi mong kasama. Pinagpalit mo na ko kay Vince, Bes." *pout*
"Hala? Hindi ko naman inaagaw si Kris sa'yo. Alam ko naman mas mahal ka neto." sabi ni Vince.
"HAHA. Buti alam mo. At alam ko din naman na mahal ako ng bestfriend ko. Kaya ikaw, umayos ka. Lagot ka kay Shin."
"Tama. Lagot ka sa kin pag may nangyaring hindi maganda kay Kris."
Yes, dears, you guessed that right. May namumuo nga na something special sa dalawang yan. Kung ano yun? ABANGAN! hehe
Nagtatawanan kami ng biglang tumunog phone ko.
"Ayan, hinahanap ka na ata ng manliligaw mo.", says Kris
Sinagot ko naman yung tawag.
"Hello? Ivan?"
"Asan ka? Malapit na ko, san kita pupuntahan?"
"Hmm, kasama ko sina Kris. Sa Math Department kami, sa may tapat nung church?"
"Ok alam ko na. papunta na ko. See yah in a bit."
"bye."
"Papunta na daw dito si Ivan. Lalabas kasi kami. Susunduin nya ko. Hintayin nyo na sya before nyo ko iwan. Para naman di ako mag-isa dito." *smile*
"Sure. Ikaw pa, lakas mo sa kin eh." sagot ni bes.
Nagkwentuhan lang kami habang naghihintay. Di nagtagal, dumating na din si Ivan.
MAYGHAD! Ang gwapo naman ng nilalang na to. Ang cool pa ng dating. I'm so lucky talaga to be his soon-to-be-girlfriend.
"Hi there, pretty!" bati nya sa kin.
"Uh, Ivan, here's Vince friend namin ni Kris. Vince, si Ivan."
Nagshake-hands naman silang dalawa. Tapos, biglang sumabat si Kris.
"Bakit kay Ivan name lang? wala manlang 'manliligaw ko' o kaya 'boyfriend ko'?", with actions pa yun ha.
"Oo nga naman Shin, ano mo ba sya?" ginatungan pa ni Vince o. amp naman.
"Oh, well, hindi ko alam eh. We don't have labels. But if you really need one, ahmmm, first love ko, is that enough?"
Ang lapad naman ng ngiti ni Ivan nung sinabi ko yung last part. First love ko…
"First love mo pala, eh bakit hindi pa kayo?" tanong ni Vince.
"Naghihintay pa daw kasi ng tanong si Shin" singit ni Bes.
Tsss. Pag-usapan ba naman daw yun. At sa harap ko pa. hmmm. Makaalis na nga.
"Uh, Ivan, we're going out, right? Shall we go?"
"HAHAHAHAHA. Si bes o, umiiwas lang. Ikaw naman kasi, ivan, bilisan mo na. baka magbago pa nararamdaman nyan."
"I'm still waiting for the right time and for the perfect moment for that. Hindi naman ako nagmamadali. At kung sakaling magbago o mawala man ang nararamdaman nya para sa kin, handa akong mag-effort para paibigin syang muli. I'll make her fall for me over and over again." sagot ni Ivan.
The eff, kinilig ako dun ah. Hahaha.
"Alis na kami ha. Salamat sa pagsama kay Nicole kanina. Akin na muna sya ah. Namiss ko eh. Bye!"
"Bye bes!"
Inalalayan nya ko pasakay sa kotse. Natahimik lang ako. Hindi pa din ako maka-get over sa sinabi nya.
I'll make her fall for me over and over again.
Nakakilig ba talaga yun o ako lang to? Hahaha. Ewan. What's important is that we're taking our time at hindi nya ko minamadali na maging kami.
"hey. Bakit ang tahimik mo? May problema? Pagod ka ba?"
"ah, wala naman. May iniisip lang ako."
"Kain muna tayo ha. Dun tayo sa restaurant ng tita ko. Masarap kare-kare dun. Alam ko naman na fave mo yun."
"Great. Medyo nagugutom na nga ako. Hehe. Then samahan mo ko sa mall ha. I wanna shop!"
"Sure. Anything for my princess."
Ay. Ano daw? Princess daw? Hmmm.
__________________________________________
Hi Guys! :D
Medyo kinilig kasi ako sa dagdag na reads and votes kaya nag-UD ako ngayon. Hehe. Maraming salamat sa pagbabasa! :)
Pagpasensyahan kung matagal ang UD kasi andami talagang schoolworks -___- and distractions. Hehe.
Basta keep on reading! Salamat talaga!
COMMENTS and VOTES please! :) Thank youuuu :D
THATgirl <3
BINABASA MO ANG
Does a broken heart ever really mend?
Novela Juvenil"Maging masaya sana ako? Hmmm, ewan. Someone took my happiness away. Malayong-malayo..hindi ko na maabot. Kaya ngayon, ang kaya ko na lang ay mag-exist at hintaying may magbalik sa kin ng happiness na yun. Aware ako na sa kin nakasalalay ang happin...