Chapter 1

971 25 3
                                    

"Sampu!" sigaw ni Cathy sa loob ng kwarto niya. Bigla namang napasugod ang ina niyang si Aling Celia.

"Hoy Catherine! Ano na naman ba yang nangyayari sa iyo bata ka at nagsisigaw ka dito?" kaagad na tanong ni Aling Celia sa anak.

"Nay, sampu! Ikasampung lalaki na si Robert na iniwan ako!" aniya sa ina. "Bakit lagi nalang akong iniiwan 'nay?"

"Aba'y malay ko sa iyo? Ikaw naman tong nagdadala sa mga relasyon mo." ani Aling Celia saka lumapit sa bintana. "Bakit hindi ka gumaya diyan kay David? Tingnan mo't walang problema sa puso."

"At bakit naman kayo napunta diyan kay David 'nay? Siyempre walang magiging problema 'yan dahil manhid 'yang taong iyan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya!" asik na saad niya sa kanyang ina.

"At nagagalit ka dahil isa ka sa mga babaeng iyon? Ang anak ko oo, parang hindi pa naka let go eh." panunuksong saad ni Aling Celia bago iniwan ang anak.

Alam ni Cathy na tama ang kanyang ina. Matagal na siyang may gusto sa kapitbahay nilang si David simula pa noong bagong lipat ang pamilya nito sa lugar nila. Ilang beses na siyang nagpahiwatig ng pag-ibig dito subalit tila bato naman ito kung ituring siya. Lagi siyang walang nakukuhang sagot mula kay David at ang mas masakit pa doon ay nang bastedin siya nito. Kung kaya't napagpasyahan niyang huwag na itong gambalain pa.

Kaya heto siya ngayon, fresh from a broken heart. Mukha naman yatang namana niya ang kamalasan sa pag-ibig mula sa kanyang ina.

Muli ay napatanaw si Cathy sa labas ng bintana at tiningnan si David habang abala sa mga papeles na nasa mesa nito sa may hardin nila. Kagaya ng kanyang kuya Marco, nakapagtapos si David with flying colors at kasalukuyan itong nagtatrabaho sa isang Construction Firm sa Maynila. Minsan nalang kung makita niya ito dahil dalawa sa isang buwan lang kung umuwi ito.

Sa pagtanaw ni Cathy sa binata ay muling bumalik ang mga alaala't pangyayari sa kanila ni David noon.

"Kuya! May bago na ba tayong kapitbahay?" tanong kaagad ni Catherine nang umuwi siya ng araw na iyon mula sa paaralan kung saan ay kasalukuyan siyang graduating sa high school.

"Oo. Sa katunayan nga ay magiging kaklase ko yong anak nilang lalaki." Anito naman sa kuya Marco niya.

Rulings of LOVE : From Mr. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon