Ala sais pa lang nang umaga ay nagising na si Cathy para maghanda sa kanyang isusuot mamaya sa Tiera Alta. Sa katunayan ay hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga maaaring mangyari sa kanila ni David. Ang buong akala niyang naka move-on na siya mula sa puppy love para sa binata ay mali pala dahil heto siya ngayo't aligaga sa sarili.
"Catherine anak, ang aga mo namang nagising." Naghihikab pang saad ni Aling Celia.
"Siyempre 'nay para gandang-ganda ako mamaya pag nagkita kami ni David." Masayang sagot naman niya sa ina.
"C-Cathy? Magkikita lang naman kayo mamaya hindi magdedate. Paalala lang anak, ang puso natin ha?" anito bago pumunta sa kusina na sinundan naman ng dalaga.
"Nay, alam ko naman po iyon. Hindi ko naman po nakalimutan yong mga nangyari sa amin noon ni David. Kaya lang 'nay para kasing nag-iba na si David ngayon. Kita niyo nga at pinuntahan pa ako rito kahapon." Mahabang paliwanag niya sa ina.
"Pero hindi naman ibig sabihin niyon may gusto na si David sa iyo Catherine. Ang sa akin lang naman, dapat matuto kana sa mga nangyari sa iyo noon."
"Nay, huwag po kayong mag-alala dahil hinding-hindi na po mauulit iyong nangyari sa akin noon." Aniya at saka nagcross fingers pa para maniwala ang ina. Subalit batid ni Cathy na hindi pa niya naipapangako sa sarili kung kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman para kay David.
"Dapat lang dahil diba nagluluksa ka pa sa paghihiwalay ninyo ni Robert?" ani Aling Celia sa kanya. Dahil sa narinig mula sa ina saka palang niya naalala ang naging hiwalayan nila ni Robert. Ni hindi na nga niya naalala ang sakit na idinulot nito sa kanya dahil kay David.
"Nay naman eh. Ipinaalala na naman ninyo si Robert." Aniya sa ina. "Tapos na kami ng taong iyon."
"Oo nga. Ang ibig ko lang naman sabihin ay bigyan mo nang panahon ang puso mong magpahinga sa mga bagay na iyan anak."
"Nay, hindi pa naman napapagod ang puso kong magmahal ulit eh." Pag-amin niya sa ina.
"So inaamin mo ngayon na may pagtingin ka pa kay David? Na hindi ka pa talaga nakapag move-on? Naku Catherine mahirap iyan lalo pa ngayon na unti-unti nang lumalapit sa iyo si David. Papano kung masaktan ka ulit?" nag-aalalang tanong ni Aling Celia sa kanya.
"H-hindi ko po alam 'nay. Ang alam ko, masaya ako kapag nakikita't kasama ko siya." Nakayuko niyang saad sa ina.
"Okay ganito nalang. Lumabas ka kasama si David pero nak, magtira ka ng kaunti para sa sarili mo okay? Huwag na iyong gaya nang dati." Ani Aling Celia bago niyakap ang anak.
"O-opo nay." Aniya sa ina bago tinungo ang sariling kwarto. Doon ay muli niyang inalala ang mapait na naging karanasan sa una niyang pag-ibig.
"Hello bestie? Nasa school ka na ba?" ani Cathy sa kabilang linya. "Naghihintay pa ako sa date ko eh. Secret muna bestie! Paniguradong luluwa ang mata ng mga kaklase natin mamaya. Sige bye na!" Kinikilig niyang saad kay Joercel sabay pindot sa end button nang tawag.
She's currently wearing an above-the-knee and off-shoulder dress. The baby pink color of the dress with matching gem-sequence is perfect for Cathy. Dahil long-legged ang dalagita, mapapagkamalan itong isa nang ganap na dalaga.
Hindi mapakali si Cathy habang naghihintay kay David na sunduin siya. Malapit nang mag-umpisa ang prom night nila subalit wala paring David na kumakatok sa labas ng kanilang pintuan.
"Oh Cathy wala parin ba si David?" ani Aling Celia nang maabutan siya nito sa sala.
"Wala pa po 'nay eh." Malungkot na saad niya sa ina.
"Baka naman hindi mo iyon napapayag talaga?"
"Nay, pumayag po iyon. Hindi ko lang talaga alam kung bakit wala pa si David."
"Teka tatawagan ko ang kuya Marco mo at baka alam niya kung nasaan si David." Ani Aling Celia at pinindot ang numero ni Marco. Nakailang ring naman ang telepono ng anak na lalaki subalit wala paring sumasagot.
"Nak, baka hindi ka na siputin ni David. Halika na-." napahinto naman si Aling Celia sa pagsasalita nang may kumatok sa pintuan nila.
"Nay, baka si David na iyan!" excited na saad ni Cathy sa ina na kaagad namang binuksan ang pintuan. Hindi nga sila nagkakamali dahil si David ang nasa labas na bihis na bihis sa black tuxedo nito.
"Sorry I'm late." Matipid na saad nito sa kanyang ina.
"Okay lang iyon David." Ani Aling Celia saka siya tinawag ng kanyang ina. Kinakabahan ma'y lumabas na rin si Cathy at lumapit kay David.
"S-shall we?" Narinig niyang saad nito sa kanya at inilalayan sa paglakad. Saka lang niya nakita ang isang kotse na nasa harapan ng bahay nila.
"Is this for real? Sasakay ba tayo diyan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa binata.
"O-oo. Sa tito ko ito. Hiniram ko sandali dahil ayoko namang mag-jeep tayo tapos ganito ang mga ayos natin." Nakangiting saad ni David sa kanya.
"Oy, nakangiti na siya." Panunukso niya rito dahil ngayon pa niya ito nakitang ngumiti. "Ikaw ba ang magmamaneho nito?"
"Oo." Matipid na saad nito sa kanya bago pinaandar ang kotse.
"Hindi ko alam na marunong ka palang magmaneho."
"Marami ka pang walang alam tungkol sa akin." Anito sa kanya habang binabaybay nila ang daan patungo sa kanilang paaralan.
"Hindi mo naman kasi ako hinahayaang pumasok diyan sa buhay mo kaya wala talaga akong alam." Mahina niyang sabi sa binata. Wala naman siyang sagot na nakuha mula rito kung kaya't hinayaan nalang niya ito.
Makalipas ang halos kalahating oras ay narating rin nila ang paaralan ni Cathy kung saan gaganapin ang prom night nila. Maraming kabataan narin ang naroon na abalang-abala sa mga sarili nila. Malapit nang mag-umpisa ang kanilang version ng "red carpet parade of dates" nang nang pumasok sina Cathy.
"Are you ready?" aniya sa binata na tinanguan lamang siya.
Maraming kabataan ang naroon dala-dala ang mga partners ng mga ito sa prom. Subalit ang tanging nagstand-out nang gabing iyon ay sina Cathy at David dahil sa hindi maipagkakailang kagandahan ng dalagita at kagwapohan ni David.
"Oy Catherine! Ipakilala mo naman kami sa iyong date." Saad nang kaklase ni Catherine sa kanya.
"Naku, gusto ko sana eh. Kaya lang may magagalit." Aniya naman sa mga ito.
"Sinong magagalit? Ikaw? Impossible naman kasing magiging nobyo mo itong si pogi dahil masyado ka pang bata sa kanya."
"Kami ba'y tatantanan ninyo o hindi?" hindi mapigilang bulyaw ni Cathy sa mga kaklase niya na kaagad ding umalis sa harapan nila.
"Napaka-violent mo namang tao." Napapailing na saad ni David sa kanya.
"Eh nakakairita sila. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi." Himutok na saad niya sa binata.
"Totoo naman iyong mga sinasabi nila Cathy." Mahinang saad sa kanya ni David.
Bigla ay napatitig siya sa binata. 'Talaga bang walang pagtingin ang lalaking ito sa akin?' aniya sa sarili na hindi mapigilang kumuot ang noo.
"Whatever you think it is. Please keep it that way." Anito sa kanya bago siya iginiya sa magiging upuan nila. Hindi naman sila nawalan ng mga fans dahil pasulpot-sulpot ang kanilang mga taga-hanga lalo na kay David. Nawala lang ang mga bumubuntot sa kanila nang mag-umpisa na ang kainan.
BINABASA MO ANG
Rulings of LOVE : From Mr. Manhid
Romance(COMPLETED) Catherine Macaraig or Cathy for short. Sa edad na biente dos ay nakaranas na nang sunud-sunod na heartaches and heartbreaks. Sa katunayan ay sampung beses na siyang iniwan ng mga lalaking minahal niya nang lubusan. Kung sinagot lang siy...