'The heck!Akala ko ba'y walang gusto sa bff ko eh ngayon may date-date pang nalalaman!' himutok ni Cathy sa sarili matapos marinig lahat nang pag-uusap ng matalik niyang kaibigan at ni David. Wala naman siyang karapatang magselos at magalit pero talaga namang hindi niya mapigilan ang kanyang damdamin.
"Saan naman kaya sila pupunta? Kagabi nga lang ay umamin na si David na gawa-gawa lang niya noon ang pagkagusto niya kay Joercell pero bakit ngayon ay parang tinotoo na nila lahat?" muli ay himutok niya sa sarili habang papalabas ng kanyang kwarto.
Plano ni Cathy ngayong araw ay pumunta talaga sa bahay nila David para klaruhin ang mga bagay-bagay patungkol sa kanila subalit ang lahat ng iyon ay nawalan nang saysay dahil sa nakita niya kanina. Kaya naman kaagad niyang tinawagan ang dalawa niyang mga kaibigan na sina Naomi at Kristy. Una niyang tinawagan si Naomi.
"Yes friend?" maarteng bungad-tanong ni Naomi sa kanya.
"Gusto mo akong samahan?" aniya kay Naomi.
"Saan naman? Ay sakto friend, balak ka sana naming imbetahin ni Krsty."Sagot naman sa kanya ni Naomi. "Nakapangako kasi ako sa kanya na sasamahan ko siyang magmalling at dahil alam naming on-leave ka pa ngayon, samahan mo nalang kami."
"Sure! Iyon nga din sana ang sasabihin ko sa iyo." nakangiting saad niya sa kaibigan.
"Siya sige pero libre mo rin kami ha?" excited na saad nito sa kanya. "Low budget kasi ako ngayon at saka si Kristy dami babayarin yon." Dugtong na saad nito sa kanya.
"Siya sige. Libre ko kayo kung saan niyo gusto." Masayang saad niya sa kaibigan.
"Kung ganon eh magbihis ka na diyan at dadaanan ka namin mamaya." Anito sa kanya bago naputol ang tawag.
Makalipas ang halos isang oras ay masaya niyang sinalubong ang dalawang kaibigan sa labas ng kanilang gate.
"Cathy, mabuti naman at sasama ka sa amin ngayon ni Naomi. Matagal na rin tayong hindi nakapag-malling noh? kapagdaka'y tanong sa kanya ni Kristy.
"Oo nga eh. Saka gusto ko ring ilabas tong nararamdaman ko ngayon." Walang gana niyang sagot sa kaibigan.
"Tungkol ba sa nangyari kagabi?" tanong ulit sa kanya. "Naomi wala pa bang taxi diyan?"
"May nakuha na ako gurl! Naka Grab Taxi kaya ako noh? Oh diba ang sosyal!" nakangising saad nito sa kanila. Wala pang limang minuto ay may huminto ng taxi sa kanilang harapan kung kaya't agad silang sumakay.
"Hay naku Cathy, huwag ka nalang maniwala doon kay David dahil bago kami umuwi kagabi, niyaya niya si Joercell sa isang date. Pero hindi ko alam kung kelan si-." Naputol ang iba pang sasabihin ni Naomi nang bigla itong kinurot ni Kristy sa tagiliran.
"Ang sakit non ha?!" pagalit na sa saad nito kay Kristy bago pandilatan ng mata ang kaibigan.
"Eh ang dal-dal mo kasi! Kita mo nga't broken hearted itong si Cathy eh gagatungan mo pa." ani Kristy kay Naomi. "Huwag mo nalang intindihin itong si Naomi dahil may pagka-chismosa ito eh."
"Totoo naman kasi iyong sinabi ni Naomi eh." Ani Cathy na pilit itinatago ang sakit na nararamdaman. "Nakita ko si bestie kanina sa labas ng bahay ni David at mukhang may date nga sila ngayong araw."
"Naku gurl, paano na iyan? Diba bestie mo si Joercell? Okay lang ba sa iyo?" bigla ay tanong sa kanya ni Naomi.
"O-oo naman. Kung doon sasaya si David bakit naman ako magagalit kay Joercell? Saka meron naman din akong nobyo diba?" ani Cathy sabay ngiti sa mga kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/51190617-288-k458584.jpg)
BINABASA MO ANG
Rulings of LOVE : From Mr. Manhid
Romance(COMPLETED) Catherine Macaraig or Cathy for short. Sa edad na biente dos ay nakaranas na nang sunud-sunod na heartaches and heartbreaks. Sa katunayan ay sampung beses na siyang iniwan ng mga lalaking minahal niya nang lubusan. Kung sinagot lang siy...