"Cathy! Cathy umuwi na tayo.Lasing ka na!" Pasigaw na saad ni Naomi sa dalaga.
"Maya na Naomi! Nagsasaya pa nga tayo eh!" pasigaw na saad rin niya sa kaibigan.
Ilang oras na ba silang nasa Heaven's Gate Bar? Dalawa? Apat? Hindi na niya alam ang oras at mas lalong hindi na niya matandaan kung nakailang inom na siya ng alak. At dahil sa ingay at ganda ng tugtog ay mas lalo pa siyang naeengganyo sa pag-inom at panaka-nakang pagsayaw. Hanggang sa may humawak sa dalawang niyang bisig na tumulong at nag-alalay sa kanya sa paglakad.
"Cathy, that's enough." Narinig niyang saad ng isang lalaking pamilyar ang boses para sa kanya. "Iuuwi na kita sa inyo. Sige na guys, ako nang bahala sa kaibigan ninyo."
"No! Ayoko ko pang umuwi! Mag-iinuman pa kami nina Naomi." Aniya sa lalaki habang pilit na ibinubuka ang kanyang mga mata at pilit namang inaaninag kung sino ang lalaking nasa kanyang harapan.
"Masyado nang malalim ang gabi Cathy kaya iuuwi na kita." Pagpupumilit na saad nito sa kanya.
"Hindi! Gusto ko pang uminom!" pasigaw na saad niya. "Saka sino ka ba ha? Nasaan na sina Kristy?"
"Pinauwi ko na. Ako na ang maghahatid sa iyo." Malumanay na saad naman ng lalaki.
"H-hindi nga kita kilala kaya hindi ako sasama sa iyo!" aniya habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakakahawak ng lalaki. Sa kasamaang palad ay tila isang bakal naman ang mga kamay nito kung kaya't nahihirapan siyang lumayo sa binat lalo pa at unti-unti narin siyang ginugupo ng kalasingan.
"Please Cathy huwag nang matigas ang ulo mo."
"Hindi!Hindi ako sasama sa iyo!" pagpupumiglas pa niyang saad sa lalaki hanggang sa maramdaman niya ang pag-ikot ng kanyang paligid.
'No!Please huwag naman sana.' Iyon ang huling nasambit ni Cathy sa sarili bago siya nawalan ng malay.
"Shit!" ani David na kaagad namang ipinangko si Cathy. "Bakit ba kasi naglasing ang babaeng ito?" Dugtong pa na saad niya sa sarili. "Ganoon na ba nito kamahal si Jason at ganito nalang ang paglalasing niya?"
Matapos nilang magset-up sa bahay ni Joercell para sa plan B nila ay biglang tumawag sa kanila ni Naomi. Inilahad nito lahat nang nangyari ngayong araw kabilang roon ang nalaman ni Cathy na pamilyadong tao pala ang nobyo nitong si Jason. At dito nga sila humantong sa Heaven's Gate Bar kung saan ay naabutan niyang lasing na ang dalaga. Pinauwi na muna niya sina Naomi at Kristy para maipalawag sa mama ni Cathy at Marco ang lahat.
Matapos maipasok at maihiga si Cathy sa loob ng taxi ay dali-dali niyang tinawagan si Marco.
"Yes dude, kasama ko si Cathy ngayon." Aniya sa kabilang linya.
"Anong balak mo ngayon?"makahulugang tanong sa kanya ng kaibigan.
"Anong balak kong gawin? Siyempre iuuwi ko diyan ang kapatid mo kaya huwag kang mag-alala da-."
"Huwag mo munang iuwi dito si Cathy." Ani Marco sa kanya na higit niyang ikinabigla. "Dude, you two need to talk. At okay lang naman sa amin ni inay na magkasama kayo ngayon eh. Malaki ang tiwala ko sa iyo David at alam kong mahal mo ang kapatid ko."
"Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo Marco?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
"Oo nga sabi." Anito sa kabilang linya. "Sige na at baka magbago pa ang isip ko. Ingatan mo yang kapatid ko okay? At dapat bukas ay okay na kayong dalawa."
"Teka dude, hindi ka ba takot na baka galawin ko ang kapatid mo?" muli ay tanong niya.
"Nasa iyo na yan dude. Alam ko namang hindi mo iyan magagawa na walang pahintulot mula kay Cathy. At kung sakali mang hindi ka makapag-pigil diyan, okay lang din daw sabi ni nanay dahil gustong-gusto na niya ng apo." Mahabang saad ni Marco bago nagpawala ng maigting na tawa.
"Ano ba? Magtelebabad ka lang ba diyan o ano?" galit na singit ng taxi driver kay David.
"Dude I need to go. Balitaan na lang kita okay?" ani David bago pinutol ang tawag. "Manong sa Villa Aqua nga po." Kapagdaka'y saad niya sa driver.
"Talagang ang swerte mo boy ah. May pahintulot ka pa talaga mula sa kapatid nitong kasama mo. Sigurado ka bang hindi kidnapping ang ginagawa mo?" may pagdududang tanong naman ng driver sa kanya.
"Naku hindi po ah? Nobya ko kasi ito na nawalay nang mahabang panahon sa akin at napunta sa isang lalaking manloloko. Kaya naman kinukuha ko lang kung anong akin." Walang gatol naman niyang saad sa driver.
"Siya sige naniniwala na ako sa iyo. Saka hindi ka naman mukhang kidnapper." Nakangiting saad nito sa kanya.
Baybay na nila ang daan patungo sa Villa Aqua ay marahan naman niyang inilalayan ang dalaga. Para itong isang bata na walang pakialam sa mundo at napakaganda nitong tingnan sa malapitan.
'It's always been a dream of mine to be near you like this Cathy. I wish this night will not end.' Aniya sa sarili habang haplos ang kaliwang pisngi ng dalaga kung saan ang ulo nito any nakapatong sa kanyang kaliwang balikat.
Makaraan ang mahigit kalahating oras ay narating na nila ang sinasabing Villa. Matapos niyang magbayad sa driver ay dahan-dahan niyang ibinaba si Cathy mula sa taxi papunta sa looban ng bahay. Saktong dala-dala naman niya ang duplicate key ng bahay kung kaya't hindi siya nahirapang makapasok. Matapos mailapag ni David si Cathy ay saka naman ito biglang kumilos. Akala niya ay magigising ito ngunit nag-iba lang pala ito ng pusisyon sa higaan.Agad naman siyang nagkahiga nang maluwag sa iisiping hindi pa ito nagigising.
Seeing Cathy in bed made him act like a lost puppy. Bigla ay nakaramdam siya nang pagkabalisa at matinding pagkauhaw kung kaya't madali siyang nagpunta sa kusina. Matapos maibsan ang uhaw ay kaagad na nagpunta ang binata sa storage room ng bahay. At gaya nang nakasayanan niyang gawin sa tuwing pumupunta siya sa bahay na ito, agad siyang naghalungkat ng mga comic books at iba pang libdro na naroon.
'At last nakita rin kita.' Aniya sa sarili matapos makita ang isang sci-fi book ni Pears Anthony. Kaagad naman niyang tinungo ang sala para doon magbasa.
He dare not to go to Cathy's bed and be near her dahil baka nga hindi siya makapagtimpi sa sarili. Kaya't mas gugustuhin pa niyang ubusin ang oras sa pagbabasa kaysa gugulin ang isip sa pagnanasang mayakap at makatabi ang dalaga sa higaan. He always trust his skills, guts and decision making in his work but when it comes to Cathy lalong-lalo na sa ganitong sitwasyon, hindi niya maaaring pagkatiwalaan ang sarili.
'No. Not here. Not now. But I guess when she's sober.' Muli ay saad niya sa sarili bago muling itinuon ang sarili sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Rulings of LOVE : From Mr. Manhid
Romansa(COMPLETED) Catherine Macaraig or Cathy for short. Sa edad na biente dos ay nakaranas na nang sunud-sunod na heartaches and heartbreaks. Sa katunayan ay sampung beses na siyang iniwan ng mga lalaking minahal niya nang lubusan. Kung sinagot lang siy...