Chapter 11

215 7 0
                                    

7 Months later

It's Catherine's 23rd birthday kung kaya't abala ang lahat sa paghahanda ng araw na iyon maliban lang sa dalaga na halatang wala sa mood.

"Anak, sinu-sino nga ba ang mga bisita mo ngayon?" tanong ni Aling Celia sa kanya.

"Close friends." Matipid niyang sagot sa ina.

"O bakit nakabusangot iyang mukha mo?"

"Wala ho 'nay." Pagkakaila niya sa ina. Ewan niya rin sa sarili kung bakit wala siya sa mood gayong kaarawan naman niya ngayon. Sa katunayan ay para nga siyang lalagnatin.

"Siguro may dalaw ka ngayon noh?" panunukso naman ng kanyang ina.

"Wala ho nay. Ewan ko ba kung bakit wala ako sa mood." Aniya sa sarili.

"Stress ka lang yata sa trabaho mo nak. Siguro magpahinga kana muna. Ako nang bahala rito." Ani Aling Celia.

"Sigurado po kayo nay?"

"Oo."

"Sige ho 'nay, punta na muna ako sa kwarto." Pamamaalam niya sa ina.

Nasa kwarto na si Cathy subalit hindi parin niya naiintindihan ang sarili. She's always expecting her birthday with great surprises coming from her friends and family.But today is quite unusual. She's  happy though pero parang may kulang parin sa kanya.

'Baka si David na naman iyang iniisp mo Cathy?' anang isang bahagi ng isip niya.

Well for her, it could be David but she promise herself na hindi na muling magpapadala nang bugso nang emosyon. After all, hindi na niya ito nakikita mula noong araw na nanggaling sila sa Tiera Alta and it's a big help kasi unti-unti narin niyang nalilimutan ang binata.

Nasa iisiping iyon si Cathy nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iluwa doon ang kanyang bestie na si Joercel. Speaking of her bestie, they're still okay despite of the fact na alam na niyang may gusto rito si David. But never did she ask her about the relationship of the two.

"Happy birthday bestie!" ani Joercel bago ibigay sa kanya ang regalo.

"Naku, nag-abala ka pa talaga bestie." Aniya sa kaibigan bago niya ito yakapin.

"I miss you na. Kumusta na nga pala ang buhay may trabaho?" kapagdaka'y tanong nito sa kanya.

"It's okay but tiring as well." Aniya sa kaibigan bago hinarap ang salamin.

Totoo naman ang sinabi niya kay Joercel na nakakapagod ang kanyang trabaho bilang isang private secretary sa isang law firm. Minsan nga'y naisipan niyang magresign nalang subalit hindi naman siya pinapayagan ng kanyang lawyer na amo. Sa katunayan ay dinagdagan pa nito ang sahod niya para hindi na siya umalis.

Rulings of LOVE : From Mr. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon