Chapter 7

220 6 0
                                    

Habang kumakain ay naging tahimik naman sina David at Cathy sa isa't isa. Hanggang sa hindi na matiis ng dalagita ang sitwasyon kung kaya't siya na ang bumasag nang katahimikan.

"Bakit ang tahimik mo?" untag niya kay David.

"W-wala naman. Ganito lang naman talaga ako kapag kumakain." Anito sa kanya.

"'Nong nakita kitang ngumiti kanina, akala ko'y magiging okay na tayo pero hindi parin pala." Nagdaramdam niyang saad sa binata.

"Cathy please concentrate on your food. Its your night okay?"

"Papano naman ako makakapagconcentrate kung ganyan parin ang trato mo sa akin David?"

"Cathy, ano pa ba ang gusto mo? Diba pumayag na nga akong maging ka date mo sa prom?"

"Gusto ko tratuhin mo naman ako bilang girlfriend mo." Mahinang saad ni Cathy sa binata na ikinabigla nito.

"What? That's absurd Cathy! I mean, that's too much to ask." Natatawang saad nito sa kanya.

Magsasalita pa sana si Cathy nang mag-announce na ang kanilang principal para sa cotillion.

"M-mag-uumpisa na ang cotillion namin. Maaari bang dito ka na muna sandali?" pamamaalam niya sa binata.

"S-sige. I'll just wait here." Anito sa kanya.

Naging abala naman si Cathy nang mag-umpisa ang cotillion kung kaya't nakalimutan na niya ang naging sagutan nila ni David kanina. Nang matapos ang sayawan ay mabilis na lumapit si Cathy sa binata. Bigla namang pumagitna ulit ang kanilang principal para e-announce ang naging Prom King and Queen of the night.

Muli ay naghiyawan ang mga kabataan sa paligid nang sabihin na may resulta na sa botohan kung sino ang nanalo. Unang tinawag bilang Prom King ay ang kaklase ni Cathy na si James.

"Naku Cathy paniguradong ikaw na ang Prom Queen." Saad ng kaibigan niya.

"Naku, hindi na mangyayari iyan." Aniya naman rito. Subalit tila nagdilang anghel naman ang kaibigan niya dahil narinig nga ni Cathy na siya ang nanalo bilang Prom Queen of the night.

"Cathy! Ikaw nga ang nanalo!" sigaw ng mga kaibigan ng dalagita. Kaagad namang tumayo si Cathy para pumunta sa harapan.

"Now Cathy and James, dahil kayo ang nanalo bilang Prom King and Queen maaari na kayong magsaysaw sa gitna." Anunsiyo nang kanilang principal. Muli ay naghiyawan ang mga estudyante na isa-isa ring kumuha ng mga kapareha para magsayaw sa gitna.

Mula sa malayo ay kitang-kita ni Cathy si David na nakatingin lamang sa kanila ni James. Hindi niya alam kung ano ang reaksiyon nito pero nagdarasal siya na sana ay nagseselos ito sa nakikita.

Makalipas ang ilang sandali ay narinig ni Cathy na tinawag ang pangalan niya. Saka lang niya nalaman na wala na pala si David sa kinauupuan nito kundi nasa likod na niya.

"May I have this dance with you?" narinig niyang saad ni David sa kanya. Dahil sa sinabi nito ay kaagad siyang humarap sa binata.

"S-sure. Bakit naman ako tatanggi sa taong mahal ko." Prangka niyang saad kay David.

"You know what? Rule number four; don't be too blunt with your feelings. You might get hurt in return." Ani David sa kanya.

"Okay lang iyon. At least alam mo na mahal kita."

Rulings of LOVE : From Mr. ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon