Nababalikwas nang bangon si Cathy matapos marinig ang sunod-sunod na katok mula sa labas ng kanyang kwarto.
"Nay kayo lang ho pala." Pupungas-pungas na bungad niya sa ina.
"Oo. Ako nga lang ito pero nandiyan na si David sa baba at naghihintay sa iyo."
"Ho?! Nay naman eh, bakit hindi niyo ako ginising?" aniya sa ina at dali-daling nag-ayos ng sarili.
"Hindi ko naman alam na nakatulog ka pala diyan. Akala ko'y busy ka sa pag-aayos ng sarili mo. Ni hindi ka nga nakapag-tanghalian." Ani Aling Celia sa kanya.
"Sige na ho 'nay. Pakisabihan nalang si David na maghintay sandali." Aniya bago humarap sa salamin.
"Sige. Bilisan mo diyan." Narinig niyang saad mula sa ina.
Aligaga na si Cathy sa pag-aayos sa sarili nang iwan siya ng kanyang ina. Hindi sana siya nagmamadali ngayon kung hindi siya nakatulog kaninang umaga at managinip sa masakit niyang nakaraan.
Nang matapos sa pag-aayos ang dalaga ay dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Doon sa sala ay nakita niya si David na nakaupo at abala sa cellphone nito kung kaya't hindi nito namalayan ang kanyang presensiya.
"Ehem." Untag niya sa binata. Kaagad naman itong tumayo nang makita siya.
"N-nandiyan ka na pala."
"Sorry kung medyo natagalan ako."
"It's okay." Seryosong saad nito. "Tayo na?"
"O-okay." Aniya bago sinundan si David palabas ng bahay. Hindi naman nakaligtas sa kanyang mga mata ang isang Harley Davidson na motorsiklo. "S-sasakay ba tayo diyan?"
"Kung okay lang sa iyo. Although luma na itong motorsiklo namin pero maayos pa ang makina nito." Ani David sa kanya.
"Hindi naman luma ito tingnan. Maganda nga eh."
"Hop-in." ani David sa kanya na hindi naman niya alam kung papaano samakay sa naturang motorsiklo.
"A-ah ano kasi. Papaano ba?" nahihiyang saad sa binata.
"You mean hindi ka pa nakasakay ng motorsiklo sa buong buhay mo?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "Ano ba ang ginagamit ng mga naging nobyo mo sa tuwing nagdedate kayo?"
"N-nagdyi-jeep lang kami."
"Oh my." Nasambit ni David sa kanya bago siya tapunan nang tingin nito. "Since you're wearing a dress, pambabaeng upo ang dapat mong gawin." Pagpapaliwanag ni David sa kanya na sinunod naman ni Cathy.
Nasa likod na siya ng binata at nakaupo habang ang mga kamay nisa ay nasa balikat nito.
"Ah Cathy? If you want, you can buckle your arms around my waist. Baka kasi mahulog ka diyan." Malumanay na saad nito sa kanya.
'Oh my goodness! Totoo ba ang narinig ko? Juice colored, parang hihimatayin na ako sa kilig nito.' Aniya sa sarili. Kahit kinakabahan at nanginginig ang mga kamay ni Cathy ay sinunod parin niya ang suhestiyon ni David. She clasp her arms around his waist na parang natatakot siyang iwan nito. Animo'y mgnobyo sila kung tingnan sa ayos nilang iyon.
"Are you comfortable?" kapagdaka'y tanong sa kanya ni David.
"O-oo." Mahinang sagot naman niya.
Kasalukuyang binabaybay nila Cathy ang daan patungong Tiera Alta nang magsalita si David.
"So, how are you?" pag-uumpisa nitong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Rulings of LOVE : From Mr. Manhid
Romansa(COMPLETED) Catherine Macaraig or Cathy for short. Sa edad na biente dos ay nakaranas na nang sunud-sunod na heartaches and heartbreaks. Sa katunayan ay sampung beses na siyang iniwan ng mga lalaking minahal niya nang lubusan. Kung sinagot lang siy...