Hindi alam ni David kung uubra ba ang mga plano nila ng mga kaibigan ni Cathy pero gusto parin niyang subukan ito. Halos buong araw rin silang nag-usap kasama si Marco para sa kanilang mga gagawin kung kaya't umuwi siya ng bahay na hapong-hapo ang katawan. Mas mainam pala talaga gamitin ang katawan kaysa sa isip lalong-lalo pa't tungkol sa pag-ibig ang pag-uusapan.
Kasalukuyan siyang nanonood ng telebisyon nang pumasok sa sala ang kanyang ina.
"David anak?" anito sa kanya bago siya tinabihan sa pagkakaupo. "Napapansin ko lang 'nak, nasa t.v nga ang mga mata mo ngunit parang wala naman dito ang isip mo." Dugtong pa nitong saad sa kanya.
"Ayan na naman kayo 'nay eh." Natatawa at napapiling niyang saad sa ina.
"Naku David! Anak kita kaya alam ko iyang mga pinagdadaanan mo kahit hindi mo pa sabihin." Anito sa kanya. At tama naman ang kanyang ina dahil ito lang naman ang may alam ng kanyang buhay patungkol man sa trabaho o pag-ibig.
"David, kung tungkol ito kay Cathy naku malalagot ka talaga sa akin." Anito sa kanya na halatang nanggigigil pa. Matagal na kasi nitong alam na may gusto si Cathy sa kanya at botong-boto pa ito sa dalaga. Subalit kahit gusto pa ng ina niya si Cathy, hindi parin iyon naiibsan ang alalahaning bata pa ito para sa pagmamahal.
"Tungkol na nga ba ito kay Cathy anak?" muli ay tanong ni Aling Martha sa kanya.
"O-oo nay eh." Napapakamot niyang pag-amin sa ina.
"Sinasabi ko na nga ba." Napapailing namang saad nito sa kanya. "Mahal mo na ba talaga?" seryoso namang dugtong na tanong nito sa kanya. Nabigla man siya sa tanong ng ina ay mas pinili parin niyang sagutin ito.
"O-oo nay." Mahina ngunit seryoso siya sa katagang binitiwan.
"Ganon naman pala! Eh di sabihin mo sa kanya."
"'Nay, hindi naman po kasi ganun kadali ang lahat. M-may nobyo na po si Cathy at galit parin iyon sa akin." Pagpapaliwanag niya sa ina.
"Naku David! Ayan kana namang bata ka! Noon, ang sabi mo sa akin, nag-aalinlangan ka sa pagmamahal na iniaalay ni Cathy sa iyo kaya pilit ang pag-iiwas mo sa kanya. Nakita ko kung gaano at paano ka nasaktan sa mga desisyon mo noon David. Ngunit ngayon, dalaga at nasa tamang edad na nito si Cathy. Bakit hindi mo subukang sumugal ngayon?" mahabang paliwanag sa kanya ni Aling Martha.
"Sa ngayon po nay, may plano po kami ng mga kaibigan ni Cathy subalit hindi ako sigurado kung uubra ang mga plano namin. At kung sakaling uubra ito, hindi parin mawawala ang mga pag-aalinlangan ko sa buhay." May lungkot na saad ni David sa ina.
"Halika nga." Anito sa kanya. "Ngayon, tingnan mo ako sa mga mata." Anito sa kanya na sinunod naman niya. "Takot ka parin ba hanggang ngayon anak?" kapagdaka'y tanong nito sa kanya.
Muli ay nabigla siya sa katanungang iyon ng ina. Isang tanong na pilit rin niyang sinasagot noon pa. Gusto man niyang sagutin ang ina, wala namang lumalabas sa kanyang bibig.
"Takot ka bang maiwan gaya nong nangyari sa inyo ng papa mo noon?" muli ay tanong nito sa kanya.
"David, ang pag-ibig ay parang sugal lang iyan. Paano mo malalaman kung mananalo o matatalo ka kung hindi mo susubukan? Walang kasiguraduhan ang lahat anak pero kung ang nararamdaman mo ay alam mong makapagpapasaya sa iyo, dapat mo itong sundin. Hindi habang buhay ay kaya mong takasan ang mga bagay-bagay at piliin mong huwag nalang sumugal dahil hinding-hindi ka magiging masaya David." Anito sa kanya.
"Pakatatandaan mo ito anak; iniwan man kayo ng totoo mong ina noon, hindi iyon basehan para matakot ka sa pag-ibig. Masasaktan at masasaktan ka, pero hindi iyan dahilan para agad kang susuko. Nakita mo nga't hindi sumuko ang ama mo hindi ba? Dahil kung sumuko siya, wala ka sanang ina na kasing-ganda ko." Natatawa nitong saad sa kanya.
"At lubos ko pong ikinasasaya na kayo ang ibinigay sa akin ng Panginoon 'nay." Aniya sa ina bago bigyan ito ng isang mainit na yakap.
"Siya sige, tama na ito at baka bumaha pa ng luha dito sa bahay." Anito bago tumayo. "Punta muna ako sa kwarto." Pamamaalam nito sa kanya.
Alam niyang naiiyak ang kanyang ina kung kaya't dali-dali itong pumasok sa kwarto nito. Lingid sa kaalaman ng lahat, step mother niya ang itinuturing niyang ina na si Aling Martha. Tatlong taon pa lang siya noon nang iwan sila ng kanyang totoong ina sa kadahilanang sumama ito sa ibang lalaki. Ayon sa kanyang ama, dise sais pa lang noon ang kanyang ina nang mabuntis niya ito. At si Aling Martha ang nagsilbi at nagmahal sa kanya at inako ang responsibilidad na iniwan ng totoo niyang ina.
Kaya gayon nalang ang takot ni David nang mapagtanto niyang nagkakagusto na rin siya kay Cathy. Ito ang pinakamalaking rason kung bakit umiiwas siya sa dalaga noon.
Subalit talagang hindi maiiwasan ang pag-ibig kung ito ay tatama sa iyo. Matagal na niyang gusto si Cathy at ngayon lang siya nagkalakas ng loob na sundin ang kanyang nararamdaman para sa dalaga. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat para sa kanilang dalawa.
Akmang tatayo na si David nang may kumatok sa pintuan ng kanilang bahay. Dali-dali naman niya itong tinungo para mapagbuksan ang panauhin na walang iba kundi si Joercelle.
"Hello David. Ano? Tuloy na ba tayo sa date natin mamayang gabi?" anito sa kaniya bago siya kindatan nito.
"I-ikaw pala Joercelle." Aniya sa dalaga.
"May bagong restaurant daw sa may plaza baka gusto mong doon tayo kumain?" maarte pang saad nito sa kanya na pilit na pinapalakas ang boses para marinig sa kabilang bahay nina Cathy.
"Kung gusto mo doon, sure punta tayo." Aniya bago pinapasok ang dalaga sa kanilang bahay.
At ito na nga ang umpisa ng kanilang mga plano na lubos niyang ipinagdasal na sana ay uubra.
![](https://img.wattpad.com/cover/51190617-288-k458584.jpg)
BINABASA MO ANG
Rulings of LOVE : From Mr. Manhid
Romance(COMPLETED) Catherine Macaraig or Cathy for short. Sa edad na biente dos ay nakaranas na nang sunud-sunod na heartaches and heartbreaks. Sa katunayan ay sampung beses na siyang iniwan ng mga lalaking minahal niya nang lubusan. Kung sinagot lang siy...