Mystery
TRAVIS's POV
Nagsimula na ang klase namin sa Trigonometry. As usual naging attentive ang lahat. Isa sa mga pinakamahigpit na Lecturer si Engineer Ledesma. Lagi siyang may parecitation, May follow up questions.
Pansin ko lang na si Khalia lahat ang pinapasagot nila ng recitation. Bakit parang kilala nila siya? Hindi na rin sila nagtataka kung pati mga mahihirap na tanong ay nasasagot niya.
Oo, magaling ako sa Math. Favorite ko ang Math. Kaya siguro kahit di ako mag-aral may isasagot At May isasagot ako.
Sabi nila usually raw mga lalaki ang magagaling sa Mathematics at Arithmetic. Babae naman usually ang magaling sa English at Science.
Isa lang ang masa sabi ko, mukhang si Khaliaa iyong pinanganak na magaling sa lahat. Ano bang hindi niya kayang gawin? Hindi siya isang ordinaryong babae. Siya lang ang babaeng pinapayagang magmotor ng mag-Isa.
Nagrecite rin naman ako sa parecitation ni Engr. Ledesma. Pero pagkatapos nun ay ang pag-iisip ng mga maraming bagay. Umalis na sa klase si Khalia bakit naman ganito ang binigay na schedule sa kanya ni Dean nakakapagod lipat ng lipat ng classroom.
Sumunod ang isang boring na subject. Nakakaantok, pero kailangan makinig dahil kapag nahuli ka nila inaantok jogging sa court ang parusa mo.
15 mins break
Nag-stretching si Marshall, Si Jack naman nagtetext. At ako? Pinapanuod silang dalawa.
Bumaling sa amin si Marshall "Tara sa Canteen!"
"Tara nagutom ako dun"si Jack habang hinihimas himas ang tiyan. "Tara Travis"
Nandun kaya sina Khalia?Pero gutom rin ako, nagpunta ata lahat sa utak ko iyong mga kinain ko. Naubos energy ko.
"Sige tara!"
Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa loob ng Canteen. Luminga-Linga ako sa loob. Nauna na si Jack sa Counter sumunod kami ni Marshall.Wala sila? 'Tekaaaa! Bakit ko ba hinahanap?
Siniko ako ni Marshall "May hinahanap ka?"
"Ha?"
"Haaaatdooog" natatawang sabi ni Marshall "Ayun hinahanap mo oh" Sabi niya sabay turo sa grupo ng mga babae na papunta sa isang mesa
Grupo nina Amanda na nagtatawanan dahil sa pinatid nilang estudyante sa corridor. Ah that student, Oh wait siya iyong estudyanteng No-class. I mean hindi parte ng socialite, Hindi parte ng business world, in-short student lang. She's at this game again huh?
Napakamot akong batok"Ah-eh Ano tara bili na tayo" Nauutal kong sabi
BINABASA MO ANG
LOVE, KHALIA 🌙
Teen FictionMaria Khalia Luna Elizalde Yapchiongco, an extraordinary student from an Ivy League University transfers at school with Popular students. Eskwelahan ng Mga anak mayaman, May kaya sa buhay, May mga sari sariling sasakyan at negosyo. She's the only fl...