RED
Ding Dong
"Sino yan? Ohh.. (opens the door) Jonas ikaw pala." pambungad ni LJ with a fake smile.
"Wag kang ngumiti kung hindi mo kaya. Pwedeng pumasok?" sabi ni Jonas.
"Osige. Maupo ka. Ikukuha lang kita ng juice." sabi ni LJ pero hinila siya ni Jonas papaupo sa tabi niya.
"Bakit ka pala nagpunta? Anong problema?" tanong ni LJ.
"Ako dapat magtatanong sayo niyan diba? Anong problema?" tanong naman ni Jonas.
"Wala." maikling sagot ni LJ.
"Kaya pala ganyan ichura mo. Kaya pala tignan mo yung eyes mo ohh, naluluha na. Mahal mo talaga siya no?" mariing tanong ni Jonas. Mata sa mata.
"Jonas ano ba yang tanong mo?" tanong ni LJ.
"Please sabihin mo sa akin yung sagot na mula sa puso mo." Sabi niya.
Hindi inaasahan ni LJ na manggagaling yun kay Jonas.
"Oo Jonas. Mahal ko siya. Mahal ko parin siya kahit ang sakit sakit."
Pagkasabi non ni LJ, tumulo na yung luha na kanina niya pa pinipigilan.
"Sige." yun lang ang sinabi ni Jonas at saka siya kagad umalis.
Desidido na si Jonas. Desidido na siyang ipaalam kay Red ang matagal niya ng tinatago. Mahal niya si LJ. Ayaw niya itong makitang nahihirapan.
*
SA MANSION NI RED
"Loureen? Loureen? Asan kaba Loureen?? LOUREEN! LOUREEN! WAAAAATTCCCCHHH OUUUUTTT!!!"
Tapos biglang nagising si Red.
"Panaginip? What's with that dream? Tsk." tanong niya sa sarili niya.
Pawis na pawis siya. Sa totoo lang, panaginip nga lang talaga iyon. Pero ang hindi niya alam, isa rin itong pahiwatig sa kung ano ang pwedeng mangyari na pwedeng mapigilan pa, pwede ring hindi na.
Dali daling naghilamos si Red. Di siya makapaniwala sa napanaginipan niya. Ngayon lang uli siya nagkaron ng panaginip na ganon kasama. Hindi tuloy niya maalis yun sa isip niya.
Kasalukuyang nagtatanghalian si Red nang... may...
nag door bell.
"Ako na ho Sir Red." sabi ni Eiffiel. Lumabas si Eiffiel at pinagbuksan ng pinto si...
"Kayo po pala, Sir Er---
"Hindi na yan ang pangalan ko. Si Red?" tugon nito.
"Nasa dining ho, Sir. Tuloy ho kayo." sagot ni Eiffiel.
DINING ROOM
"Red.." sabi nung dumating.
Tumingin lang si Red sa kanya.
"Sir Ervic, gusto nyo rin po bang kumain?" tanong ni Eifiiel.
"JONAS. Jonas ang itawag mo sakin Eiffiel. Iwan mo muna kami pwede?" pakiusap nito.
Oo, si Jonas nga ang dumating. Si Jonas Miguel Dela Peña. Hindi kayo nagkakamali ng basa.
"Sige po." at yumuko si Eiffiel kay Red at Jonas.
"Anong pag uusapan natin?" tanong ni Red.
"Tungkol sa kanya." sagot naman ni Jonas.
"Kanino?" tanong ni Red.
"Kilala mo kung sino ang tinutukoy ko." sagot ni Jonas.
"Ahh, yung babaeng yun parin ba?" tanong uli ni Red.
"May pangalan siya." mariing sagot ni Jonas.
"So ano ngayon? Anong meron?" tanong ni Red.
"Alam mo ba kung anong ginagawa mo sa kanya? Sinasaktan mo siya." sabi ni Jonas.
Mahinahon silang nag uusap pero sa mga salitang binibitawan nila sa isat isa e halata mo ang galit nila.
"Sinasaktan niya sarili niya." sabi ni Red.
"Nakalimutan ko, hindi ka pala tumatanggap ng pagkakamali mo. Mataas nga pala ang pride mo." sabi naman ni Jonas.
"Ano ba talagang gusto mong sabihin ahh? Teka nga, kung tungkol parin sa kanya pwede ba, itigil mo na to?" inis na sabi ni Red.
"Ayaw mo talagang malaman?" tanong ni Jonas.
"Ayoko. Kaya umalis ka na." mariing sabi ni Red.
"Sure. Suit yourself." sabi ni Jonas at nagsimula na siyang maglakad papalabas. Pero bago niya pa mabuksan ang pinto ehh may pumigil sa kanya.
Pagtapos nun parang nagdalawang isip si Red. Imposibleng walang dahilan.
"Wait." pigil ni Red.
"Oh bakit? Kala ko ba ayaw mo ng marinig ang mga sasabihin ko?" tanong ni Jonas.
"I changed my mind." sagot ni Red.
"Si LJ.. I mean si Loureen Jane Martinez......" sabi ni Jonas.
"Ano ba kasi yun? Pwede bang direchuhin mo nako?!" kabadong sabi ni Red. Kinakabahan talaga siya. Swear.
"Si LJ... at si Thea.... IISA LANG SILA, KUYA." sagot ni Jonas na siyang ikinagulat ni Red.
TO BE CONTINUED
*
Okay? KALMA REDers. :))
Ang tumal ng update ko ngayon e no? GEUME! I didnt mean to.
Sabi ko nga, UNDER CONSTRUCTION ang puso ko. Pinapagaling ko pa. :P
Kausapin niyo naman AKOOOOOOOO! I chat niyo ko o whatsoever! PARA FRIENDS TAYO :P
Kalma HA? Oo si RED OLIVER si ALFRED. Si JONAS naman ay SI ERVIC. At.. MAGKAPATID SILA. AT.. SI THEA AT LJ AY IISA. Yan na haaaa? :))
/IamMarshmallow
BINABASA MO ANG
RED S1 (Completed) S2 (On-Going)
VampireGenre: Vampire, Romance, Comedy, Mystery Dedicated to the people who love to read Vampire-Romance stories. This is a not a tragic nor melo-dramatic story. This is just another story which will make you fall in love with vampires even though they jus...