RED
Dali dali namang nagpunta ng airport si Red. Oo sa airport. Bakit sa airport? Aba, malay. Alam lang ni Sam na andun nga sa paligid nun si Loureen.
Sobrang hindi na talaga mapakali si Red. Dagdag pa ang traffic.
"Near airport, along seaside." Yun ang sabi ni Samantha. E isa lang naman yung Bay dun.
Bago siya makarating sa bay dun, napahinto muna ang koche niya dahil nga sa NAKASTOP pa (stoplight).
Sa harap ng sasakyan niya eh may pedestrian (tawiran) at sa kanan niya may sign RET St. (Ret Street). Mejo familiar ito sa kanya. Parang kakakita niya lang dito, actually.
At last, andun na siya. He parked her car. Mula sa unahan ng Bay, hanggang dulo eh tinakbo niya.
Mahaba rin yun ahh. Kaya mejo hingal na hingal siya.
"LOUREEEEEEEEEN!!! LOUREEEEEEEEN!!!" paulit ulit niya iyong sinisigaw. Kahit pinagtitinginan na siya ng tao, tuloy parin siya sa pagsigaw.
"Uy yun yung apo nung mayamang ILMANUEL diba?" Person 1
"Oo yan nga." Person 2
"Nasisiraan na ba siya? Ba't kanina pa siya sigaw ng sigaw?" Person 3
Yun ang mga bulung bulungan ng tao. Ambigat bigat na ng nararamdaman ni Red. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Bigla namang dumating si Sam at Franz dun.
"Red.. hey. Tumayo ka nga diyan!" saway ni Sam kay Red na nakaluhod na sa semento.
"Kasalanan ko to lahat. Lahat lahat. Lour--eeen... a-asan kanaaa... Loureeeennn!!!!" sigaw ni Red.
"Red huy! Tumayo ka na nga diyaaan." -Sam
"Pag may nangyari sa kanyang masama, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hinding hindi!" sabi ni Red.
"Red, walang mangyayari sa kanyang masama okay? Dun sa panaginip mo, did you see a place or what.. yung exact place hindi mo ba narecognize man lang? Wala bang familiar sayo?" Sam asked.
Bigla niyang naalala yung nakita niyang sign ng RET Street. Oo, yun yung nakita niya nga sa panaginip niya. Dun niya nakitang papatawid si Lou--
"NO... NO!!!" sabi lang ni Red tapos umalis na siya. Bumalik siya dun kung saan niya nakita yung Ret street na sign. Pakatraffic ng sobra.
Busina na nga siya ng busina ehh.
"Oh sh*t. No, it'll not happen. Hindi. Hindi." sabi nya sa sarili.
Sobrang hassle. Traffic na nga. Umulan pa ng napakalakas.
Di na siya nakatiis. Mula dun, iniwan niya lang yung sasakyan niya dun. At tinakbo niya na.
Basang basa na siya. At kung sinu sino na ang nababangga niya. Pero di niya na iyon pinapansin.
Mahaba haba rin yun. Mas mahaba pa kesa tinakbo niya sa Bay. Swear.
Hanggang sa..
may natanaw siyang babae sa kabilang kalsada. Naglalakad...
Naglalakad papunta dun.... dun sa pedestrian..
"Loureen?"
Hindi siya makatawid kasi sa way niya eh NAKA GO pa at ang mga sasakyan eh puro malalaking sasakyan.
"Loureen!!! Loureen!!! Loureen! Andito ako!!! Loureeeeen!!!"
Nakita niyang papatawid na ito sa pedestrian... nang naka GO pa ang mga sasakyan.
"Tsk. Loureeeeeenn!!!" halos napapaluha na siya sa sobrang kaba.
Di ko alam kung saan siya nakakuha ng strength para makatawid mula dun sa kinatatayuan niyaaa..
nang biglaaang...
*Peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeepppp!*
TO BE CONTINUED
*
ITUTULOY :P
Kabitin MUCH!
I gotta go =)) /IamMarshmallow
BINABASA MO ANG
RED S1 (Completed) S2 (On-Going)
VampirGenre: Vampire, Romance, Comedy, Mystery Dedicated to the people who love to read Vampire-Romance stories. This is a not a tragic nor melo-dramatic story. This is just another story which will make you fall in love with vampires even though they jus...