RED
LJ's POV
"Miss, silence please. Nasa library ka, ija." sabi ni Madam Librarian. Aww. Nasa library pala kasi ako. Humingi na lang ako ng pasensya. Bakit ba ang swerte swerte ko ngayon? Aissh.
*
THE NEXT DAY. The next day na kaagad dahil sa sobrang kahihiyan ang natanggap ko sa first day ko. Dahil una sa lahat, kasalanan ng RED OLIVER NA YAN. Pangalawa, kasalanan na naman nya. Pangatlo, kasalanan na naman nya. Hays, nanggagalaiti ako pag naalala ko yung pangalan niya.
De, joke lang. Pero isa sya talaga sa mga dahilan. Una, natulak ako nung babae dahil sa sobrang kagalakan nya nang dumating yang RED OLIVER na yan. Natarayan ko pa si Mr. President dahil din sa naBV ako dun sa kaninang pagtulak sa akin nung babae dahil kay Red Oliver. Nasita pa ako nung librarian dahil sumigaw pa ko. Hindi ko rin naman alam kasi na nasa library pala ko. Tapos wala pang prof na nagpakita sa klase namin.
*
Okay. Hanap hanap na ng room. ROOM EAST 305 Main Building, Habang umaakyat ako sa hagdan, nakita ko yung karatula na may arrow tas nakalagay to:
EAST
E301
E303
E305
E307
E309
Okay, malapit na ko. 15 steps nalang sa hagdan. Oo, bilang ko talaga.
"EXCUSE ME!" sabi nung lalaki na tumatakbo pababa ng hagdan tapos nasanggi nya ko tapos parang maa-out of balance ako dito tapos napapikit nalang ako.
"UY MISS!!" sabi nung nagsalita. Tas naramdaman ko yung hininga nya sa left ear ko pati yung arms nya sa waist ko.
DUG DUG DUG sabi ng heart ko.
"Okay ka lang Miss?" sabi nya ulet. Tapos ang awkward ng position namin, kaya lumayo ako sa kanya kaagad.
"Sorry, okay ka lang ba? Sorry talaga, hinahabol ko kasi yung oras ng practice sa basketball eh pero dahil sa nagawa ko, I'll do a favor for you. Hatid na kita. Mukhang bago ka lang at parang kailangan mo ng tulong." Sabi niya, sabay ngiti.
"Ahm. Oo, okay lang ako. Nabigla lang ako." Sabi ko. Napahawak na lang ako sa parehong pisngi ko. Grabe, nagugumilahanan ako sa lalaking to. Pakiramdam ko kilala ko siya.
"Hm, buti naman. By the way, I'm Jonas." He introduced herself.
"Ah, I'm Loureen Jane Mar---"
"Wait, san ka ba dapat pupunta?" Sabi niya agad. Hindi niya man lang ako pinatapos. Siguro hindi siya interesadong makilala ako. Sigh.
"Sa room NORTH 305." Sagot ko.
"Hala, naliligaw ka pala." Sabi niya. Napa "Ha?" na lang ako kasi dami ko na kayang stairs na naakyat.
"Anong HA? Tara na.." sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Habang naglalakad kami, nakatingin lang ako sa kanya. Iniisip ko talaga kung saan ko siya nakita o kung kilala ko ba tong lalaking to pero wala akong matandaan na ang pangalan e JONAS.
"We're here." Sabi nya. Pagkasabi nya nun parang bumalik nako sa sarili ko.
"WE'RE HERE?" ulit ko. Nabasa ko yung nakalagay sa door na N305. BA'T NORTH?! DIBA DAPAT EAST????
"O bat hindi kapa pumasok?" tanong nya.
"Eh hindi naman ako dito eh, East 305 dapat." Sabi ko.
"Hahaha. Tinanong kita kanina, sabi mo NORTH305." Natatawa niyang sabi.
SINABI KO BA TALAGA YON? Nako naman.
Nawala kasi ako sa sarili ko nun. Kasi para talagang nakita ko na sya. Iniisip isip ko talaga. Hindi ko lang talaga maalala. Pero syempre hindi na ko nagpahatid pabalik sa EAST305. Late na late na yun sa practice niya.
4 yung subjects ko for today at sa awa ni Lord, hindi naman nako naligaw nung hinahanap ko yung ibang rooms ko. Kelangan ko na ng beauty rest. PERO ALAM NIYO BA KUNG SAAN AKO UMUUWI?? Next time ko na sasabihin.
Anyway, kinabukasan na again. Well, ano pa bang inaasahan kong eksena? Aissh.
TO BE CONTINUED
*
Happy Weekend!
Eto UD. Itatry ko na every week may UD. Para di nakakabitin masyado.
Ang hirap pala maging college student -_-
Kaya nga dapat may inspiration to keep you going kahit walang boyfriend. MABUHAY ANG MGA SINGLE PERO MASAYA!
BINABASA MO ANG
RED S1 (Completed) S2 (On-Going)
VampirGenre: Vampire, Romance, Comedy, Mystery Dedicated to the people who love to read Vampire-Romance stories. This is a not a tragic nor melo-dramatic story. This is just another story which will make you fall in love with vampires even though they jus...