Chapter 32: Make up with her. (Updated)

7K 123 6
                                    

RED

3 days na ang nakakalipas simula noong kaganapan sa Tennis Court. Magkita man si Red at LJ, hindi naman sila nagpapansinan. At obvious ito sa lahat ng nakakakita.

Sa tennis court, tuloy parin ang pagpapractice ni Red. Halos dito na nga nauubos ang oras niya. Si Franz nasa gilid lang, binabantayan si Red in case na may mangyaring hindi maganda.

Ang mga masugid naman na tagahanga ni Red Oliver, e imbis na magsitilian, eh tahimik lang na pinapanood si Red. (Wow, himala!) 

Nag aalala kasi sila, lalo na't nakikita nilang nahihirapan si Red. Pano pa kaya si LJ e no?
Nanunuod siya mula sa malayo.

Maya maya pa'y...

"Hoy, Ikaw! RED OLIVER!" sabi niya.

Actually, lumapit siya. Nasa harapan na mismo siya ngayon ni Red.

Biglang tumahimik ang paligid, yung tipong ang maririnig mo lang e yung hangin.

Nag-aantay ang lahat sa sasabihin ni LJ.

"Hoy RED OLIVER! Alam ko, OO, Hindi dapat ako mangialam sayo dahil...

d-dahil hamak na secretarya mo lang ako. Pero Red Oliver, wag mong pilitin yung sarili mo. Wag kang umastang kaya mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya mo, magagawa mo. Pag di mo kaya, hindi mo kaya. Lalo na't hindi mo naman talaga kaya. WALA KA NAMANG DAPAT PATUNAYAN. Kahit ginagawa mo pa yan para sa ibang tao, tingin mo masisiyahan sila na nahihirapan ka? Bakit, ano ba ang gusto mong patunayan?

Tulad niyan, yang braso mo. Imbis na ipahinga mo yan, anong ginagawa mo? Tumingin ka nga sa paligid mo. OO, LAHAT YAN UMAASA SAYO pero..

LAHAT DIN YAN NAG AALALA sayo. Wala ka naman dapat patunayan sa kanila ehh. Diba? Diba?"

Tapos biglang may tumayo mula sa audience.

"Tama siya. AANHIN NAMIN yung trophy, yung award, yung pagkapanalo mo at pagkilala sa Aires kung eto ka, nahihirapan."  sabi nung isang babae.

"Sir Red, all these years, ginawa mo naman lahat eh. Lagi nalang ang Aires ang inaasikaso mo. Kaya nga nakilala ang Aires e. Pero ngayon, panahon na para SARILI mo naman yung pagtuunan mo ng pansin." -sabi nung lalaki.

Hanggang sa ang lahat ay nag agree. Pati si Franz.

Si Red parang medyo natatauhan na. Napapaisip siya.

Tapos tumalikod na si LJ at nagsimula ng maglakad.

Pero humarap siya uli kay Red.

"Hindi ikaw si SUPERMAN. Hindi ikaw si IRONMAN. At lalong hindi ka si HULK. 

Ikaw si RED OLIVER. Si RED OLIVER lang, Hmp!" dugtong ni LJ sabay irap kay Red.

Tapos umalis na siya. Pabalik na si LJ sa SC office nang may tumawag sa kanyang tatlong babae.

"Excuse me!" Girl 1

"Bakit?" tanong ni LJ.

"Hello! Member kami ng fansclub ni Red Oliver, at napanuod namin yung ginawa mo kanina." Girl 1

"Oo nga. Gusto namin sana mag thank you sayo! Kung hindi dahil sayo, hindi titigil si Red Oliver." Girl 2

"Ikaw yung napapabalitang girlfriend ni Red Oliver diba?" Girl 3

"Ha? H-hindi, Hindi." -LJ

"Pero sana ikaw nalang talaga ^___^ kesa dun kay ---" Girl 2

"Sssshh. Yang bunganga mo. Halika na nga." Girl 1

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon