A/N
Hello :)
Gawa -gawa ko lang po itong story na ito :)
sana magustuhan ninyo :)
"wala! Sanay na ko bes"
patawa kong sagot kay bff ng tanungin niya ako kung takot ba ako sa multo.
"minsan nga kinakausap ko sila"
dugtong ko.
"ay wag kang ganyan bes.baka sumagot"
patawa niya ring sinabi.
"eh di mabuti, nang hindi naman ako magmukhang tanga na nagsasalita ng mag isa" .
Hindi pala magandang biro ang biruan naming iy0n ni bff.
Me? Hindi lang ako basta tao. Nakakakita at nakakaramdam din ako ng mga bagay na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao . Nagsimula ito last 5 years ng mag agaw buhay ako ng mabundol ako ng jeep.
16years old ako ng nagcollege sa isang lumang unibersidad dito sa probinsya namin,
naging working student ako ng sch0ol at na assign sa guidance office. Summer palang n0on at kakaqualified ko palang bilang working student ay pina report na agad ako ni mam.guidance.
Isang hap0n n0on ng inutusan niya ak0ng maglinis sa counselling room at kunin ang mga files ng student mula ng 1970's hanggang 1980's dahil masyado na it0ng luma at dahil magpapasukan, madadagdagan na naman ng tambak2x na folder ng freshmen student.
"kn0ck!kn0ck! May multo ba dyan?"
kumatok ako sa pintuan ng counselling r0om na nasa l0ob din mismo ng guidance office. Lumabas si mam para bumili ng meryienda para sa aming dalawa.
Pagpasok ko palang ng counselling ay nakita ko kaagad ang 7ft na cabinet na malaki na nakadikit sa pader, hindi naman ako mahihirapan sa pagkuha ng files kasi may mga labels naman ng Year. Nagsimula na akong maglinis noon at hindi naman masyadong marumi.
"if only I Could be back in your arms again!!"
bumirit ako ng kanta, dahil sobrang tahimik ng mga oras na yun. Bigla namang bumagsak ang feather duster na napatong ko sa lamesa sa mga paa ko.
"sabi ko nga may kasama akong iba dito ehh"
mukhang ayaw ng kaluluwang ito ang maingay. Hindi siya nagpapakita pero nagpaparamdam siya. Hindi ko tuloy alam kung babae o lalaki siya.
Patuloy parin ako sa pagpunas sa ma-alikabok na mga folder Ng narinig ko ang pag galaw ng wooden chair sa likuran ko na naging resulta ng masakit sa pandinig na nagmumula sa sahig.
"naku multo! Style bulok"tumawa ako ng malakas at naramdaman kong tila may humampas sa akin sa ulo, folder pala iy0n na nahulog mula taas ng cabinet na may label year na 1985. May larawan at personal data sa loob nito. Ito ang finifill-upan ng mga freshman student sa guidance bago mag enroll. Matapos nito ay ipinatong ko ang folder sa lamesa pero ilang ulet ko tong pinulot at ipinapat0ng sa lamesa. Nahuhulog ito at tumatama sa likod ko.nakaramdam ako ng inis dahil nananakit ito at nang iistorbo.
"TANG-asdjf ka! Nakakasakit ka na. Magpakita ka"
hinam0n ko siya.
Bigla lumitaw ang babaeng nakaitim at may dug0ng tumutulo mula sa pulso niya. Tumatawa ito at nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa akin. Siya yung babae sa picture ng folder.
Ang tawa niya na nakakatakot at nakakatindig balahibo sobrang nakakikilabot . Napalun0k laway ako sa nakita ko dahil may dalawang maliit na umbok sa noo niya na tila patub0ng sungay."TERiTORYO KO TO. ANG TAPANG MONG MAGHAM0N! Umalis ka dito"
doble2x ang boses niya at nag eecho pa. Natulala ako at natigilan. Nilapitan niya ako at sinakal dahil d0on ay nawalan ako ng malay.
Nagising akong nasa sofa na ng guidance office at yakap2x ang folder ng mult0ng y0n. Ikwenento ni mam sa akin ng nakita niya ang laman ng folder. Sinaksak pala ng babaeng y0n ang pulso niya ng ballpen ng ipinatawag siya ng guidance n0on, running for summa cum laude siya pero napag alaman na nandadaya pala siya sa exams. Pinag usapan siya Sa sobrang hiya niya ay nagpakamatay siya. d0on mismo sa counselling r0om.
.Okay! Lessons learned. Hindi ko na sila kakausapin. Hindi kasi lahat GOOD Ghost. May nanakit at mas malakas na ghost kaya't nakakapagsalita. Kamp0n daw sila ng kadiliman.
THE E-N-D
VOTE / COMMENT :)
![](https://img.wattpad.com/cover/51364508-288-k356940.jpg)
BINABASA MO ANG
Compilation of OneShot Horror Stories
HorrorMahilig ka ba sa mga kwento ng katatakutan? kababalaghan? o naniniwala na maliban sa ating mga tao ay may iba pang naninirahan dito sa mundo? naniniwala ka din ba sa mga nilalang na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao lamang? mga nilalang na hi...