REPLIKSYON

161 5 0
                                    

A/N this is a true story. based on my own experience.. this was happened last September 01,2015 to be exact. so bali last month lang talaga.. and this was complete story.. yung na post ko sa FB ko kasi is Shortcut lang :) Hope you'll like it :)


-LadyVampirella


Agusto 30, the same year na confine ang aking mama sa hospital. mama ang tawag ko sa kanya kahit lola ko lamang siya..ikalawang gabi pa lamang namin noon sa hospital ng may nangyaring kakaiba.

isang ordinaryo na gabi noon sa hospital habang nagbabantay ako sa aking lola, bali 3 kaming nagbabantay, ang aking pamangkin at ang aking tita. habang mahimbing na ang tulog ng dalawa kong kasama ay tumabi ako sa aking MAMA(LOLA KO) at hinimas himas ang kanyang dibdib dahil sabi niya masakit ito. hindi siya mapakali at nag rereklamo na masakit ang kanyang dibdib at hindi daw siya maka hinga.. humiga ako habang hinimas himas ang kanyang dibdib at dahil doon ay nakatulog siya.

pasado 3am na at isa isa ng nagpaalam na matutulog ang mga katext ko. ako man ay napapapikit na din sa antok pero hinihimas ko pa din ang dibdib niya dahil may mga pagkakataong gumigising siya at napapa ngiwi sa sakit na nang gagaling daw sa dibdib niya...

nag aagaw na ang aking antok kaya't inilagay ko ang cellph0ne ko sa tabi ng mukha ko at nakita kong mahimbing na din ang tulog ni mama ganon din ang mga dalawang kasama ko.

napapikit na ako at ilang minute lang ay sa muling  inimulat ko  ng aking mga mata ay sakt0ng nakaharap ako sa cellph0ne ko at nakita ko ang repliksyon ng isang batang lalaking naka ngiti sa akin. to think ang cellph0ne ko ay nakalapag lamang sa kama at kisame lang dapat ang makikita sa repliksyon nito.

sa Female ward ang r0om ng aking lola at wala kaming kasamang batang lalaki that time. hindi siya basta repliksyon talaga, para siyang picture ng isang batang lalaking naka ngiti sa akin. hindi ko naman alam kung bakit may ganoong repliksyon. hindi ko alam kung ano yun o sino yun.

nanlaki ang aking mga mata pero tinitigan ko pa talaga ng ilang segundo at itinakip ko ang kamay ko sa cp ko, ipinataob ko. pero pinikit ko parin ang aking mata, PATAY MALISYA ako ehhh.. halos natutulog na ang lahat ng mga taong nandoon, nakakahiyang mag ingay kahit na natatakot at kinakabahan na talaga ako sa mga ganong mga oras. nagising ako sa reklamo ng aking mama, na mainit daw kaya't tumayo ako at doon umidlip sa kabilang side ng kama ng mama..



hanggang ngayon ay pala isipan parin sa akin kung sino yun? kung ano yun? at bakit may ganon? totoo din kaya ang sinasabi nilang tahanan din ng mga kaluluwa ang mga hospital?


ang tanong kaluluwa ba talaga iyon? O.o



END


A/N marami pa akong experience sa 17 days kong pagbabantay sa hospital :) hanggang ditto na lang muna:)


Compilation of OneShot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon