Palad ng Kamatayan : SUNDO

210 8 0
                                    

A/N : Magandang Gabi! Etong Kwentong Ito ay Gawa gawa ko lamang. likha lang ng malikot kong kaisipan. sana magustuhan niyo ang estorya ng kababalaghan tungkol sa SUNDO


Ginabi ng Uwi si Raine Dahil sa isang Group Study.

Malapit lang ang boarding House ni Raine sa School niya kaya't nilalakad niya na lang ito. tahimik niyang binabaybay ang magulo at maingay na kalsada pauwi.

"Traffic na naman" napayuko si Raine.

Tahimik lang siyang naglalakad at patingin tingin lang sa bawat madadaanan.sa hindi kalayuan ay nahagip ng kanyang mata ang taong naka itim lahat ang suot. inayos niya ang kanyang salamin at tinitigan pa ng mabuti ang taong naka itim lahat ang suot. malabo ang mga mata ni Raine. tinitigan niya pa at natigilan sa paglalakad, para kasing nakakatanga ang suot ng taong iyon, all black at naka hood pa. hindi niya makita ang mukha nito. napa ngisi pa siya dahil malayo pa ang undas para mag custome ng nakakakot.parang lalabas ang puso niya sa gulat ng Biglang may kung anong tumilapon sa kanyang harapan. isang katawan ng isang babae. matandang babae na duguan. mukhang na hit and run siya kasabay ang pagdaan ng isang Rumaragasang 10 wheeler truck kasunod ng malakas na tunog ng pagbangga nito sa mga nakahintong sasakyan dahil traffic mukhang nawalan ito ng preno. nanlaki ang mga mata niya ng makita ang sariling duguan na rin dahil sa talsik ng dugo sa kanyang mga damit at salamin. pinahiran niya ang kanyang salamin at itinago na lamang sa kanyang shoulder Bag, napa luhod siya at kinausap pa ang matanda.

"Lola! Lola! okay ka lang?" hinamplos nito ang pisngi ni Raine na sa mga sandaling iyon ay buhay pa.

walang sagot ang matanda pero may itinuturo ito sa tabi ni Raine.

"Ano ho yun?"

"ano ho yun?" paulit ulit na tanong Ni Raine.

Wala paring sagot ang matanda kundi ang tinuturo nito.

"Lola! ano ho yung itinuturo niyo? wala naman akong katabi ah?" pagtatakang tanong ni Raine. Maraming Tao na nga ang lumapit sa matanda at naki usyoso. may lumapit na ring mga pulis at tumawag ng ambulansya. sa kalagayan ng matanda eh mukhang hindi na ito mabubuhay.

"ano ho yun? huwag kayong mag alala! padating na po ang ambulansya"

may itinuturo talaga ang matandang babae kay Raine.

ikinagulat ni Raine ng Biglang Hinaplos ng Matanda ang kanyang noo papunta sa kanyang mga mata.napa atras si Raine Dahil sa dugong dumikit sa kanya.

binigyan siya ng Tissue ng Policewoman at ipinahid ito sa kanyang mukha. nang matapos siyang magpunas ay agad niyang tinignan ang matanda.

naka pikit na ang matanda at mukhang wala na itong Buhay. naririnig na ang tunog ng ambulansya na papalapit na.

nakita niya ulit na umangat ang kamay ng matanda at itinuro ulit ang espasyong katabi ni Raine.

"ano ho lola? wala nga akong katabi?" sabay tingin sa tabi niya na noo'y napatingala ng makakita ng isang Telang Itim na nakasayad sa Lupa.

"Huwaaahhhh!" Napasigaw ng Makita niya ang nilalang ng makatingala na siya.

parang lalabas ang kanyang Puso ng makakita ng isang lalaking naka ngisi sa kanya. namumula ang mga mata, naka all Black na naka hood pa at may Sungay ito.

napalingon si Raine sa matandang Babae habang Binubuhat ng mga medic papasok sa ambulansya. ikinagulat din ng mga tao ang pag sigaw ni Raine. Maraming Tao na ang Nandoon dahil sa malaking Trahedyang Naganap. ang na hit and Run na si Lola at ang Pagkarambola ng mga sasakyan sa pagkaka banga ng rumaragasang 10 wheeler Truck..marami ang namatay.

Compilation of OneShot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon