Mahilig ka ba sa mga kwento ng katatakutan? kababalaghan? o naniniwala na maliban sa ating mga tao ay may iba pang naninirahan dito sa mundo? naniniwala ka din ba sa mga nilalang na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao lamang? mga nilalang na hi...
Isang malakas na sigaw ng babae ang narinig ko. matinis at para bang ginigilitan siya ng leeg. Sigurado akong nagmumula ang malakas na sigaw sa isang lumang bahay na nasa harapan ko.
Alas otso na ng gabi at pauwi na ako sa bago naming tirahan na natatanaw ko na ang gate mula dito,
kakalipat lang namin kahapon.
Sumilip ako sa gate ng lumang bahay, iginala ko ang aking mata. Madilim ang paligid, walang ilaw at mukhang walang tao. Walang kabuhay buhay ang hardin, lanta na ang mga bulaklak at hindi nililinisan ang bakuran. Kabundok na rin ang tuyong dahon ng punong mangga. Natungo ang aking mata sa terrace sa ikalawang palapag at naka bukas ng bahagya ang bintana, para kasing may nakatingin at naka dunggaw sa ibaba.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ikinagulat ko ang biglang pagka hulog ng karatula sa paa ko.
"HOUSE FOR SALE"
binasa ko pa at sumilip ulit.
"interesado ka ba tisay? Huwag. Haunted house yan"
biglang may humawak sa balikat ko, isang matandang lalaking gusgusin kaya't napa atras ako.
"Naku naman tatang, tinakot niyo ko!"
"Sandali lang po parang may barya pa ako dito"
sabay sabit ng karatula sa gate.
"huwag kang magpapagabi sa daan, maraming masasamang loob ang nakakalat sa lugar na to"
nagsalita ulit ang matandang lalaki at ayaw tanggapin ang ibinibigay kong bente pesos.
"Hooy! Andito ka na naman? Miss huwag kang maniwala dyan. Baliw yan"
sigaw ng lalaking hindi kalayuan sa amin.
isang grupo ng kalalakihan na Nag iinuman sa labas ng gate.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng matapat ako sa grupo nila ay napansin ko kaagad ang lalaking sumigaw kanina, napaling0n ako at ngumiti sa kanya ng makita kong nginitian niya ako. Nasa tapat na pala ako ng gate namin.
~pagkalipas ng isang linggo
Alas dyes na ng gabi pero lumabas pa ako ng bahay para maghanap ng tindahan dahil naubusan ako ng load. Nag iinuman na naman ang grupo ng mga kalakihan na nakita ko noong isang linggo. Tumayo ang lalaking nginitian ko ng makita niyang papalapit ako sa kanila.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.