Bawat Espasyo daw may multo?

344 13 0
                                    

"Bawat Espasyo daw may multo?"

A/N

Base ito sa totoong nangyari noong 2013 pero exaggerated ang pagka kwento ko, may dagdag na at bawas! :D :D pati ang mga pangalan ay iniba ko na rin..

HAHAH! pasensya na! kailangang itago ang pagkatao eh ^_^


..galing kami noon sa bahay ng tropa namin. 

Malayo ang bahay nila sa kalsada kaya't kailangan pa naming maglakad para makalabas. madadaanan pa namin ang parteng wala nang mga bahay maliban sa mga puno at matataas na ligaw na halaman.

 madadaanan pa namin ang parteng wala nang mga bahay maliban sa mga puno at matataas na ligaw na halaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


minsan ka lang swewertehen na makakasakay ng tricycle dahil minsan lang daw kung magawi d0on. Kaya't karamihan sa mga tao ay may kanya kanyang service. Alas Syete ng gabi ng mag umpisa kaming maglakad na pito . hindi masyad0ng nakakatakot kasi marami kami. Halos 4km ang lalakarin namin bago makalabas sa lugar na iyon kaya't naisipan kong magpatugtug ng music gamit ang cp ko.

"hindi mo lang alam dahil sayo ako'y di makakain, di rin makatulog buhat ng akoy iyong lokohin kung ako'y muling iibig sana'y hindi maging katulad mo tulad mo na may pusong bato"

sa chorus ng kantang y0n ay napakanta kaming lahat at hindi naming namalayan na maingay na pala kami habang naglalakad.

"ssHHhhhh" 

may kung an0ng bumulong sa tenga ko kasabay ng nakakapangilabot na ihip ng hangin. Naramdaman kong nagsi-tayuan ang mga balahibo ko sa batok kaya't hinamas himas ko ito at napaling0n ako bigla sa kanang bahagi ko para kasi akong inuutusan na tumingin dun sa isang espasyong mga  ligaw na halaman ang naroon. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Huminto ako sa paglalakad.


"ano yun lai? Naramdaman mo rin ba?"


tan0ng ni mitch at napaling0n ako sa kanya na huminto din sa paglalakad.


Compilation of OneShot Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon