Chapter 13

9 0 0
                                    

PAULA'S P.O.V.

Saturday, 10:15 a.m.

Nakahiga pa rin ako sa kama ko, nakatitig sa tissue paper na ipinabigay daw sa'kin ng dalawang lalaki. M & E. Silang dalawa lang naman eh. Sila Mark at Ethan lang ang nakakaalam na favorite ko yung chocolate waffle. Bukod kila Carla at JM, silang dalawa lang.

Kung tama man hinala ko, bakit hindi na lang nila ako nilapitan? Miss ko na rin silang dalawa.

Bago pa dumating sa village namin ang family ni Carla at bago pa man ipanganak si JM, kaibigan ko na si Mark. Siya yung kauna-unahang best friend ko. Ayaw sa'kin ng stepmother nila noon pero humahanap pa rin si Mark ng paraan para lang makapaglaro kami.

Wait a sec... Mark... Mark! Si Mark sa school! What if they're the same person? Shhhht. I need to talk to him. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Kaya pala parang kilalang kilala niya ako kung makipag-usap siya sa'kin.

Nae-excite akoooo!!!

*DINGDONG*

Ay! May tao pala. "Coming!"

DEXTER'S P.O.V.

Bakit ba ang tagal nitong babaeng 'to? Kanina pa ako doorbell ng doorbell. -_-

Pagkabukas niya ng pinto..

"Uy Dex! Ikaw pala!"

"Ay hindi. Hindi ako 'to. Kamukha ko lang. Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako rito." Angal ko.

"Sorry!! 'Di ko naririnig. Sorry. Pasok ka." She invited. "Nakalabas ka na pala ng ospital. 'Di mo man lang ako sinabihan."

"Oo ng pala. Sorry. Hihi."

"Bakit ka nga pala napadalaw? Bukod sa pancakes ano pa pakay mo? Hahaha!"

"Wala lang. Namiss ko lang yung ate kong maganda." Sabay wink sa kanya.

"Hay nako, napakabolero mo kahit kailan. Tigil tigilan mo nga! Hahaha!"

"Ayaw pa?"

"Ewan ko sa'yo!" Hahaha. Ang cute niya talaga.

"Choosy ka pa eh. Hahaha! Gusto mo rin naman."

"Che! Manahimik ka."

"Sungit naman nito. Tara ice cream tayo, para lumamig naman 'yang ulo mo. Hahaha!"

"Libre mo?" Aba ayos rin 'tong ate ko ah.

Hindi ako sumasagot sa tanong niya.

"Sige naaaa. Minsan na lang eh. Pretty please? With cherries on top?" Ayan na naman 'yung puppy dog eyes. Kainis naman eh! Hahaha!

"Sige na nga."

"Yaaaaay! Magbibihis lang ako!" Then pumasok na siya sa room niya and did what she said.

Pagkalabas niya, napatitig ako kasi ang cool ng outfit niya. Ripped jeans, loose shirt pero sakto lang sa kanya 'yung pagkaluwag, tapos siyempre Vans! Mawawala ba 'yon? Hahaha!

"Tara na?" Pag-aaya niya.

"Leggo!"

"We're going to use my car."

"Lagi naman eh."

"Para safe." Ano pa ba magagawa ko? Hahahaha.

PAULA'S P.O.V.

Pagkadating namin sa ice cream house, umorder agad kami ng tig-dalawang scoops.

"Tara lakad lakad muna tayo." Sabi ko.

"Okay." He smiled.

"Picture-an mo ako mamaya. Ia-upload ko mamaya sa Instagram. Hahaha!"

"Whuuuut? No!" Ay? Ang arte.

"Dali naaa. Tapos kukunan din kita ng picture." Mukhang napaisip siya sa sinabi ko. Hahaha!

"Okay. Basta 'yung magandang kuha ah?"

"Suuuure! Ako pa." I winked.

**********

After ng pictorial namin, naupo kami sa isang bench. Ang dami rin pala naming pictures. Hahaha!

He started the conversation while I was browsing our pictures, "Ate, ano palang napag-usapan niyo ni kuya that night sa hospital garden?"

Napahinto ako sa tanong niya at napatingin somewhere to avoid eye contact with him, "Wala naman. Nag-aalala lang siya ng sobra sa'yo." Tumingin ako ng masama sa kanya sabay suntok sa kanya sa braso.

"Aray! Bakit na naman?" Angal niya habang hinihimas niya yung braso niya.

"Pasaway ka kasi! Kung hindi ka lang naaksidente, hindi sana ganito." Napayuko ako sa lungkot nang maalala ko ang sitwasyon ni Dexter.

"Ganito? Bakit ano bang meron?" Napatingin ako sa mga mata niya. I can see the sadness in his eyes.

Hindi pa nga pala niya alam. Oras na ba para sabihin ko sa kanya? Walang umiiwas ng tingin sa'ming dalawa. It's as if we're reading each other's minds.

No. Hindi ko pa dapat sabihin sa kanya. Kailangan ko ang permission ni Eric.

"Ayun nga. Yung pagkakaaksidente mo nga. Nag-aalala masyado sa'yo kuya mo. Mag-iingat ka na kasi. Kahit ako nag-aalala sa'yo. Alam mong masakit sa heart kapag may nangyaring masama sa'yo. Kaya next time, be careful na ha?" Alam kong kita niya sa mga mata ko yung lungkot na nararamdaman ko kahit nakangiti ako dahil napayuko na lang siya sa sinabi ko.

"Sorry ate. Hindi ko naman sinasadya na saktan kayo eh. Sorry kung dagdag alalahanin pa ako. Promise! Mag-iingat na talaga ako." He extended his pinky finger to me while the other four were closed.

"Alam na alam mo talaga kung sa anong klaseng pangako talaga ako maniniwala eh 'no?" Napangiti ako sa ginawa niya. "Pinky promise," I said, as I stretched my pinky finger towards his and crossed.

"Pinky promise." He smiled back.

**********

"Sige ate, uuwi na ako. Gagawa na ako ng mga assignments ko."

Kakarating lang namin sa parking lot ng building na tinitirahan ko.

"Okay. Mag-iingat ha? Wear your helmet para safe." Utos ko habang huma-hug at bumebeso sa kanya.

"Yes ate. Salamat sa pagsama sa'kin today."

"Sure. Malakas ka sa'kin eh. Haha! Bye!" Kumaway ako habang naglalakad siya patalikod.

"Haha! Bye!" He waved back, walked towards his bike, waved one last time, and drove off.

I came back to my unit and found someone on my doorstep. He was sitting and seemed to be waiting for me.

Nilapitan ko siya.

"Uhm, excuse me." I smiled at him. Napatingin siya sa mga mata ko.

Oh. My. God. Totoo ba 'to? Yung mga matang 'yon. Kilalang kilala ko 'yon.

"E- Ethan?!"

Tumayo agad siya. Nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magtatatalon sa tuwa. Parang sasabog yung puso ko sa sobrang saya ko.

"Finally found you.."

A/N: SHEEEEMS! SORRY ANG TAGAL KO NA NAMAN BAGO MAG-UPDATE. I'm sorry I kept you waiting. Hope you enjoy this chapter! Happy reading, loves!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Exes are Still InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon