Chapter 6

36 3 3
                                    

PART TWO OF CHAPTER 6

ERIC'S P.O.V. 

"May makulit kasing babaeng gusto akong kaibiganin. Bigla na lang niya akong hinila para kumain. Eh ayoko naman." sagot ko.

"Tss. Ano naman?! Nakikipagkaibigan lang naman pala eh."

"Kung ikaw kaya ang makakilala ng ganung babae?! Ang weird kaya. Isa pa, napaka-chismosa niya."

 "Bakit naman? Ano naman ang chika na gusto niyang malaman?"

"Kasi.. Wala, magpahinga ka na muna."

"Okay." kumain ako ng cake na dala ni Pau at Justin kanina.

"Binalaan ko kanina si Justin tungkol kay Ate." sabi ni Dex.

"Bakit mo naman ginawa yun?! Ano ka ba naman Dex?! Pwede h'wag mo kaming pakialaman! Hindi mo kailangang gawin yun! Hindi mo na dapat ginawa yun!"

"Ayoko lang naman kasi na maagaw siya sa'yo ng iba eh. Siya ang gusto ko para sa'yo at ikaw ang gusto ko para sa kanya." pangangatwiran niya.

"Kahit na! Hindi mo dapat panghimasukan kung anong nangyayari sa'min o sa kanila! H'wag mo nang uulitin yun ah?! Ayokong maulit yun! Naiintindihan mo?"

"Oo, kuya." malungkot na sagot niya.

Nakaka-guilty na pagalitan mo ang kapatid mong nasa ospital. Pero MALI ang ginawa niya. Kung ako nga hindi ko pinalalayo si Justin kay Pau eh? Haaaay. Ano ba kasing pumasok sa isip nitong batang toh?

After 3 days...

PAULA'S P.O.V.

"Tine! Teka lang!" tawag ko sa kaibigan ko.

"Oh, bakit?"

"Sabay na tayo umuwi? Hatid na lang kita."

"Sige. Wala ba yung sundo mo? Ayiiiie."

"Baliw! Magkaibigan lang kami. Isa pa, binisita namin yung kinakapatid ko sa ospital kaya niya ako dinaanan dito."

"Sus. Ayy, oo nga pala. Kamusta na si Dexter?"

"Ayun, nakalabas na siya ng ospital kahapon. Pero bukas pa siya pwedeng pumasok."

"Ah, buti naman. Eh si Eric? Kamusta kayong dalawa?"

"Huling pag-uusap namin ay yung naaksidente si Dexter. Kumain kami sa isang convenience store, tapos sinubukan niyang simulan yung topic tungkol sa'min pero sabi ko mas gusto ko munang intindihin yung kinakapatid ko."

"Oh, tapos?" nilapit niya ang mukha niya sa'kin at lumayo naman ako.

"Sabi niya nasasaktan daw siya kapag nasasaktan ako at ayaw niya daw na nakikita akong nahihirapan."

"AWTSUUU! Ang sweet naman!"

"Anong sweet dun?! Kung talagang ganun ang nararamdaman niya, hindi niya dapat ako iniwan."

"Tama nga naman! Loko yun ah?!"

"See. Hmm, nagugutom ako. Kain muna tayo?"

"Sige lang, saan mo ba gusto?"

"Mall tayo??"

"Sige ba. Ang tagal ko na ding hindi nakakapunta ng mall eh. Alam mo na, busy-busyhan. HAHAHA!"

"Yan tayo ehh! HAHAHA, ayy ikaw lang pala."

"Wow ah?! Palibhasa kasi busy ka talaga. Busy sa Eric mo!"

The Exes are Still InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon