Chapter 9

32 1 0
                                    

A/N: OH MY GEEE GUYS! I'm so sorry for this SUPER DUPER SAGAD TO THE BONES LATE UPDATE. Sorry kung pinaghintay ko kayo. :( Pero sana hindi kayo mag-sawa :) LOVE LOTS :* Enjoy. ^_^

PAULA'S P.O.V.

"Hi." gising na si Dex.

"Hi." I smiled.

"Gaano ako katagal na tulog?"

"Almost 12 hours na, dear. O, teka. H'wag ka munang bumangon."

"Nakakamanhid ng likod. Kailangan kong gumalaw."

"Okay, upo ka lang. H'wag ka munang tumayo. Ano gusto mong breakfast?"

"Umaga pa lang pala?"

"Correction: Umaga NA. You've been asleep since yesterday."

"Alam ko. Kesa naman nung naaksidente ako diba?"

"Fine. Anong gusto mong agahan?"

"Pancakes."

"Sabi ko na eh. Here."

"YUUUN! The best ka talaga!"

"Naisip kong yan ang gusto mo. LAGI naman eh."

"Hahaha. Salamat! I love you ate kong maganda!"

"Asuuus. BOLERO! Kumain ka na nga lang diyan."

DEXTER'S P.O.V.

Habang nakain ako, may napansin akong phone sa side table. Hindi siya familiar. I grabbed it.

"Ate, bago pala phone mo?" Tinitingnan ko yung buong phone.

"Ha?! Hindi ah??"

"Eh kanino 'to?" Nang mahanap ko ang lock, binuksan ko.

"Hindi ko alam. Hindi ba yan sa kuya mo?"

Ang daming messages at missed calls. Binuksan ko, baka kay kuya at baka emergency yung calls at texts. Pero nung tiningnan ko yung missed calls, unang-unang lumabas ang pangalan na 'Eubie'. Medyo pamilyar.

Eubie?? Sino 'to?? Sunod kong binuksan yung messages. Binasa ko yung isang text.

From: Eubie

Carla! Nasaan ka ba?! Nag-aalala na ako sa'yo. Sagutin mo naman mga tawag ko. Bakit hindi ka pumasok? Okay ka lang ba? Andito ako sa bahay niyo ngayon. Nag-aalala na kami ng kapatid mo.

Now I know kung sino 'tong Eubie at alam ko na din kung kanino 'tong phone.

"Ate, hindi 'to kay kuya. Kay Carla 'to."

"Ganun ba? Akin na, ibabalik ko."

"N-No. Uhm, a-ako na lang ang magbibigay."

"Hindi pwede. Hindi muna kita papayagang makipagkita kay Carla ngayon. Ayokong maulit kung anong nangyari kahapon."

"Ano bang nangyari? Hindi ko na maalala."

"Na-stress ka masiyado sa pagtatalo niyo at nakasama yun sa'yo."

"Bakit? High blood ba ako?"

"Tuleg! Hindi noh! Ang bata bata mo pa eh."

"Eh bakit ako na-stress?"

"Naalala mo nung naaksidente ka? Ang sama ng pagkakabagok ng ulo mo kaya ayan."

"Ah. Pero ate, hindi nanaman mauulit yung nangyari kahapon eh."

"H'wag kang pasaway! Hindi tayo sigurado. Magpalamig muna kayo ni Carla ng ulo. Saka isa pa, bigyan mo din siya ng time pati na rin yung sarili mo. Napakakulit mo."

The Exes are Still InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon