Chapter 6

22 1 0
                                    

CHAPTER 6

PAULA'S P.O.V.

Two days na si Dexter sa ospital. Pero nagkamalay na siya, kagabi lang. Kahit papaano hindi na ako mai-stress sa pag-aalala. Andito ako sa school ngayon. Kinailangan ko nang pumasok kasi um-absent ako nung mga panahong hindi pa nagigising si Dex.

"You're dismissed." sabi ng prof namin. Just to let you know, I'm already in 1st year of college pati si Eric. Si Carla at Dex naman, 3rd year high school students. Si Justin naman, 4th year high. At ang napag-iiwanang si JM ay Grade 7 pa lang.

Papalabas na ako sa building namin nang sinalubong ako ng high school classmate at close friend kong si Christine Bradbury or Tine for short, "Pau, may naghihintay sa'yo sa tapat ng gate. Hinanap ka sa'min kanina. Boyfriend mo ba yun?! Ikaw haaa. Hindi ka man lang nagsasabi sa'kin. Nakakatampo naman."

"Sira! Wala akong boyfriend ngayon. Igaya mo ako sa ibang tao diyan na ang sabi hindi daw muna siya la-lovelife tapos binalitaan na lang ako na nagkabalikan na sila ng ex niya. Mas nakakatampo naman yun!" Natawa lang siya at bahagya akong hinampas sa braso. Kinikilig kasi. Haay nako.

"HENUBEEEEY!" Aba naman talaga. Natawa na lang din ako sa taglay niyang kawirduhan. "Sasabay ka ba sa'kin pauwi? ... Ay hindi na nga pala kasi may sundo ka." She winked and sent me a grin.

"The fuuuudgeee??! Baliw ka talaga. Teka, ano bang pangalan nung naghihintay sa'kin sa labas?"

"Nalimutan ko na Par! Basta 'J' nag-uumpisa ang name niya. Sige na, ciao!"

J?? Si Jomari?! Hindi naman niya alam kung paano magpunta dito sa school ko eh. Isa pa, takot siyang mag-commute.

"Pau!" hindi ko gaanong makita yung mukha nung guy. Pero alam kong hindi si JM yun.

Paglapit ko, "Justin?! Anong ginagawa mo dito?? Paano mo nalamang dito ang school ko?! Bukod sa akin, sina Carla at Dex lang naman ang nakakaalam."

"H'wag mo nang intindihin. Ano, bibisita ako kay Dex. Sama ka?"

"Sige ba. Na-miss mo agad siya? HAHAHA!"

"Oo eh, alam mo namang mahal na mahal ko yun. Ermagherd!" 

"BALIW! HAHAHAHA!" ang sarap tumawa nang ganito. Ngayon lang ulit 'toh.

"May sasakyan ka? Ah, eh. Hehe. Nag-commute lang ako eh." Grabe! Nag-commute lang siya?!

"Oo." I smiled.

"Ako mag-drive?" he smiled back.

"Okay. Tara."

**********

"Croo croo.." 

"Huh??" kwago lang? HAHA!

"Ang ingay naman kasi nating dalawa. HAHAHA!"

"Hahaha. Sige tanungan tayo? Ako muna. Tapos ikaw, salitan lang."

"Game!"

"Masaya ka ba sa buhay mo?" I started.

"Hindi pa hangga't hindi ka pa akin."

Napatameme ako. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at napatingin sa kanya. He's serious. Hindi ko alam ang i-re-react ko. Diretso lamg ang tingin niya sa kalsada.

"My turn." sabi niya after a moment of silence. "Ikaw, masaya ka ba sa buhay mo?"

"Uh, ha?" masaya nga ba ako?! Masaya ba ako sa sitwasyon namin, namin ni Eric? Ano nga bang dapat na sagot?? Hindi ko alam. Hindi ako malungkot but I can't even say na masaya ako.

The Exes are Still InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon