Chapter 10

31 2 4
                                    

CHAPTER TEN

MARK'S P.O.V.

Hay nako. Ang hirap namang magpanggap. -_- Hindi na talaga niya ako naaalala. Ang sakit isipin na may ibang mahal yung mahal mo.

Hi, ako nga pala si Mark. Mark Flores. ^_^ Kababata ko si Pau. Hindi lang kami pala basta magkababata kundi mag-best friends. Kaso, umalis kami ng bansa dahil kinuha kami ni Papa. Ang sabi niya, dun na lang daw kami sa Canada mag-aral. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay Pau kasi biglaan yung pag-alis namin. Hindi planado lahat. Sinabi lang sa amin ni Tita Ann. Hindi man lang nila kami tinanong ng kapatid ko. Basta isinama na lang kami. Sa lahat ng kaibigan ko, si Pau lang ang pinagkakatiwalaan ko. Siya lang rin ang lagi kong kasama. Kaso, sina Papa at Tita Ann, ayaw sa kanya. Si Tita Ann, hindi ko talaga siya Tita. Step mom ko siya. Ayaw ko sa kanya kasi siya ang dahilan ng pagkawala ni Mama. Nung mga panahong buhay pa si Mama, masaya kaming lahat. Kaso nung malaman ni Mama na may kabit si Papa, nilayasan niya ito. Hindi niya kami isinama. Ang sabi niya lang sa amin ni Ethan, ang kapatid ko, ay babalikan niya kami kapag kaya na niya kaming buhayin. Naghintay kami ng ilang buwan ni Ethan. Hanggang sa isang araw ay may bumulagang balita sa amin na patay na daw si Mama. Ang sabi ni Papa sa amin, naaksidente daw siya. Pinaniwalaan ko yun ng ilang taon. Pero nang dumating sa buhay namin si Tita Ann, sinabi niyang iniwan daw kami ni Mama. Nagpakamatay daw si Mama kasi hindi na daw niya kami mahal at ayaw niya na daw sa'min. Nagalit ako sa mga sinabi niya kasi hindi ako naniniwala sa kanya at sa sobrang galit ko sa kanya at sa mga pinagsasabi niya, hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin siya sa mukha. Nagsumbong siya kay Papa at ang nakarating na kwento kay Papa ay gusto lang naman daw akong kalaruin ni Tita Ann pero ayaw ko daw at nainis daw ako sa kanya kaya ko siya sinapak. At dahil hindi nakikinig si Papa sa kwento ko, na-grounded ako ng dalawang buwan. Pero hindi ako napigilan ng pag-kulong niya sa'kin sa bahay. Tumakas ako para puntahan si Pau dahil siya lang naman ang nakikinig sa'kin. Nang mahuli ako sa bahay nila Pau ng Tita ko, kinuha niya ako at ikinulog sa kwarto ko. Ini-lock niya mula sa labas ang pinto ng kwarto ko. Kahit ang mismong kapatid ko, hindi makapasok sa kwarto ko. Kaya kapag may pinagkakaabalahan si Tita Ann, nagsusulatan kami ng kapatid ko. Inilulusot niya sa ilalim ng pinto yung sulat. Ikinukwento niya sa'kin ang mga sinasabi ni Pau na kung gaano ako ka-miss nito. Namimiss ko din siya nun. Siya lang yung lagi kong iniisip, kung anong ginagawa niya, kung kumain na ba siya o kung naiisip niya din ba ako. At dahil sa sulatan naming magkapatid, naisip ni Ethan na sulatan ko daw si Pau para hindi na siya malungkot at para malaman niyang okay lang ako. Ginawa ko ang ideya na yun pero hindi rin nagtagal kasi nahuli ulit kami ni Tita. Balak sana niyang saktan ang kapatid ko nung binuksan niya ang kwarto ko para ikulong din ito. Pero pinigilan ko siya, sinaktan ko din siya. Simula nun, sabi sa'kin ng kapatid ko, pinilit na daw ni Tita Ann si Papa na kunin kami. Hindi na ako kailanman nakalapit pa kay Pau.

Si Pau, sa buong buhay ko, kahit malayo na ako sa kanya, hindi siya nawala kailanman sa isip ko. Kaso mukhang nakalimutan niya na ako. Ang masaklap pa, nakausap ko pa yung mahal niya na mahal pa siya kahit wala na sila. Basta kung saan siya masaya, okay na ako dun. Diba? Kapag mahal mo talaga ang isang tao, matuto kang magparaya. :)

Dito din ako sa school ni Pau nag-aaral. Medyo stalker lang? Haha ^_^  Hindi ko siya makita. Asan kaya yung babaeng yun? 

Bakit kaya ang daming nagkukumpulan dun? Bihira ito mangyari except na lang kapag may bumangga sa war freak ng school.

"Uhm, excuse me. Anong meron?" pagtatanong ko sa isang student na nakain mag-isa sa table niya.

"As usual, may inaaway si Andrea." Sagot niya.

Si Andrea, siya ang war freak dito sa school namin. Ayaw ko talaga dun sa babaeng yun. Nakakaasar siya. Sino nanaman kayang kaaway nun ngayon?

"Uh, excuse- Excuse me- Paraan" Nakarating na ako sa pwestong nakikita ko si Andrea at si- PAU?!

The Exes are Still InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon