Chapter 4

25 1 3
                                    

Chapter 4

PAULA'S P.O.V.

Nakakaasar naman! TT^TT Kailan pa na-flat ang gulong ng kotse ko? Kanina naman hindi. Ayoko mag-commute. -___- HAAAY.

*RINGRING*

"Hello Ate?"

"Dexter, uwian niyo na ba?"

"Hindi pa eh. Bakit?"

"Kasi flat yung gulong ng kotse ko. Papasundo sana ako sa'yo eh."

"Nako. Maya pang 4 uwi ko eh." time check, 2:56 pa lang. Awtsuu! -_- "Hindi bale ate, maghintay ka lang diyan. Punta ka sa may 7 Eleven. Bye!"

"Teka-" binaba niya na. 7 Eleven? Tama ba? Paanong paraan naman gagawin nun? Mag-ka-cut? Nako! Patay sa'kin yun.

DEXTER'S P.O.V.

Kuya, pls pick Ate up at 7 Eleven. Now na. I'm still at school. No buts & dn't keep her waitin'. Thnks. - Dex

No response? Hmm. Susunduin niya yun for sure. Ang galing ko talaga.

PAULA'S P.O.V.

Andito na ako sa 7 Eleven. May parang nag-poke sa tagiliran ko. I gasped at muntik nang mapatili. "H'wag kang kikilos. Hold up toh." bulong sa'kin nung lalaking may hawak sa kutsilyong nakatutok sa'kin. Kapag nga naman minamalas ka oh. -_- Ibinigay ko yung bag ko. Then lumakad siya na parang walang nangyari.

"TULONG! MAGNANAKAW! TULONG!" tumakbo yung lalaki. May dumaan sa harap ko na sobrang bilis. Parang hangin. Hinabol niya yung lalaki. Sasaksakin dapat siya pero nailagan niya. Sinipa niya pero mabilis yung magnanakaw kaya nasugatan siya. OH MY GEE! Kawawa siya. Pero nung sasaksakin siya ulit, nahawakan niya ito sa braso at ipinilipit hanggang sa mabitawan nito ang kutsilyo at pagkatapos ay binanatan ng isang suntok at nakatulog yung holdaper. YEHEY! ANG GALING! WOOOOH! IDOL!

Tumakbo ako papalapit sa kanya para magpasalamat, "Ang galing galing mo naman. Thank you ah?" nakatalikod siya. Familiar yung buhok niya. "Uhm, yung sugat mo! OKAY KA LANG BA?! Halika dadalhin kita sa ospi-"

"Sa susunod, sa loob ka na lang ng store maghintay." Yung boses na yun. o_o Yun yung boses ni.. Lumingon siya at inabot sa'kin yung bag ko.

"E-Eric?!" napanganga ako't nagkatinginan kami sa mata ng ilang segundo. Nararamdaman ko na nagtutubig na ang mga mata ko at nanganganib na tumulo ang mga luha mula sa mga ito. T-Tinulungan niya ako?

"H'wag kang iiyak. Okay na. Napatumba ko na siya at ayan na ang bag mo. Halika na't ihahatid pa kita sa unit mo." ngumiti siya ng bahagya at lumakad papunta sa kotse niya ng iika-ika. Sumunod ako at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

**********

Andito kami sa ospital ngayon. Ginagamot siya nung doktor habang nakikinig ako sa mga bilin na nanggaling kay dok na sinasabi ng nurse. Pagkatapos, nagbayad na kami at ihinatid na niya ako.

"Pasensya na kung naabala ka pa. Tapos napahamak ka pa." sabi ko.

"Don't mind it." malamig ang boses niya.

"'Don't mind it'?! Hindi naman pwede yun. Kasalanan ko kung bakit nangyari sa'yo yan."

"Hindi mo kasalanan, okay?"

"I'm just wor-"

"Hindi na tayo kagaya ng dati Pau. Kaya h'wag mo akong intindihin."

"Pero kanina nung hinoldap ako tumulong ka. Ngayong nag-aalalaako sa'yo, bawal?!"

The Exes are Still InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon