xxx
CHAPTER TWO: "The Worst Day"
Kevin's POV
Maganda na sana ang umaga ko kasi iniisip kong makikita ko na siya ulit.
tss Hindi ko pa nga naipa-park ang sasakyan ko nakita ko agad si Mark na puro pasa ang mukha, di pa pala ito natuluyan. Masamang damo talaga ang g*go.
Pagbaba ko ng sasakyan ko bigla siyang napatingin sa'kin at ngumisi, mukhang inabangan niya talaga ako dito kaya hindi naman na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya.
"Akala ko napatay na kita kagabi eh" ako naman ang ngumisi sa kanya at naging dahilan ng pag-igting ng panga niya, halatang galit na galit ang itsura nya ngayon. hahaha!
"Gagawin ko kung anong gusto ko Kevin, walang makakapigil sa'kin lalo ka na!" sigaw niya.
'yon ay kakayanin mo! halos di na nga siya makalakad ng ayos at ang lakas pang abangan ako dito ng mag-isa lang siya, Hindi niya alam kung anong kaya kong gawin sa kanya. Right here, right now tss
ngumisi pa ako lalo kay Mark.
"Para ka na ring naghukay ng sarili mong libingan tss" iniwan ko na siyang nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit nag-aaksaya pa ako ng laway sa taong 'to eh. Mabuti nalang at nakita ko si Alice sa hallway kasama iyong mga kaibigan niya, napatingin naman siya sa'kin at naging gulat ang reaksyon niya, ako rin naman eh kaso hindi ko pinahalata.
Umiwas din naman siya ng tingin at kinausap sila Steff, hahaha nakita ko pang pumula 'yong pisngi niya, ang cute. Napangiti naman ako at naramdaman kong bumilis ang heartbeat ko.
Alice!
Aware naman ako na may pagtingin siya sa akin kaya nga di na ako mahihirapan pa haha pero biro lang 'yon.
Hindi siya basta-bastang babae lang. At oo nga pala classmate ko siya ngayon sa isang subject, na-excite naman ako. Kausapin ko kaya sya mamaya at sabihin kong mag-iingat siya palagi. Right!
xxx
Alice's POV
"Bessy Steff mauna na kami ni Yna ah, iba 'yong subject mo di ba?"kinuha ko na 'yong mga libro kong nalagay sa bench, classmate ko siya ngayon kyaaaa!! wala pa man din kinikilig na ako sa kanya.
"Asus if I know excited ka lang makita si Kevin yiiiih" pang-aasar sa akin ni Steff.
kinilig naman ako haha pero ganun ba ako kahalata? kyaaa naalala ko kanina nagkatinginan kami!!! grabe ako ba talaga 'yong tinitignan niya? Ghad! nakita niya kayang namula 'yong mukha ko? kakaiba naman kasi 'yong tingin niya eh makalaglag panty oh my gosh Kevin!
BINABASA MO ANG
My Handsome Spy : CAMPUS ROYALTIES - Alice & Kevin's Story
FanfictionNot her, not what's mine. -Kevin Fuentes (COMPLETED)