xxx
CHAPTER EIGHT: "Asawa ko"
Kevin's POV
Nang marinig ko ang boses ni Alice na umiiyak, pinilit ko talagang dumilit pero ayaw makisama ng mata ko pati ang kamay ko hindi ko maigalaw.
Nakakainis!
Hindi din naman nagtagal ay tumigil na din siya, pilit ko pa ring inaalam kung paano ang gagawin ko. Para naman akong naengkanto nito tsk!
Ramdam ko ang kamay niya sa akin, pero hindi ko maibalik sa kanya ang ginagawa niya.Gusto ko ding hawakan ang kamay niya pero paano? Then after a couple of minutes naramdaman kong tatayo na siya, kaya parang naging signal iyon at bigla ko nalang nahawakan ng mahigpit ang kamay niya para pigilan siyang umalis.
Pambihira! That was.. Amazing!
ramdam ko ang pagod sa aking katawan, may parte dito na masakit. May kinakausap siya pero hindi ko marinig.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko, dahan-dahan at may pag-iingat. Nakita ko siyang umiyak at si mommy naman ay agad lumabas at tumawag ng doctor. Naalala ko yung sinabi niya kanina na mahal niya ako.
Heaven!
Matapos akong i-check ng Doctor ay agad na pumasok si Alice, naisipan kong lokohin siya kaya lang nakita ko siyang iiyak na kaya binawi ko din agad, Kami na at nakailang halik na rin ako sa kanya. Ang saya lang sa pakiramdam, I freakin' love her.
"Oh Kevin gising ka na pala how's your feeling right now?" tanong ni mommy. Kapapasok niya lang at may dala siyang foods.
"I'm fine now mom, Where's Alice?" Pinilit niya kasi ako kanina na magpahinga kaya hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako at pag gising ko wala na siya sa tabi ko.
"Pinauwi ko muna nang makapagpahinga siya, but she'll come back later" Nakangiting sabi ni mommy
"Mag-isa lang po ba siyang umuwi?"
"No, She's with her friends"
mabuti naman kung ganun, dahil posibleng balikan niya si Alice. Ang walang hiyang Martin na iyon, akala siguro niya hindi ko siya kilala. Siya ang kuya ni Mark. Nalaman ko din na sa kanya galing ang tatlong sulat, I hired an investigator 'cause I'm not stupid to think that those 3 letters is just a prank, masama na ang kutob ko doon umpisa palang.
Nang gabing pauwi kami ni Alice, naramdaman kong may sumusunod sa amin. At may kutob ako kung sino siya, buong akala ko ay coincidental lang ang pagkakakita ko sa kanya sa mall. Ang lalaking bumangga kay Alice, Tinitigan ko siya ng masama noon bilang warning na tigilan niya kung anumang balak niya. Kaya noong nasa tapat na kami ng bahay ni Alice sinigurado ko muna siyang makapasok, kakaiba talaga ang pakiramdam ko kaya lumingon ako sa paligid. Kanan at kaliwa pero wala naman, nang napatingin ako sa kabilang kalsada nabigla ako, may lalaking may hawak na baril. Hindi niya ako napansing nakatingin dahil diretso ang tingin niya kung saan nakatutok ang baril niya, kay Alice! Shit!
BINABASA MO ANG
My Handsome Spy : CAMPUS ROYALTIES - Alice & Kevin's Story
FanfictionNot her, not what's mine. -Kevin Fuentes (COMPLETED)