HHS Chapter Five

3.1K 63 2
                                    

xxx

CHAPTER FIVE: "His life for Her lives"

Alice's POV

"ALICE!!!!!"

*bang*

Swear! sobrang nagulat talaga ako, pero teka.. P-putok ba iyon ng b-baril? Nataranta ako, nilingon ko agad kung nasan si Kevin dahil na din sa pagtawag niya sa pangalan ko. Mas lalo kong ikingulat ang nakikita ko ngayon, si K-kevin... s-si K-kevin... unti-unting bumabagsak yung katawan niya sa lupa, may d-dugo. Bakit may d-dugo si Kevin?

Ang daming gumugulo sa isip ko, bakit n-nasa harap ko na siya ngayon? paano nangyari iyon?, n-nasa malayo siya kanina. Hindi kaya... hindi kya para sa a-akin iyon? Anong nangyari!!!

Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatitig lang ako sa kanya. Gusto kong gumalaw at lapitan siya pero hindi ko magawa, K-kevin...

"anak Alice ikaw ba yan bakit may narinig akong---oh my god who's that!, bakit may dugo..anak..Alice!!!" natauhan ako sa pagyugyog sa akin ni mommy ng malakas. Lumapit agad ako kay Kevin na nakahiga.

"KEVIN! mommy tumawag po kayo ng ambulance please-- Kevin wake up!!" Nakadapa ang katawan niya ang daming dugo, hinarap ko ito.. hindi! hindi pwede!

"K-kevin w-wake up...please gumising ka oh..Kevin!!!" Tuloy-tuloy na ang agos ng mga luha ko papunta sa mukha ni Kevin.

"A-a-alice a-ah!!!" hirap na sabi niya at pilit na ngumiti sa akin.

"Huwag ka na munang magsalita Kevin, dadating na ang ambulansya" hindi ko kayang nakikita siya sa ganitong kalagayan, masakit. Nasasaktan ako para kay Kevin, Bakit kailangang mangyari ito?!! Bakit?!

"m-maki...nig k-ka *cough-cough* A-alice"

"Sssh Kevin huwag mo nang pahirapan sarili mo please" bakit ba ang tagal ng ambulansya!!!

"Mommy nasaan na po!!!" sigaw ko

"A-alice p-please m-makinig ka ugh!!" Wala pa rin tigil sa pagtulo ng mga luha ko

"M-ma...hal k-kita A-alice" Pagkatapos ko itong marinig napahagulgol na talaga ako, bakit sa ganitong sitwasyon pa kami kailangang magkaaminan!!

"H-huwag k-kang u-umi--"

"Mahal din kita Kevin, kaya please lumaban ka oh"pagmamakaawa ko, ngumiti siya ng bahagya at pagkatapos noon tuluyan na siyang nawalan ng malay. At dumating na din sa wakas ang ambulance, nilagay na siya sa strecher at kaagad isinakay. Hindi na ako pinasama ni mommy tatawagan niya na lang daw ang parents ni kevin, hindi ko din inakala na magkakilala pala ang Family namin, siguro hindi lang namukhaan ni mommy si kevin kanina.

My Handsome Spy : CAMPUS ROYALTIES - Alice & Kevin's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon