HHS Chapter Seven

2.2K 40 1
                                    

xxx

CHAPTER SEVEN: "Wake up!"

Alice's POV

pinili kong magpahatid nalang sa driver namin papuntang hospital dahil ito sa tingin ko ang mas safe para sa akin, hindi ko parin kasi maiwasang matakot sa mga nangyari at sa katotohanang may gustong bumaril sa akin, na may gustong pumatay sa akin.

Kailangan ko lang talaga ng matinding pag-iingat ngayon.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa loob ng bag ko kaya kinuha ko agad ito.

*Calling Bessy Steff*

without any hesitation I pressed the answer button.

"Hello Bessy"

[Alice excuse ka na sa last class niyo ni Yna, susunod nalang kami dyan after class okay?]

"Ghad! Bessy thank you so much"

[Naku wala iyon. Papunta ka na bang hospital?]

"Yap, I'm on my way na"

[Oh I see, Take care. Gotta go bessy nandito na ang professor, bye]

"Okay bye Steff, I'll wait for you three"

Steff ended the call

"Mang Albert malapit na ho ba tayo?" tanong ko sa family driver namin dahil hindi ko na kasi napansin kung nasaan na kami banda dahil busy akong nakikipag-usap kay Steff.

Ano ka ba naman Alice parang hindi ka taga dito. sermon ko sa sarili ko, tama naman dapat kasi alam ko na ang pasikot-sikot dito dahil ito ang kinalakihan kong lugar.

"Oo hija malapit na tayo" sagot ni Mang Albert habang ang atensyon nito ay nasa pagda-drive.Naghintay nalang akong makarating kami sa hospital, then after 5 minutes ay nakarating na din kami. Kinuha ko agad ang mga paper bags na pinadala sa akin ni mommy.

"Mang Albert Salamat po" at agad akong bumaba ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Mang Albert. Kinabahan ako dahil ganitong-ganito ang nangyari nang gabing iyon. May phobia na ata ako sa pasigaw na tawag sa pangalan ko.

"Alice, hija!" tawag ulit sa akin ni Mang Albert, wala namang nangyari kaya lumingon na din agad ako sa driver namin na nasa labas na ng sasakyan.

"Maghihintay nalang ako doon sa may parking lot" paalam nito.

My Handsome Spy : CAMPUS ROYALTIES - Alice & Kevin's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon