xxx
CHAPTER SIX: "Thank you is not Enough"
Alice's POV
"Kevin!!!" nakita ko siya.. nakita ko siyang papalayo sa akin kaya tinatawag ko siya pero walang tigil ang paglakad niya.
"Kevin!!!" ulit ko pero hindi pa rin siya tumitigil, ni kahit lingon hindi niya ginawa. Naiiyak na ako, akala ko ba mahal niya ako? sabi niya mahal niya ako pero bakit parang balewala lang naman ako sa kanya.
Nakatitig lang ako sa likod niya, nakatitig lang ako sa kanya, kung paanong unti-unti siyang lumalayo sa akin, masakit, hindi ko kakayanin. Hindi ko naman na napigilan pa ang mga luha ko
"Kevin.." tawag ko nanaman sa kanya pero ngayon sobrang hina na, walang lakas yung tipong ako lang siguro ang makakarinig, paniguradong hindi aabot sa kanya dahil sa layo ng distansya namin.. pero nagkakamali ako. Huminto siya, napaayos naman ako ng tayo habang hinihintay ang paglingon niya. Please Kevin...
"Alice.." tawag niya sa akin at ngumiti, nakakapanindig ng balahibo ang ngiti niya
"K-kevin--" hindi na nagawa pang ituloy ang sasabihin ko, dahil sa salitang binitawan niya na nagpaguho ng mundo ko
"Paalam" aniya at muling tumalikod sa akin, napaluhod na ako habang umiiyak, bakit ganon siya? aalis ba siya? at saan siya pupunta? baka pwede akong sumama! *Isama mo ako kevin* sabi ko sa utak ko, nagbabakasakaling marinig ng utak niya. now I am hopeless! shet!
Unti-unti ng naglalaho si Kevin sa paningin ko, hindi na niya ulit ako liningon matapos niya ulit akong talikuran. Masakit, ang sakit-sakit!!!
"KEVIN!!!!!" sigaw ko.
"Alice.. Bessy gising" naramdaman kong may sumasampal sa magkabila kong pisngi, hindi naman ito kalakasan, tamang-tama lang para magising ang diwa ko.
Dumilat ako at nakita ko ang nag-aalalang mukha nila Steff, nakahinga ako ng maluwag. Mabuti at panaginip lang 'yon dahil hindi ko makakayanan kung mangyayari iyon at baka ituloy ko na ang iniisip ni Jess sa akin kagabi.
"Hey Bessy, you okay?" si Yna, ang koreana kong best friend, ngintian ko lang siya at bumangon ako para maupo sa kama, inalalayan naman ako ni Jess at Steff
"Anong nangyari Alice at sinisigaw mo ang pangalan ni Kevin habang tulog ka?" tanong ni Jess
"Napanaginipan ko siya bessy, iniwan niya daw ako. Iniwan niya na daw tayo" napayuko ako at ngsilabasan nanaman ang mga luha ko, naisip ko lang kailan kaya ako iiyak ng dahil sa saya?
"Tama na yan bessy, di ba ang panaginip ay kabaligtaran ng totoong mangyayari. So, I'm sure hindi ka iiwan ni Kevin, hindi niya tayo iiwan." ngumiti sa akin si Steff at itinataas-baba niya pa ang kilay niya, parang adik lang ang dating niya kaya napatawa ako ng bahagya.
BINABASA MO ANG
My Handsome Spy : CAMPUS ROYALTIES - Alice & Kevin's Story
FanfictionNot her, not what's mine. -Kevin Fuentes (COMPLETED)