Chapter 11

358 9 0
                                    

Chapter 11// For a while



Bakit ko nga ba siya iniwan?



Bakit nga ba?



Kaya ko na bang ipagtapat sa kanya ang dahilan ng pag-iwan ko sa kanya?



What if mas lalo lang siyang magalit sakin?



What if tuluyan na niya akong iwanan dahil sa aaminin ko?



Hindi ko ata kaya 'yon.



Hindi ko ata kayang iwan niya ako ngayon.



"Tell me. Bakit ba Kayla?"



Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko sinabi sa kanya. Bakit nga ba?



Para hindi siya masaktan?



Para hindi niya iwanan ang pangarap niya para lang sakin?



I'm his number one fan diba? At ayokong makikita siyang malungkot dahil lang sakin.



Kahit ako nalang ang nahihirapan 'wag lang siya. Ayoko siyang isama pa sa nararanasan ko sa panahong 'yon.



I also swear na hindi na ako magpapakita ulit sa kanya pero trinaydor ako ng puso ko.



Four years without him killed me little by little.



Kaya nga mas ginusto kong balikan siya. Umaasang sa pagbalik ko matatanggap niya parin ako.



"Please. Ano nga bang nangyari noon? I want to know para maintindihan kita." Hurt is vividly seen in his eyes. Ang sama sama ko dahil lagi ko nalang siyang sinasaktan. Ako nalang lagi ang nananakit sa kanya. I'm trying not to break his heart but everytime his with me, I'm shattering his heart into pieces. "Yes, I admit na galit parin ako sa'yo ngayon pero naisip ko na hindi ko alam ang dahilan mo kung bakit mo ba talaga ako iniwan. Baka kasi may ibang rason, baka may ibang dahilan, iyong katangap-tangap. Iyong maiintindihan ko kung bakit sinakrispisyo mong bumitaw sa ating dalawa."



Pumikit ako ng mariin at umiling. No! I can't tell him. I can't. Nakaya kong itago sa kanya ng ilang taon tapos sasabihin ko rin pala?



"I- I can't." Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga tingin. Masyadong masakit at mabigat.



"W-why? What did I do para iwanan mo nalang ako basta basta? Wala pa akong halaga sa'yo noon? Hindi mo ba ako minahal?" May diin ang bawat salitang binanggit niya. Parang nagaakusa. . .nag-uuyam.



"It's not like that. Mahalaga ka sakin infact mahal na mahal kita Kris na kahit buhay ko kaya kong isakripisyo 'wag ka lang mawala sakin. Mahal na mahal kita." Huminga ako at ipinagpatuloy ang sinasabi ko. Tumingin ako sa aking mga paa para maibsan ang aking kaba. "Hindi ko naman ginustong iwan ka nalang ng ganon. Hindi ko nais saktan ka. Kaso nga lang, I have no choice but to left you. Kailangan kong gawin 'yon para sa kapakanan mo. . . at sa ating dalawa."



Hinawakan niya ang pisngi ko at ipinaharap sa kanya. "Pero hindi ko hiniling na gawin mo 'yon para sakin. Ang gusto ko lang noon ay 'wag mo akong iwan. Kahit malayo ka kaya ko namang magtiis 'wag mo lang putulin ang ugnayan natin pero... damn, mahirap bang gawin 'yon?"



Umagos ulit ang aking mga luha. "Please. Let's forget the past hmm? Ang isipin nalang natin ay ngayon at ang kinabukasan. 'Wag na nating ungkatin ang nakaraan."



"Hindi ko kaya. Mahirap saking kalimutan ang binigay mong sakit. Mahirap maiwan sa ere alam mo ba 'yon? Para kang tangang naghihintay ng wala naman. Kaya kung gusto mong patawarin kita kailangan natin malaman ang nakaraan. We need to know the history of the past before we can move forward. Mahirap humakbang paharap kung palagi tayong humahakbang patalikod."



"Pero kasi--"



"No buts. If you don't like to tell me then it's okay. 'Wag mo ka nalang ulit hihingi ng kapatawaran kung hindi mo rin naman pala kayang sabihin ang dahilan mo noon. You know what Kayla, tatanggapin ko naman kung ano 'yun e, kahit mababaw, kahit hindi totoo at gawa gawa mo lang. Okay na sakin 'yon. As long as you give your reasons tatanggapin ko kahit ano- kahit masakit para wala na akong binabalik balikan sa nakaraan. For me to forget that chapter in my life. Para matahimik na ako at makamove-on na ng tuluyan."



Pero paano naman ako?



Ayokong makamove-on siya sa akin. Gusto kong mahalin niya ako. Gusto kong ako ulit ang laman ng puso niya.



Yes I admit that I'm so selfish.



I'm very very selfish but what to do?



I love him and he is only the one that can make me smile and forget things that only brings pain.



His the only reason why I'm still here despite of everything.



So, should I tell him or not?



Should I hurt myself more or not?



Should I make myself happy even just for a while?


Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon