Chapter 3

504 11 0
                                    

"Kayla Chui!"


"Bakit?" Nakangting nilingon ko siya. Nagpipiyesta talaga ang mga tainga ko kapag sinambit niya ang pangalan ko. Kailan ko ba ulit narinig na binanggit niya ang pangalan ko? Four years ago? I don't know. Maybe. I just can't remember it anymore. Hay!


"This is the CR. I thought you'll go here?" Sabay turo sa Comfort Room malapit sa kanya kung saan naroon ako kanina.


"Nagbago na ang ang isip ko. Hindi na ako magbabanyo. Sa bahay nalang ako magbabanyo para hindi ka na maasar at mainis habang nasisilayan mo ang magandang pagmumukha ko, pero kung gusto mo talagang magcr ako diyan pagbibigyan kita at kung gusto mo ring sumabay sa akin. Why not diba?" I laugh. Natutuwa talaga ako kapag nakikita kong kumukunot ang noo niya kapag patago ko siyang sineseduce gamit ang mga salita ko.


"No thanks. " Oh di hindi. Hay naku. Madali lang akong kausap no! Hmp!


"I know. Alam ko namang ako ang pinakaayaw mong makita sa mundong ito kahit man sa pagguho nitong kung sakali. Alam ko ring ilang beses mo na akong sinumpa diyan sa isip mo. Alam ko ring binura mo na ako diyan sa buhay mo at baka masakal mo pa ako kung sakali man lalapitan kita ulit ngayon, kaya naman paalam na. Babush. See you when I want to see you again." At naglakad na ako palayo.


"At nga pala, huwag mong pabayaan ang kalusugan mo. Alam ko kasing sobrang busy ang sched niyo pero please don't forget your health. Mahirap magkasakit." Dagdag ko.


"Don't concern yourself to me." Walang emosyong sagot niya.


"Sorry but I can't stop. I want to know if you're okay or not. Gusto kong pigilan ang sarili ko at hayaan nalang kita at hindi ka na alalahanin pa but I can't Kris. It still concerns me. I still care for you because—."


"Really?" At humalaklak siya pero iyong klase ng tawa ng puno ng bitterness. "You still care for me? Stop Miss, you're really funny."


"Okay lang kung ayaw mong maniwala. It's okay. Okay lang sa akin. Alam ko namang galit ka kaya naiintindihan ko kung hindi katanggap tanggap ang mga sinabi ko. Sige na, bumalik ka na roon. Baka hinahanap ka na ng mga kasamahan mo." I still managed to give him my sweetest smile. I know it's my fault kaya dapat tanggapin ko kung ano mang mga salita ang ibato niya sa akin.


"Wala ka bang kasama?" Tanong niya.


 Concern siya sakin? Naks may pag-asa.


Napatigil ako sa paglalakad. Lumingon ako ulit sa kanya at nakita kong naglalakad siya palapit sa kinaroroonan ko.


"Huh? Uhm. Wala. Bakit?" Sagot ko. Ihahatid ka niyan for sure Kayla. Alam mong mag-aalala siya sa iyo kung mag-isa ka lang uuwi. Ganitong ganito siya noong kayo diba? Sobra siyang nag-aalala sayo. Old habbits die hard talaga. Isang ngiting tagumpay naman diyan, Kayla. Galing mo. Pak na pak. I said to myself.


Tumigil siya sa harap ko. Hinihintay kung may iba pa ba siyang sasabihin sa akin.


"Hindi ka na dapat pa pumunta rito, Miss."


 Hanudaw? Iba ata ang ineexpect kung sasabihin niya? Parang nabingi ata ako sa sinabi nito.


"I need to." sabi ko nalang. Assuming ka kasi Kayla. Sarap mong sabunutan at kalbuhin. Asa kang lalambot agad ang puso niya sa'yo. Alam mo iyong sunga? Minsan baliw, Madalas Ikaw! Ano ngayon. Oh di Nga Nga!


"Whatever." Tapos nilampasan na niya ako dahil nagpatuloy na siya sa paglalakad.


"Kailangan ko dahil naiwan ko..


...naiwan ko ang puso ko..."


Tumigil siya sa paghakbang.


"Naiwan ko ang puso ko."


Nilingon niya ako. "Naiwan. Saan naman?"


"Hindi saan, kundi kanino. Naiwan ko ang puso ko SAYO." Lalo namang dumilim ang pagumukha niya.


"Sakin? Really? Ow! Tinapon ko na iyon sa basurahan four years ago? Kaya wala ka ng mahahanap sa akin narealized ko kasing nakakamatay pala ang puso mo. At nagdudulot ng sakit at pighati kaya naman hindi ko iyon natiis kaya tinapon ko nalang. Wala na kasi siyang silbi. " Mapait na tugon niya sa akin. Tumalikod na ulit siya.


'Alam mo iyong bitter? Minsan lasa pero madalas ikaw.'


"Magpatawag ka ng taxi sa guwardiya at nang hindi ka magtagal na mag-abang sa kalye baka kasi makita pa kita ulit. Masira lang ng husto ang sirang sira kong araw." Sabi niya at naglakad na ito pabalik sa concert hall. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Lahat ng lakas, tapang na inipon ko kanina unti- unting nawawala sa akin.


 You deserve to be treated like this, Kayla. You hurt him. You caused pain to him kaya what do you expect? Na tatakbo siya para salubungin ka ng halik at yakap? Buti nga at hindi ka niya sinakmal nang makita ka, kaya magpasalamant ka pa sa kanya.


I expected naman talaga na malamig ang pakikitungo niya sa akin. Na parang hindi na niya ako kilala. Na parang hindi man lang niya ako minahal. Na parang wala kaming masasayang alaala before. Kasi nga hindi maganda ang paghihiwalay naming noon. Hindi maganda ang nangyari sa 'lovestory' naming dalawa.


Kaso iba parin pala ang aktwal na pangyayari kaysa sa eksenang binuo ko sa aking isipan. Akala ko masakit, pero masakit na masakit pala. Akala ko kakayanin ko pero ngayon palang feeling ko hindi ko na ata kayang paamuhin ulit siya. Hindi ko na ata kayang ibalik pa ang tamis ng pag-iibigan naming dalawa noon. Hindi ko na ata kayang abutin pa siyang muli. Noon pa nga lang na hindi pa siya gaanong sikat marami na akong kaagaw sa kanyang atensyon, ngayon pa kayang sikat na sikat na siya at halos lahat ng babae pinagpapantasyan siya bilang kanilang nobyo, bilang kanilang prince at night in shining armor. Na halos lahat ng babae gumagawa ng effort para lang mapansin sila.


Naglakad na ako palabas ng concert hall habang naririnig ko ang panibagong kinakanta nila. "Baby, don't cry".


Napailing nalang ako. Hindi dapat ako sumuko. Hindi ngayon. At hindi kailanman. Simula palang ito kaya kailangan hindi ako dapat panghinaan ng loob. I need to do everything just to win his heat again. Whatever it takes, i will make him fall in love with me again. This time kailagan mas malalim, deeper, kasi nga, love is sweeter for the second time.


 Kaya Kayla kaya mo 'yan, huwag mo siyang sukuan agad. Mahal ka parin ni Kris. Tiwala lang. Aja! Fighting!


A/N : Kayla Chui --->

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon