Chapter 2

530 14 1
                                    

       

        Naghahanda na ako sa pag-alis dahil nasilayan ko naman na ang dahilan ng pagpunta ko sa concert na ito. Hanggat narito kasi ako mas pinapaasa ko lang ang sarili ko. Pinapaasa na baka sakaling may pag-asa pa ang naudlot na pagmamahalan namin ni Kris.

        Subalit naisip ko, apat na taon na ang nakakalipas, kahit siguro walang nababalitang kasintahan ni Kris ay nakakasigurado akong marami ng nagbago--pati narin siguro ang nararamdaman niya sa akin.

        Pero bago ako lumabas sa concert hall ay dumaan muna ako sa restroom. Nakaramdam kasi ako ng tawag ng kalikasan.

        "So, I'm not mistaken. It's really you huh."

        Nabitawan ko ang doorknob ng pinto ng restroom nang marinig ko ang pamilyar na tinig. Agad kong hinarap ang nagsalita at nakita ko ang lalaking tinitibok ng puso ko, ang lalaking pinaglaanan ko ng aking puso--si Kris.

        Nakatayo siya di kalayuan sa akin. Kita ang inis sa mukha nito habang nakatingin sa akin.

        Kahit kakainin niya na ako ng buhay ngayon din, feeling ko saglit na huminto sa pagtibok ang aking puso nang makita kong humakbang pa siya palapit sa akin.

        "Uhm.. Hi," nakangiting bati ko. "Long time, no see." Sobrang gwapo mo parin. "Bigtime ka na ngayon a, sikat na sikat kana. Di ka na ma-reach."

        "What are you doin' here?"

        "Mag-ccr siguro? Bakit sasama ka?" I teased

        "Tss. I'm not joking here Miss. I'm seriously asking what are you doin' here?"

        "Mag-ccr nga ang kulit. Call of nature. Kung hindi mo parin magets sige ito nalang, Iihi ako kaya ako pupunta dito sa restroom. Ano okay na? satisfied my dear?" Sagot ko kahit alam kong hindi naman iyon ang gusto niyang itanong sa akin.

        "Yeah right!" Sarkastikong sagot nito. Halatang badtrip na siya dahil sa pabalang na sagot ko.

        "Ano bang tinatanong mo? Kung bakit ba ako nandito malapit sa restroom o kung bakit ba ako nandito sa concert hall?"

        "I prefer the latter one . I'm not expecting to see your face here." Seryosong seryoso na ang kanyang mukha. Kitang kita rin ang galit sa kanyang mga mata.

        "Ow! Well, nandito ako dahil ito ang tahanan ng aking lahi. Ito ang aking bayang sinilangan----"

        "I'm dead serious Miss."

        "Oh, Okay. I'm here because of EXO. Because EXO is here. I love your music and your group, you know. I love the way your group perform. The way you and the other members sing and dance. The way how you get the attention of all the people because all of you has this charm na makalaglag panty." I laughed dahil sa huling sinabi ko. Kumunot lang ang kanyang noo dahil sa sinabi ko. Kaya naman tumigil ako sa pagtawa at humarap ulit sa kanya.

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon