Chapter 9

362 12 0
                                    

"Slave." Tawag niya sa'kin.







"Bakit po master?" Tanong ko. Tinigil ko ang paghuhugas  ng pinagkainan at pumunta sa sala na kinaroroonan niya.








"Bakit ang dumi nitong t.v? Pinunasan mo ba talaga 'to?" Ipinakita niya ang kanyang hintuturo na pinangpahid niya sa gilid ng t.v.







Naiinis na tumingin ako sa mga mata niya. Cold hearted man!








Isang linggo narin kasi niya akong ginawang alila sa bahay niya. Paksyet  na 'yan. Pasalamat siya't mahal na mahal ko siya kundi kanina ko pa siya inupakan.







Sino naman ang hindi maiinis sa pinapagawa niya sakin? Halos lahat ng kasulok sulukan nitong villa niya ay nalinis ko na pero si sinisintang tunay paulit-ulit na nagrereklamo sa ginagawa ko. Haynaku, wala na akong ginawang tama sa harap niya.








"Why are you lookin' me that way? Ayaw mo na? It's okay with me. You can go if you want to." Nakipagtitigan siya sa akin, at wala ata siyang balak na mag-iwas ng tingin kaya naman ako nalang. Natural, ako ang slave dito at siya ang master. At nakasaad sa kontrata kuno namin na 'di dapat ako nakikipag eye-to-eye sa kan'ya. Dapat lagi daw nakababa ang tingin ko. Asus, daming pakulo ng lalaking 'to. Alam ko namang sa'kin parin ang bagsak niya pati narin ang huling halakhak.






Yumuko ako. "No Master. Sige po pupunasan ko po 'yan pagkatapos kong iligpit 'yong hinugasan ko." Ani ko. Nagtaas ako ulit ng tingin at ngumiti sa kanya.







Nahuli ko siyang napapangiti pero napawi agad  nang makitang nakatitig ako sa mukha niya. He cleared his troat at nagsalitang muli. "Fine. Stay away from my sight then. Continue what you're doin' while ago. Finish it, pagkatapos pwede mo ng ayusin ang pinapagawa ko."







Hay Kris Wu, masayang masaya ka atang nakikitang nahihirapan ako no? Pag ikaw talaga nahumaling ulit sa ganda ko "who you" ka sakin. Charot! Joke lang 'yon. Ofcourse, hindi na kita papakawalan pang muli kaya humanda handa ka sa aking pagbababalik sa 'yong puso't isipan. Infairness, masarap din palang maging alila, libre ang pagsulyap minu-minuto kay Kris.  Napangiti ako dahil sa naisip ko.







"Why are you smiling?" Tinaasan niya ako ng kilay. Sungit mo talaga Kris. Sarap mong i-kiss sa lips. Jusme. Ang landi ko.








"Ha? Hindi naman po master." Tangi ko. Mahirap na baka pagkamalan pa niya akong nababaliw na kahit hindi naman . . . pero baliw na pala ako, baliw na baliw na ako sa kan'ya. "Ikaw nga diyan ang napapangiti e." Bulong ko.







"May sinasabi ka?" Kumunot ang noo nito.







"Wala po. Wala naman po kayong naririnig diba? Kaya wala akong sinasabi." Pabalang kong sabi. Pero wala man lang siya reaksyon. Poker face lang. Tse! Walang sense of humor 'tong lalaking 'to. Tinaasan pa niya ako ng kilay. Anak ng! Sungit! "Ikaw talaga Master ang kyut kyut mong magsungit at ang gwapo-gwapo mo pa. Tara pakasal na tayo."







Napamulagat siya sa huling sinabi ko. Kaya agad ko itong binawi. Malay ko baka paalisin niya ako ng wala sa oras at magpower trip ng bonggang bongga si sinisintang tunay. "Joke lang 'yong huling sinabi ko Master. Syempre hindi pa ngayon kundi sa tamang panahon tayo magpapakasal. Kaya ko naman maghintay hanggang sa kaya mo na akong mahalin ulit." Kumindat ako sa kanya habang siya umirap naman sakin. Halata pero ang pamumula ng tainga nito.








Nahihiya o kinikilig si Kris? Dalawa lang kasi ang pwedeng rason kung bakit namumula agad ang tainga nito. Dahil sa hiya o sa kilig. And I know for sure, kinikilig siya.







"Master 'wag masyadong kiligin ha?" Dagdag ko pa at agad na umalis sa harap niya. Hindi ko na hinintay ang response niya sa sinabi ko. Ayoko kasing marinig ulit ang paulit-ulit na pagtanggi nito sa akin at pagsabing may mahal na itong iba. In denial kasi siya. Duh, ako parin ang mahal niyan! One hundred percent sure.







Kayla Chui, ano bang mga pinagsasabi mo? 'Wag masyadong bulgar sa feelings ha? Paka-dalagang Pilipina ka naman.







Napairap nalang ako sa hangin dahil sa maliit na tinig sa aking isipan.







Basta, masaya ako. Masaya akong ganito ako kalapit ulit sa'kanya. Hindi ko man ine-expect na magiging slave niya ako atleast okay na ito kaysa sa wala.








'Wag nalang sanang bumalik pa ang girlfriend niya dito at makiagaw ng atensyon.






Ang makasarili ko na ba kung hihingin kong iwan din siya ng girlfriend niya?







Kahit sa mata ng iba ay ang sama kong tao, hinihiling kong sana maghiwalay sila.






Sana ako nalang ulit ang mahalin niya. Ako nalang ulit ang paglaanan niya ng puso siya. Ang sabihan niya ng I love you.





I want him. I want him to love me again.






Mahal na mahal ko siya at ang sakit sakit isiping may nilalaman ng iba ang puso niya. . . at kahit tumambling man ako ngayon hinding hindi magiging ako 'yon dahil sa nagawa kong kasalanan sa kan'ya.






Dahil iniwan ko siya sa panahong kailangang kailangan niya ako. . .

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon