Chapter 7

384 12 0
                                    




Minulat ko ang mga mata ko. Anong nangyari? Tanong ko sa sarili ko.

"Oh... Gising ka na sa wakas." Tumingin ako sa kanya. Hinanap din ng mga mata ko ang babaeng kasama niya. "What did you say while ago? You're lost? Really? Huh?" Matalim ang tinging pinupukol niya sa akin.

Napayuko ako. "S-sorry. I'm sorry." Inayos ko ang sarili ko. "I'll go na. Nga pala sa babae kanina pakisabi salamat."

"I don't like. Tell her. Bakit kailangan mo pa akong utusan." Masungit nitong sabi.


"Uhhh... nasan ba siya?" Tanong ko sa kanya. Hindi parin niya ako tinitignan. Magpapasalamat lang ako sa babae then I'll go. I promise...


"Nasa labas kausap ang Mom niya sa telepono. You can wait her here or not...basta umalis ka rin kaagad dito dahil..." Nais ko sanang takpan ang dalawang tainga ko para hindi na marinig ang susunod na sasabihin niya subalit nahuli na ako... "You're disturbing us."


Nilaro ko ang mga kamay ko. Nagbabakasakaling kapag tinuon ko sa iba ang aking pansin ay hindi babagsak ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. "S-sorry. Puntahan ko nalang siguro siya para makapagpasalamat then aalis na ako..." Pinahid ko ang mga luhang tumakas sa aking mga mata. Si Kris 'yang nasa harapan mo Kayla. Ano ba! 'Tama na iyang pag-iyak mo.


"Suit yourself." Kibit balikat niya.


Palabas na siya ng pintuan nang tawagin ko siya. Kayla ano ba! 'Wag mo ng tanungin dahil masasaktan ka lang. 'Wag kang magpakamartir dahil pinapatay na ngayon sa luneta ang mga taong ganyan. Please lang ha?! 'Wag mong tatanungin. Kayla, please...


"Kris!"Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Kailangan kong malaman. I will endure the pain. I can endure all of it. I can... "Girlfriend mo ba ang babaeng kasama mo?" Alam niyo iyong feeling na, 'Dying to know the truth. Afraid to find out. ' Gusto kong malaman pero ayokong marinig ang katotohanang ipinagpalit na niya ako sa iba. Na kinalimutan na niya ako at may ibang laman na ang puso niya.

"Why so curious, miss?" Ngumisi siya. Humakbang ulit siya pero palapit naman sakin

"Uhm.. I just want to know... para alam ko kung kanino kita aagawin or kung sino ang masasagasahan ko kapag kukunin kita ulit." Sagot ko sa kanya. It's now or never. Gagawin ko ang lahat bumalik lang si Kris sa akin ulit kahit man magmukha na akong tanga, desperada at higit sa lahat mang-aagaw.


Yumuko siya at inilapit ang mukha niya sa akin. Konting distansya lang ay maari na kaming maghalikan. Napalunok ako. Damn! He's making me fvcking nervous!


"Hindi mo na ulit ako makukuha sa kanya. I'm inlove with her. Don't make any shit that can ruin our relationship. Don't push my limits, miss.."He smile wryly.


"Let me try. I know you still love me. Ramdam ko."

"I'm not. Don't assume things."

"No... nasaktan lang kita kaya ka nagkakaganyan...you hate me because of what I did..."napapaos na sabi ko. Lumayo siya ng kaonti sa akin na para bang diring diri siya sa sinabi kong mga salita.


"What did you do huh? That can make me hate you? Ha?" Patay malisyang tanong niya sa akin. I know sinusubukan niya lang ako. Pinapaalala niya ang kasalanang ginawa ko sa kanya.

"K-kris. Hindi ko ginusto iyon. Hindi ko ginustong iwan ka."

"But you did." He smirked hinawakan niya ang mga braso ko. "You leave me. Iniwan mo ako na parang tanga. Ang tanga tanga kong nagpakatanga sayo. Bakit Kayla? What did I do to deserve it? Kahit man lang goodbye wala or isang text man lang na aalis ka ng bansa. Naglaho ka na parang bola. Hinintay kita pero wala and here you are...four fucking years...at iniisip mong pareho parin lahat. I'm not that Kris whom you know before. I'm not going to fall in your trap again. Never." Mariing wika niya.

"Kris...L-let go of me. Nasasaktan ako." Pakiusap ko. Mahigpit na mahigpit na kasi ang hawak niya sa balikat ko. Binitawan naman niya ako."I can't tell you the reason why I leave pero maniwala ka... hindi ko ginustong mangyari 'yon. Please, let me love you...again."

"No. Tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sa akin."


"Kahit na. I'm willing to prove myself again. Mahal kita Kris. Walang nagbago roon."

"I don't love you."

"Then I'll make you fall inlove with me again."


"You can't."


"I can."

"May mahal na akong iba."

"Wala akong pakialam. Pasasaan ba't maghihiwalay din kayo."

"I'm deeply inlove with her and you can't do anything about it. Wala na akong nararamdaman sayo."

"Meron, you hate me remember?"

"Tsk." Sabi nito bago tuluyang umalis sa kwarto.


"Hindi ako susuko sa'yo. I'll make sure you'll love me again." Sigaw ko kahit na alam kong wala siyang pakialam sa nararamdaman ko na ngayon.

Okay lang kahit may mahal siyang iba. Hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mahalin niya ako ulit. I will endure all the pains.

May pag-asa pa ako dahil may nararamdaman parin siya sa akin kahit galit man 'yon. Naniniwala kasi akong kapag galit ka sa isang tao ibig sabihin 'nun mahal at pinapahalagahan mo siya kaya ka nasasaktan.

That's why I will fight for him. I can't lose with this battle. I just can't... hindi pa ngayon. Kaya ko pa naman...

Pinilit kong ngumiti pero kasabay naman nang pagbagsak ng mga luha ko.

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon