Chapter 12

366 9 0
                                    

Chapter 12// Hurt yourself.

Umalis ako noon dahil may sakit ako.


May sakit ako noong panahong kailangan niya ng taong nandiyan para sa kanya.

Gusto ko siyang damayan. Hindi ko nga pinapansin ang sinasabi ng parents ko na kailangang ipagamot ako sa ibang bansa.

Hindi ako sumang-ayon sa nais nila. Sabi ko nga mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa iwan si Kris. Hindi ko siya kayang iwanan. Kailangan niya ako sa tabi niya.

Siguro naman makakapaghintay ang paggamot sa sakit ko. 'Yan ang nasa isip ko sa panahong 'yon.

Nasa kritikal kasing kondisyon ang parents niya dahil sa isang car accident.

Wala pang dumadating na kamag-anak niya and I know that hindi ko pwedeng sabihing kailangan kong umalis din pansamantala.

Hindi ko kayang sabihing ngayon na may sakit din ako at kailangan kong magpagamot. Ayaw kong dumagdag pa sa alalahanin at problema niya.

Ayaw kong malaman niyang may pinagdadaanan akong sakit at guluhin pa ang isipan niya.

He needs to rest at kung sasabihin ko mang nakaschedule na next week ang flight ko sa Canada baka mas gumulo pa.

Kailangan siya ng parents niya...at ako...kaya ko pa naman.

Kaya ko pang ilihim sakanya.

Mapapakiusapan ko pa naman siguro si Daddy na ire-schedule ang pag-alis ko ng bansa o kaya naman hayaan nalang ako sa tabi ni Kris.

Hayaan nila akong damayan siya dahil kailangang kailangan niya ako.


"What are you thinking Kayla? You need to go." Mariing ani ni Dad.

"Dad...please. Please let me stay here. Kahit hanggang sa magkamalay lang ang magulang ni Kris. I can't go. Please. Not now dad." Nagmamakaawa kong sabi. Mahal ako ng parents ko pero alam ko sa mga oras na 'to kahit man lumuhod ako sa harapan nila 'di nila kayang ibigay ang gusto ko. They wanted me to be healed that's why they can't let me stay here just for another week.

"How about you? How about us? We can't let you die infront of us kung alam naming may paraan pa para gumaling ka. Kayla, you need to inform him that we will be out of the country at kailangang mong magpagamot. Kailangan niyang malaman ang tunay na kalagayan mo!"


"But dad...hindi ko kayang iwan si Kris." Umiiyak na ako. Bakit ba ang sama ng tadhana? Bakit ba kailangan ako pa ang magkasakit? Bakit kailangang ako pa ang makaranas ng gan'to? "Mmy...dad...please understand. I need to stay here. Payagan niyo na ako. Ito nalang po ang hinihiling ko sa inyo. Ito nalang magpapasaya sakin---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman kong dumapo ang palad ni Mommy sa pisngi ko. Ito ang kauna-unahang pinagbuhatan niya ako ng kamay.

Umiiyak na rin siya sa harap ko. "Then what do you want us to do? Ha? Anak ka namin. I can't just let you die nang wala man lang akong ginagawa." Hinawakan niya ang kamay ko. " Kayla, pamilya mo kami. We also need you to stay for us. Hindi lang si Kris ang kailangan ka. Kailangan ka rin namin. Masama bang isipin ang kalagayan ng anak namin? Masama bang ipagamot siya para gumaling. Tell me what we've done to you para gawin mo sa amin 'to? We've love you so much. We can't just stay like this kahit na alam naming mas lumalala ang kalagayan mo. You will go with us either you like it or not." Matalim ang tinging pinupukol si mom sakin.

Alam ko namang ako ang iniisip nila...ang kalagayan ko.

"Si Kris kasi baka 'di niya pa po kaya kapag sinabi ko po ang pag-alis ko."


"Then choose." Ani ni dad.

Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Stay here then lahat ng shares natin sa kompanya ng pamilya nila at tatanggalin namin hanggang sa malugi. I will also use my connections para pabagsakin sila." Seryosong wika niya. "Second, come with us then everything will be alright."



"Dad..please. don't do this. I'm begging you."

"Stop it Kayla. Mamili ka nalang. Iiwan mo siya para sa ikabubuti ng pamilya niya o mags-stay ka rito na dahilan ng pagbaksak niya?" Hamon sakin ni Dad.


What should I do?



Kailangan ko ba talagang iwanan siya?

Paano kapag 'di na ako gumaling?

Maghihintay nalang siya ng wala?

Kailangan ko bang isakripisyo ang relasyon namin para sa ikabubuti naming dalawa?

I want to curse! Bakit sakin pa nangyari 'to?! Why do I need to suffer?!

Bakit kailangan ko pang magkasakit?

Oh god! What have I done to deserve this?

If I'm going to leave na walang pasabi  magiging masaya ba ako?

Tama ba ang desisyon ko?

Tama bang hindi ko sinabi sa kanya ang nangyayari nun?

Tama bang inilayo ko siya sa katotohanan nun?

Kung sasabihin ko ba ngayon may magbabago ba?

Kung sasabihin kung kahit nagpagamot ako noon ay hindi parin ako tuluyang gumaling magiging masaya ba kami?



Kaya ko bang sabihin sa kaniya na bumalik lang ako dito para makita siya sa huling pagkakataon at maranasan ang mahalin niya ulit?

Masama bang maghangad na mahalin niya ako ulit sa tatlong buwan na nandito ako sa tabi niya?

Masama bang maging makasarili?

Masama bang balikan siya kahit na alam ko sa huli iiwan ko rin siya?


Tell me, masama ba? Kung masama bakit?

Lahat ng tao may kanya kanyang depinasyon sa kung anong masama at mabuti. Depende nalang 'to sa kung anong naiintindihan at pananaw natin.

"I still love you." Ani ko. Hinding hindi ako magsasawang sabihin sa kanya 'to.


"Can you let me in your heart kahit ngayong andito lang ako. Promise pagkatapos ng tatlong buwan hindi na kita guguluhin. I swear."


"Kayla--"

"Please. Kahit hindi mo ako mahalin ulit okay na. Okay lang basta hayaan mo lang akong mahalin ka. Hayaan mo akong iparamdam na mahal na mahal parin kita kahit ilang taon na ang nakalipas." I beg.

I know I sound so desperate right now pero wala ng makapagbabago ng desisyon ko ngayon. Buong buo na 'to.

"You're just going to hurt yourself." Aniya.

"I don't care." Tumitig ako sa mukha niya at hinalikan siya sa labi.

I'm sorry because I'm selfish.

I'll borrow Kris for just three months. Don't worry. Ibabalik ko rin siya sa girlfriend.



Sa ngayon, akin mo na siya.

Loving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon