MWOD # 02 - Regrets of Hurting her

2.3K 168 53
                                    

B A E K H Y U N ' S

Naglalakad ako ngayon papunta sa Coffee Shop malapit sa bahay nila Taeyeon

Sino si Taeyeon? Siya yung babaeng nagmahal sakin pero sinaktan ko lang, Saksi ang mga kaibigan ko sa pag-aalaga niya sakin. Everything that we had before was real. I did loved her from the bottom of my heart pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko siya sinaktan.

Bakit ko nga ba siya sinaktan?

Is it because sa nakita ko noon or is it because dahil kaibigan ko yun?

Hindi ko na alam. It's been four years since nung huli ko siyang nakita at four years narin simula nung may narinig akong balita tungkol sa kanya.

Medyo malayo layo rin ang nilakad ko para lang makapunta sa Coffee Shop nayon.

Memorable sakin ang lugar nayon dahil doon kami lagi kumakain ng breakfast sa tuwing sabay kami papasok.

Tuwing hapon pag magdedate kami dun kami lagi tumatambay. Miss na miss ko na siya pero hindi ko alam kung nasaan siya.

Habang naglalakad ako may nakita akong dalawang bata isang lalaki at babae. Halos napatulala nga ako sa itsura nila eh.

Parang kami lang ni Taeyeon. Mini us baga.

Nilapitan ko sila at nakita ko silang umiiyak.

"Hey little kids, What are you doing here alone?" Tinanong ko silang dalawa. Tumingin sakin yung lalaki at hinawakan niya yung kapatid niya.

Protective Kuya. Mabait na bata. Naturuan 'to ng magulang niya.

"We're lost. Please help us" Sabi nung batang lalaki. I patted their head.

"Saan ba kayo galing kanina? Sinong kasama niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Our Eomma, red car ang gamit niya and we stopped at a Coffee Shop near GG's Mansion. Alam niyo po ba kung saan iyon?" Tanong sakin nung batang lalaki.

Napatitig ako sa kanila nung marinig ko GG Mansion at Yung Coffee Shop.

Coincidence?


I smiled. "Yes i know that place. Dun din ang punta ko samahan ko na kayo?" Sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan sila. "Ahjussi. . . Can we trust you?" Tanong sakin nung batang babae.

I smiled at her. "Oo naman. Ang totoo niyan kilala ko ang mga nakatira sa GG Mansion. Kaibigan ko sila noon." Sabi ko sa kanya. She smiled.

Tumigil na sila sa pag-iyak nila at hawak hawak ko ang kamay nila. Para akong tatay na ginagala ang anak dahil nasa trabaho ang nanay nila. Haha.

Sana nga anak ko nalang sila.


Habang naglalakad kami kwento lang sila ng kwento. Hahaha. Sobrang gaan ng loob ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit.


Nang makarating kami sa Coffee Shop may naaninag agad akong kotseng kulay pula na nakaparada sa harap ng Shop at may napansin akong babaeng nakaupo sa gilid ng kotseng ito.

Halos mawalan ako ng hininga nung mamukaan ko ang pananamit at features niya.

Taeyeon?


Nagsimula na ulit umiyak ang sina Jesper At Hyacinth. Sinabe kase nila sakin ang pangalan nila kanina habang papunta kami dito.

Tumakbo sila papunta kay Taeyeon at niyakap sila ni Taeyeon.

Mommy? Who's our Daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon