MWOD # 04 : Family Bonding?

2.2K 146 22
                                    

T A E Y E O N ' S

Tanghali na pero nandito parin si baek samin at hindi niya parin binibitawan si Cinth. Pagpasok namin kanina dito nakita kong tulog si Cinth bubuhatin ko sana kaso sabi niya siya nalang daw kaya hinayaan ko siya.

Nagulat nga kaming lahat dahil biglang nagising si Cinth nung kinarga siya ni Baek at tinawag siyang 'Daddy' pati si Baek nagulat eh.

Aish. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Nakaupo kami ngayon sa sofa. Natutulog si Cinth kay Baek tapos si Jesper naman nakaunan yung ulo niya sa hita ko. Tulog na tulog din.

Hinahanap niyo ba yung iba? Ayun. Nilayasan kami. May pupuntahan daw silang lahat.

Iniwan nila kaming apat dito.

"Yeon." Tawag niya sakin.

Tumingin ako sa kanya. "Wae?" Tanong ko.

Parang kinakabahan ako sa sasabihin niya ah.

"Pwede ko na bang malaman kung sino ang Daddy nila? Or Kung sino ang Asawa mo?" Tanong niya. Ack! Grabe ha!

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Tinanong na niya ang pinakaiiwasan kong tanong.

Tumingin ulit ako sa T.V  "Ahm. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sayo pero. . .

Hindi pa kase ako handang sabihin kung sino..

Tsaka asawa? Wala no ako non." Sabi ko. I heard him sigh.

I'm really sorry.

"E-eh ikaw?" Tanong ko sa kanya.

Hindi kase talaga ako mapakali nung nakita ko si Kier yung anak niya.

"Ang hirap mag-ala ng bata. Lalo na pag makulit Hahaha." Sabi niya.

He's smiling when he said those words, He's happy.

There's something inside me na parang ayaw siyang pakinggan. Nasasaktan ako.

Okay fine! I admit it. Sobrang nasasaktan ako!

"Oh. Ilang taon na si Kier?" Tanong ko.

Taeyeon? Ang tanga mo.

"He's four years old na. Itong si Jesper at Hyaci ilang taon na?" Tanong niya. Hyaci? May tawag na agad siya sa dalaga namin?

"Parehas silang Four years old. Kambal nga diba? Hahaha." Sabi ko sabay tawa. Saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para tumawa?

"Hahaha. Oo nga pala. Saan kayo tumira?" Tanong niya sakin.

Interview ba ito?

"At first we were in london then after a year we moved in Korea." Sabi ko sa kanya with British accent.

Napatango nalang siya.

"No wonder parehas silang englishero/ra. Hahaha." Sabi niya. Natawa nalang din ako.

Wait. . . Hindi pa nga pala kumakain ng lunch. Dahan dahan kong inihiga ang ulo ni Jesper sa unan at tumayo ako.

"Baek anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya.

Tumayo siya at dahan dahang inihiga si Cinth sa sofa katapat ni Jesper.

"Tulungan na kita sa pagluluto." Sabi niya nung naihiga na niya si Cinth.

Mommy? Who's our Daddy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon